"P-PAANONG...?" Maang na nilinga ko si Kael na nakatayo sa likuran ko. Nakatingin din ito sa akin. Tila binabantayan ang magiging reaksyon ko. Malambot ang ekspresyon ng mukha nito. Sandali kong nasilip sa mga mata nito ang Kael na minahal ko, dalawang taon na ang nakalilipas. Pabelewalang nagkibit ito ng mga balikat. "I bought your old house." Nakatayo kami ngayon sa labas ng gate ng dati naming bahay. Ang bahay na binili ng mga magulang ko at inilagay sa pangalan ko. Ipinasya namin itong ibenta noon ni Papa at magbaka-sakali na puntahan si Auntie Sabel sa San Clemente upang makapagsimula ng bagong buhay. Iyong kami lang ni Papa. Kasama nga si Auntie Sabel. Aaminin ko na masakit din sa akin ang naging desisyon naming iyon ni Papa. Nandito sa bahay na ito ang halos lahat ng mga ala

