Chapter 12

1062 Words
CRISANTA POV Sinandal ko ang likod ko sa poste malapit sa office ng Principal/Dean, nalaman ko mula sa isang tauhan ni Mommy na pinadala dito sa Sicarrius Academy na matapos ang insidente sa cafeteria, kinabukasan pinalitan ang principal na si Mr. Velasco. Si Alexa Mae Fujiwara na ang papalit dito at si Mr. Velasco ay magiging isang pangkaraniwang alalay na lang ni Alexa, sadya talagang malakas ang angkan ng Fujiwara. Bigla na lang nagbabago ng isip, o may kinalaman dito si Acyn? Ano kaya iniisip ng matandang Fujiwara? Dumating na ang hinihintay ko, huminto sa may gilid ang isang limousine at bumaba doon ang isang naka-black uniform na lalaki para pagbuksan ang babae mayroon makikitab na itim na itim na buhok, naka-suot ito ng polo-shirt na white nakatanggal ang dalawang butones sa may unahan, makikita ang curve ng pinag-pala nito dibdib, habang naka-pantalong itim at sneakers. Tssk! Typical na simpleng babae pero halimaw ang nasa loob. Dumaan ito sa harapan ko, "Mukhang may binabalak nalaman ang matandang Fujiwara, kaya ka pinadala sa pinaka-ayaw mo school, Alexa?" Umismid ito at huminto sa harapan ko, tinitigan ako nito sa mata sa mata. "Bakit, Crisanta? Ayaw mo ba ang presensya ko? Kung ayaw mo ng nandito ako, why dont you just quit and drop to this school, my school," Nang-uuyam ako natawa sa sinabi nito, inalis ko ang sarili sa pagkakasandal sa poste at tuwiran ito tinitigan. "Alam mo kung bakit hindi ka magustuhan ni Miguel, Alexa? Kasi.... Pumapayag ka manipulahin ng matandang Fujiwara." Ani ko at naglakad na papalayo, Pero bago ako tuluyan lumakad papalayo, nakita ko ang bahagyang pagbabago ng emosyon nito. Mukhang si Miguel parin talaga ang weakness nito, pero agad din nakabawi saka humalakhak, sinuklay nito ang unahang buhok. "Hahaha... Nakakatawa, hindi bat pareho lang naman tayo nila Miguel na kayang manipulahin ng mga angkan natin, lalo na kayo na sobra ang takot kay Xacharias, hanggang ngayon ba obsess parin ang nanay niyo sa kwintas niya ilang taon na ninakaw at hindi niyo parin nakikita." Tumingin ako dito, pinag-cross ko ang braso. Tinaasan ko ito ng kilay, "at talagang alam mo pala ang bagay na iyo?" Tinitigan ako nito ng pailalim, "wala sa school na ito ang hinahanap niyo, baka naman talaga na-misplace lang ng nanay niyo ang kwintas niya!" Sabi nito bago tuluyang pumasok sa loob ng magiging office nito. Umismid ako, paano ito nakakasiguro wala sa lugar na ito ang kwintas ni Mommy? Gayong ang babae na ang nagsabi at nagpadala sa amin sa lugar na ito. Pinagpatuloy ko din ang paglalakad. Sa likod ng mga pinto ng Principal office, pagkasara ng pintuan, napahawak sa dibdib si Alexa, dama ang kirot at kabog sa dibdib dahil sa sinabi ni Crisanta patungkol sa kapatid nito lalaki, "Kahit kailan talaga, napakatabil ng dila ng babaeng iyon!" CRISELDA POV "Attention to All students of Sicarrius Academy please go now to the welcome hall within ten minutes, Now!" Nagsitayo ang lahat ng classmate namin palabas ng room para pumunta sa welcome hall, Ano kaya meron at nagpatawag ang mga ito ng emergency meeting, bihira lang kasi magpa meeting ang mga ito, Lumapit sa akin si Sierra, kunot-noo ang noo nito habang naglalakad kami, maya-maya lang sumabay na sa amin si David. "Iniisip ko kung ano meron?" Ani ng isang babae di kalayuan sa amin. "Baka may bagong transfery, bihira magpatawag ang Dean," sagot naman ng katabi nito, Pagdating namin sa mismong welcome hall, makikita ang ilang libong studyanteng naguumpukan. Sa stage kung saan kami noong una na katayo noon unang tapak namin sa lugar na ito nakahilera ang ilang lalaki at babae, sa gitna ang Principal na si Mr. Velasco sa tabi nito ang isang magandang babae, "Si Ms. Alexa Mae Fujiwara?" Takang bulong ni David. Napatingin ako sa binata at muling tumingin sa babaeng nasa stage. Alexa Mae Fujiwara, ang panganay na anak nila Denaro at Mesina Fujiwara, ang kapatid ni Drake? Ano ginagawa niya dito? Kumunot na ang noo ko, anong ginagawa dito ng isang dating studyante na grumaduate na? Maliban na lang kung- "Good day to all of you, we had a meeting this time so I can introduce to you the next one who will replace me as principal, Ms. Alexa Mae Fujiwara." Mr. Velasco Said with a tone of Sad. Lumapit sa harapan ang babaeng nasa aming harapan, "hello, my fellow Sicarrius academy, starting today I will implement many policies, I will make many changes, and add policies that you must follow." Nakangiti sabi ni Alexa. " I have a question for you all. do you think you are strong enough, now?" Pagpapatuloy nito, May nahihimigan ako sa boses nito, tila ba hindi ako natutuawa sa nararamdaman ko, Lumapit ako ng mabuti kanila Sierra, "Sierra, David, be ready. I feel something not okay," Tinitigan ako ni Sierra at David bago ako pinagitna ng dalawa, alam na nila sigurado ang magiging kahihitnan ng sinasabi ng babaeng nasa aming harapan. Ano nga ba ang aasahan namin sa nagiisang prinsesa ng mga Fujiwara? Napansin ko din ang pag-alarma ng mag-kapatid na Sakuragi dahil ang kaninang nakatayo at nakasandal sa pader na si Crisanta, ngayon ay tuwid ng nakatayo. Nahihimigan ko alam na din nito ang paparating na panganib. "all the strong ones will go to the high section of the Assassins, first year to last year, all those who can maintain their strength will remain in their rank, oh, I forgot to say. starting today, we will have a ranking, rank 1 is the strongest, and the last in the ranking every quarter has a heavy punishment, do you know the punishment you will end up with? your death!" Napasinghap ang lahat dahil sa sinabi ng babae, nagbulungan ang lahat, "I want to test all of you, do you have a grudge? hate them? want to kill them, Then kill them. this will be your test! I will call it, Bloody Time," she said with a grin before walking away from the stage. "And to be fair, even the student council has to maintain their rank, you are not an exception to these rules." Nagulat ang lahat, pansamantalang nagtitigan ang lahat bago, gumuhit sa mga labi ng mga ito ang isang nakakatakot na ngiti ng isang demonyo, kumabog pansamantala ang aking dibdib, pero maya-maya lang bigla na lang sumilay sa aking labi ang isang nakakatakot na ngisi, It's show time, Cristy!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD