Chapter Eighty Six

2052 Words

"NAKU, PASENSYA KA NA sa mga siraulong pinsan namin, ha. Hindi na naman nakainom ng gamot ang mga 'yon, kaya inatake na naman ng mga sapak sa ulo." Napapailing na litanya ni Ate Krizel habang iginigiya akong patungo sa CR sa loob ng kwarto niya. Natanawan ko pa si Nickos sa kama, na mahimbing na ngang natutulog. Hindi ako nagsalita at kimi lang na ngumiti rito. "Sige na, pumasok na na r'on," ito na rin ang nagbukas ng pintuan at itinulak akong papasok sa loob. "Aabutan na lang kita ng bihisan." Kaya't wala nang nagawang nagpatianod na lamang ako. Pagkasara ko ng pintuan ay isa-isa ko nang hinubad ang mga nabasa kong damit at masinop na tiniklop ang mga iyon sa isang bahagi ng vanity top. Manghihingi na lang din siguro ako ng plastic mamaya kina Marites sa kusina, para paglagyan ng mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD