Chapter Eighty Nine

1874 Words

KALKULADO ANG BAWAT KAMPAY NG MGA BRASO KO. Walang pagmamadali. Walang ka-pressure-pressure. Kung titingnan pa nga ay parang hindi karera ang dahilan kung bakit ako narito ngayon at inaabot ang kabilang dulo ng malaking swimming pool sa mansyon ng mga Da Silva. Para lamang akong nagsu-swimming mag-isa at walang paligsahang magaganap. Habang si Kira ay ibinigay na yata ang buong lakas niya sa paglangoy. Maririnig ang malalakas na pagaspas ng tubig sa bawat maliliksing mga pagkampay nito. Halos hindi na rin ito huminga sa tuwing sisisid at pag-ahon ay ilang talampakan ang inilalayo sa akin. Pero hindi naman ako nabahala roon. Wala namang kaso sa akin maabot man niyang una ang finish line. Naroon na ako, matagal na. Matagal na akong nanalo. Noong sinabi ko na hindi ako magaling lumang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD