Chapter 13

1548 Words
MIGUEL POV Tinitigan ko ang babaeng pababa na ng stage at paalis. Naikuyom ko ang kamao ko habang pinagmamasdan ang malademonyo ngiti nito na naka-paskil sa mga labi. Lalapit sana ako ng may humarang sa aking harapan, isa sa kalaban ng aming angkan. "Sakuragi! Papatayin kita! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa Sicarrius!" Ani nito saka sinunggaban ng kunai. Mabilis ko sinalag ang papalapit nito kunai, gamit ang nakasabit sa baywang ko na dagger. Tumunog ang nakakalansing na tunog na pagtama ng mga patalim namin. Sa likod ko naman pasugod ang isang babaeng mayroong tatoo ng dragon sa kalahating mukha, teka saang gangster ito napapabilang? Sinipa ko ang babaeng ito sa tiyan saka sinaksak sa leeg ang lalaking unang sumugod sa akin, tumumba sa sahig ang lalaki habang dilat ang mga mata. Papalapit muli sa akin ang babae ng ibato ko ang dagger na hawak, diretsong tumama ang matulis na bagay papunta sa noo nito na agad din nitong ikinamatay. Napatingin ako sa stage, wala na doon si Alexa. s**t! Ano kaya ang tumatakbo sa isipan nito? Akmang aakyat ako ng stage ng makarinig ng kalabog hindi kalayuan sa akin. Nang tingnan ko, nagulat ako ng makita si Criselda na puno ng dugo ang maganda nito mukha at katawan. Ang aura nito ay hindi katulad sa lagi ko nakikita, hawak ng mga kamay nito ang isang kunai na puno ng dugo, habang nakahiga sa sahig ang binalibag nito babae at walang awang ginilitan ng leeg. Nagulat ako, ang maamo nito mukha, para ko nakikita sa kanya si Xacharias kapag pumapatay. Nakakatakot, nagtama ang mga mata namin. Nawala pansamantala ang pangdama ko, nakaramdam ako ng panginginig, nagulat pa ako ng inihagis nito papalapit sa akin ang kunai. Tumumba sa likod ko ang isang babaeng hawak ang isang kutsilyo. Napatingin ako sa kunai na nasa noo nito na galing kay Criselda. Pagbalik ko ng tingin sa babae di na ito nakatingin sa akin. Busy na si Criselda sa mga taong papasugod. Ngayon ko lang napagmasdan ang pagkilos nito, bihasa din pala ito sa pakikipaglaban. I mean sa pagpatay, nagawa pa nito kumilos ng mabilis na parang isang hangin. Nakaka-amaze na sa isang minuto lang walang buhay ang sampung babaeng sumugod dito. Tinitigan ko muli ang mga nasa stage, ang dalawang babae at tatlong lalaki na member ng student council ay tahimik lang sa stage, napansin ko ang isang kunai sa bawat sapatos ng mga ito. Napapalunok ang mga ito na para bang kinatatakutan kung sino sa magkapatid ang susundin? Sino nga ba ang mas matimbang, ang panganay o ang bunso? Si Alexa na siyang bagong principal, at maaaring maging kanang kamay ng susunod na tagapagmana sa angkan ng Fujiwara? O si Drake na siya mismong nasa unang listahan, bilang maging Boss ng Fujiwara Clan at may nakatagong Crimson Eyes na katapat ng mga Akatsuki? "Criselda!" Napabalik ang tingin ko sa sumigaw, si Sierra habang nakaluhod na ang isang tuhod at humihingal. Wala ang espada nito kaya siguro nahirapan ito sa maliit na kunai na nasa mga kamay. Nakita ko ang papalapit na espada kay Criselda, pero sa pagkamangha ko nagawa nito salagin ang espada gamit lang ang kunai nito. Napaluhod nito sa lakas ng impact, pero kinilabutan ako ng makita ang ngiting naka-paskil sa labi nito, isang nakakatakot na demonyong ngiti . Dumusdos si Criselda sa sahig saka iniikot ang kanang paa para patirin ang babaeng sumugod sa kanya na naka-espada. Dumulas ang paa nito saka nagkaroon ng pagkakataon si Criselda na mailapit ang hawak na espada ng kalaban, nasa likod na ang babae saka madiing nilapit sa kalaban ang espadang hawak, nilapit sa leeg para unti-unting piliting ilas-las sa leeg ang espada. Tumalsik sa mukha nito ang sariwang dugo na para bang ikinatuwa pa nito, hinagis ang babae saka hinawakan ang mukhang may dugo, Lalapit sana si Sierra ng may isang tao mula sa taas ang lumapag sa hall at sinugod si Criselda. Pumaikot sa akin ang mga alagad ko galing pa sa mansion ng Akatsuki-Sakuragi. Nakita ko rin si Crisanta, saglit ko nakalimutan ang kapatid ko nasa gilid, bakas ang mga dugo sa katawan nito, may mga bodyguard din ang bigla umikot sa kapatid ko, mga high assassin ng pamilya. Mukhang hindi talaga hahayaan ni Xacharias na may mangyari sa amin, dahil nagawa nito maipuslit sa loob ng academya ang mga tauhan. Nakarinig ako ng kalansing ng mga matutulis na bagay. Pagtingin ko muli sa bulwagan, tumigil na ang laban dahil sa dalawang naglalaban sa gitna. Nagulat ako ng sa unang pagkakataon nakita ko ang isang lalaki naka-sleeve na polo na puti, itim na itim ang pantalon at naka-sneakers. Hawak nito sa kamay ang Kunai ng mga Fujiwara. "Drake