"HINDI SIYA SASAMA SA 'YO!" Nagpupuyos na sigaw ni Jack habang nakikipagsukatan ng tingin kay Kael. Kung galit ito, ay mas lalo ang lalaki. Ramdam na ramdam ko ang galit na ibinubuga ng mga mata nito habang madilim na madilim ang mga iyong nakatingin kay Jack. "Gusto mo akong subukan?" Hindi nagtaas ng tinig si Kael. Ni hindi nabago ang kalmanteng anyo. Tanging mga mata lamang nito ang nagsasabi ng tunay na nasasaloob. Akmang hahakbang si Jack para abutin ako. Ngunit mas mabilis si Kael. Kaagad ako nitong hinawakan sa pulsuhan at hinigit patungo sa kanya. Lalo namang nagpuyos sa galit si Jack. Doon na ako pumagitna sa mga ito. "Kael, please..." punung-puno ng pakiusap ng sambit ko sa lalaki. "S-sasama na ako sa 'yo." "Bea!" Bakas na bakas ang pagtutol na bulalas ni Jack. Sandali

