"HUY, KAEL!" Untag ko sa binata na parang natuka ng ahas sa pagkatigagal sa harapan ko. Malaki ang awang ng mga labi nito. Bagsak ang mga panga at mulagat ang mga mata. Hindi pa rin ito nagsalita. Inirapan ko ito at inihilamos ang isang palad ko sa mukha niya, saka tumingin muli sa nagaganap na programa sa harap namin. "Ang OA mo na, Kael, ha." Natatawang ani ko pa rito. Mariin itong lumunok. Tuluyan nang iniharap sa akin ang inuupuan niya. "Ahm, Baby, c-can you say it, again? Please?" Tila hindi pa rin makapaniwalang sambit nito. Sinulyapan ko lang ito at inangatan ng isang kilay. "Abuso ka na, ha. Pangatlo na 'yon, kapag nagkataon." "Please?" Nakikiusap ang anyo at tinig nito. Huminga ako ng malalim. "Ano ba kasi ang hindi kapani-paniwala sa sinabi ko? Bakit kailangan paulit-ulit