Fujiwara?" Himala lumabas ito sa lungga, at kinalaban si Criselda na sa pagkakaalam ko, palihim nito binabantayan. Mali ba ako ng iniisip? Mali ba kami ni Crisanta? No! May iba ito motibo! I know Drake, hindi ito basta-basta magdedesisyon ng hindi pinagiisipan. Tumalsik ng bahagya si Criselda, makikita ang pagkabagot sa mukha ng babae. Tumayo ng dahan-dahan at akmang susugod muli kay Drake ng nasa tapat na ito at nakadikit na ang kunai sa leeg na ikinagulat ng babae. Pero sa klase ng pagkakakilala ko sa mga Schiro, hindi papayag ang mga ito basta na lang matalo, lalaban ito ng p*****n kagaya ng ginawa ni Alfie noon ina-ambush ito. Nagawa ni Criselda malakas na tapikin ang kamay nito na ikinahagis ng kunai papalayo, gumuhit sa leeg ang isang sugat, tumatagas ang sariwang dugo na hindi man lang pinansin. Kinuwelyuhan ng babae si Drake at akmang ibabalibag ng mahawakan ni Drake ang beywang nito. Kita ko ang pagkagulat sa mga mukha ni Criselda. Masama nitong tinitigan si Drake, pero maya-maya lang nagawa nitong itulak ang lalaki at nanghihinang napa-upo sa sahig. Humawak ito sa dibdib, Nagulat ako ng unti-unti ito bumagsak sa sahig. Hinawakan lang ni Drake ang beywang nito pero ganoon na ang epekto? Pero impossible, maliban na lang kung may ginawang kakaiba si Drake. Nakarinig ako ng palakpak mula sa taas ng stage. Nakatayo doon ang babaeng gusto ko makausap. Alexa Mae Fujiwara! That witch! SIERRA POV Mabilis ako lumapit kay Criselda ng bumagsak ito sa lapag. "Criselda!" Pero napatigil ako ng makita ang isang bagay na ayukong makita. Kaya pala kakaiba ito, ang bilis at walang awa nito pagpatay. Pasimple ko kukunin sana ang gamot ng unti-unti mag-fade ang nakikita ko. Nakakapagtaka, paano nawala ang sakit nito ng hindi tinuturukan ng antidote? Tinitigan ko si Drake na naglalakad papalapit sa babaeng pumapalakpak. "Alexa," mahinahong sabi ni Drake na pinupunasan ang kamay na may bahid ng dugo, pero kakaunti lang. Mukhang galing pa ito kay Criselda. Napansin ko ang tono ng pagsasalita ni Drake na para bang isa itong pagbabanta. Sumilay ang isang nang-uuyam na ngiti sa labi ni Alexa ang bago naming Principal. "Ah, andito pala ang President. Sorry ah, kasi hindi ko naipaalam sayo ang mga pagbabago sa school na ito." Tila ba hindi nito pinansin ang banta sa tono ni Drake at nang-iinsulto nito tinitigan ang nakakabatang kapatid. Napasinghap ang lahat ng isang iglap lang nasa taas na ang President of Council at sakal sa leeg ang bagong principal na ikinagulat ng lahat ng natitira naka-survive sa bloody time na ginawa ni Alexa. "Watashi wa anata ni keikoku shimasendeshita ka? Mada kiite inai nodesu ne!" Madiing sabi ni Drake na maririnig ng lahat, at kung hindi ka marunong ng Japanesse hindi mo maiintindihan ang sinabi nito. Natawa lang si Alexa, diniinan ni Drake ang pagsasakal sa kapatid ilang segundo lang wala na ang mga ito sa harapan namin lahat. "Shoot!" Narinig kong sigaw ng Vice-president na si Shawroon na hawak ang dib-dib dahil marahil sa namuong tension kanina. Pinagkukuha ng mga council ang kunai na nasa mga sapatos ng mga ito. "Hayup na iyan, mabuti na lang may allowance ang sapatos ko." Sabi din ni Lorcan na pinagpag ang pantalon. "Hi guys!" Kaway ni Shawron na lumapit sa pinaka-gitna ng stage. "Pasensya na kayo sa magkapatid na iyon, medyo namiss kasi nila ang isa't-isa. Sa susunod na lang namin ia-anounce ang mga bagong rules na gustong ipatupad ni Bb. Alexa, sa ngayon please pumunta muna kayo sa mga clinic. Hinanda na rin namin ang mga tent kung sakaling sumobra, " tinitigan nito Si Criselda. Tinaasan ko ito ng kilay, Hinanap ko si David, nakita ko ito sa may gilid hawak ang isang brasong may duguan, umiling ito sa akin. Sinasabi ba nito hindi nito kayang buhatin si Criselda! Sus, napakahina talaga nitong lalaki! May pa-knight and shinning armor pa ito nalalaman, hindi naman pala kayang ipagtanggol si Criselda. Nagulat ako ng nasa harapan ko na si Lorcan at Shawron, ngumiti ang mga ito sa akin. "Ako na magdadala kay Bb. Schiro, magpagaling ka rin Sierra." Sabi ni Shawron na binuhat si Criselda at kinindatan ako. Tinitigan ko ito ng masama. Pasalamat ito at hindi ko kayang buhatin si Criselda. Nilapitan ko na lang si David at inalalayang tumayo, "Kahit kailan talaga, Napakahina mo David!" Tumawa lang ito, pero naubo ng dugo. s**t! May lason pa ata ang Dagger na nakasugat sa braso nito. Natatarantang binilisan ko ang paglalakad. Grabe talaga ang nangyari ngayon. Hindi ko kinaya ang Bloody time. Muli ko tiningnan si Criselda, s**t! Paano ko sasabihin ito kay Uncle, haist!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD