PARANG NAMANHID ANG BUONG KATAWAN KO. Pakiramdam ko ay namimingi ako sa lakas ng palakpakan sa paligid. Ni hindi ko nga nakuhang tumayo, kahit pa mayroong sumenyas sa amin na gawin iyon. Baka bigla na lamang bumigay ang mga tuhod ko, kung ipilit ko. Tila awtomatiko ang pag-iinit ng mga mata ko. Kasabay niyon ay ang pagbara ng tila bikig sa lalamunan ko. Bigla akong nahirapang huminga. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, sino ang mag-aakala na ang taong ito, na dalawang taon ko nang pilit na kinalilimutan ay bigla na lamang lilitaw sa harapan ko nang ganoon na lang? Nagpapasalamat na lamang ako at maraming tao. Though, hindi masyadong malayo ang inuupuan namin, siguro naman ay hindi ako nito ganoon kadaling makikita. Medyo ibinaba ko pa nga ang sarili ko upang makapagkubli sa mga taong nas

