"THOSE THAT GOD HAS JOINED TOGETHER, LET NO MAN PUT ASUNDER. You may now kiss the bride!" Pagtatapos ng pari sa misa. Nagtayuan ang mga nagsidalo sa seremonya at bumuhos ang masigabong palakpakan. Pagkatapos ng tradisyunal na unang halik ng mga ikinasal, bilang bagong mag-asawa ay humarap ang mga ito sa mga bisitang nagsidalo sa banal na misa. Tila naman naging hudyat iyon para muling pumailanlang ang palakpakan sa buong paligid. Matapos ang picture taking ay isa-isa nang naglalapitan ang mga panauhin sa bagong kasal. Lahat ay nais na magpaabot ng pagbati para sa mga ito. Hinawakan ni Kael ang kamay ko at inalalyan ako na makatayo. "Halika, bumati tayo sa mga ikinasal." Nakangiting yaya pa nito sa akin. Kaibigan at dating kasama raw nito sa varsity team noong high school ang ikinasal

