"NO!" Mahina ngunit mariing anas ko habang pinapasadahan ng basa ang papel na hawak ko. Hindi na kami umalis sa kinapaparadan ng sasakyan ni Kael. Doon na rin kami mismo sa loob niyon nag-usap. Ayoko pa nga sanang pumasok noong una. Kung hindi lang ako pinukol ng matalim at nakamamatay nitong tingin. "Yes... my dear wife." May kalakip na panunuya ang tinig na sagot sa akin ng lalaki. "P-paanong..." nag-angat ako ng tiingin kay Kael na mariin ding nakatingin sa akin. Punung-puno pa rin ng kaguluhan ang aking mga mata. "Pa-paanong nangyaring naikasal tayo?" Sa wakas ay naisatinig ko ang kanina pa umuukilkil sa isip ko. Nagkibit naman ng mga balikat si Kael at kumibot ang mga labi. Umangat ang isang kilay. "Importante pa ba 'yon? What's important now is, we're married. Legally." Panda

