"COME ON, FRANZ, KAILAN KA PA NAGING KJ?" "It's okay, Ki. Just enjoy yourself with the gang. Dito na lang ako." Malumanay na tanggi ni Kael sa dalaga, sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Mula pa kanina ay wala nang tigil si Kira sa kayayaya kay Kael na magpalit ng damit at sumama sa mga ito na mag-swimming. Pagka-pananghalian ay umalis na ang ama nito, ngunit dahil narito nga sa mansyon ang mga kaibigan ay nagpa-iwan ang dalaga. Dapat ay uuwi na rin kami, ngunit mariin iyong tinanggihan ng mga pinsan ni Kael. Talagang handa ang mga ito para sa maghapong paglulunoy sa tubig. Maging si Kira ay hindi nagpahuli at talagang may baon na damit panligo. Litaw na litaw ang maputi at makinis na balat nito sa suot na pulang two piece swimsuit. Ni hindi ito nag-abala na takpan ang sarìli, kah

