"A-ANONG GINAGAWA MO RITO?" Natigilan ako paglabas ng CR nang makita ko si Kael na prenteng nakaupo sa ibabaw ng kama ko at nanonood ng tv. Nakasandal ito sa headboard, hawak pa ang remote at namimili ng palabas na panonoorin. Patay na ang ilaw sa buong silid. Tanging ang liwanag na lamang na nanggagaling sa nakabukas na telebisyon ang nagsisilbi naming liwanag sa buong paligid. Mabuti na lamang at naisipan kong magdala na ng damit kanina, nang pumasok ako sa loob ng CR para maligo. Kung nagkataon ay nakatapis na naman ako ng twalya na lalabas ng CR. Parang katulad lang ng dati. Noong mga panahong... Lihim kong naipilig ang ulo ko upang itaboy ang mga ala-alang nagsasalimbayan sa pag-ikot doon. Puting t-shirt at boxer's shorts na lamang ang suot ng lalaki. Katulad ko ay may mga damit

