Chapter 14

1407 Words
CRISELDA POV Tulala ako nakatingin sa harapan ng salamin, nakikita ko ang naka-ngiting si Cristy. "Oh, ano ang pakiramdam ng pumapatay Criselda? Hindi ba't napaka-sarap sa pakiramdam?" "Wag mo ko itulad sa'yo, Cristy! Hindi tayo magkapareho ng nararamdaman!" galit ko sabi. Tumawa ito ng nakakaloko, "Talagang napaka-hunghang mo! Wag ka nga magkunwari na para bang napaka-santo mo! Kung ako sa'yo hinahasa mo ang sarili mo kung paano maging malakas! Dahil hindi sa lahat ng oras, tutulungan kita." "hindi ko kailangan ang tulong mo! Ni hindi nga kita kailangan eh, hindi ko nga alam bakit nagpapakita ka parin! You are like a parasite!" Ngumisi ng parang demonyo si Cristy, "Yeah! I'm a parasite, but you are hopeless! Kaya nga namatay si Mommy di'ba, sino nga sumunod? Si Alfie, bukod kasi sa pagiging hopeless mo, isa kang istupida na walang alam kung hindi ang magpaka-tanga at magpaka-santo! Hindi ba dahil sa pagtatanggol nila sa'yo, pag-iingat nila sa'yo namatay sila. Dahil mahina ka! Wala ka silbi, Criselda!" "Shut Up! You shut up!" galit na galit kong sigaw habang umiiling at walang pag-iisip na sinuntok ang salamin ng banyo para mawala sa harapan ko si Cristy. Nanginginig ang buo kong katawan na sumalampak sa sahig ng banyo na naka-tiles, hindi ko pinapansin ang mga dugo sa kamao ko dahil sa pag-suntok sa salamin. Pumasok ang nag-aaalalang si Sierra, lumapit ito sa akin. Hinawakan ako nito sa braso, "Criselda, are you okay?" hawak nito ang isang syringe. Tinitigan ko ang hawak nito, "iyan na ba ang huling gamot?" Tumango ito sa akin saka itinurok sa aking kanang leeg ang syringe na nag-lalaman ng isang likido. Pumikit ako ng maramdaman ang dulo ng karayom sa aking katawan, mararamdaman ko din ang pagdaloy nito sa akin katawan, dahan-dahan tumulo sa mata ko ang mga luha. "hanggang kailan ko mararamdaman ito, Sierra? Bakit ako pa? bakit sa akin pa nangyayari ito?" hindi ko na talaga kaya ang sunod-sunod na pagpapakita sa akin ni Cristy. Ang konsensya sa puso ko, ilang araw na nga ba ako nagkukulong sa kwarto at banyo? Ilang araw, gabi na nga rin ba nagpapakita sa akin si Cristy? Ilang araw na nga rin ba noong araw na nagpakilala sa amin si Ms. Alexa Fujiwara? Ilang araw na nga rin ba ng maganap ang bloody time na pinagawa nito na ilang studyante ng Sicarrius ang namatay din sa mga kamay ko? Sunod-sunod na dumaloy ang mga luha sa mata ko, "Alam ko nahihirapan ka na sitwasyon mo, Criselda. Pero hindi pwede lagi ka na lang mag-mumukmok sa isang sulok, wala namang dapat i-blame sa nagawa mo noong nakaraan, dahil kung hindi mo ginawa iyon, baka ikaw ang hindi naming nakikita ngayon, kaya hindi ka dapat ma-konsensya." "dapat nga ako na nga lang, eh! Para ng sa ganoon, mawala na rin ang halimaw na nasa loob ko! Isa itong sumpa, Sierra!" Nagulat ako ng tumama sa mukha ko ang palad nito. Isang sampal ang nagpatulala sa akin, matagal-tagal na rin ng makatikim ako ng sampal sa pinsan kong mula ng mga bata kami ay hindi ako iniwan. "Tama nga siguro si Cristy, Criselda! Mahina ka nga, isa ka nakakaawang tao dahil hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo! Pero hindi mo ba naiisip kung bakit siya lumalabas? Minsam ba naiisip mo si Tito? Si Kuya Alfie, si Tita Almira! Lahat sila gusto kang tulungan! Gustong-gusto ka nilang protektahan! Lahat sila ginagawa ang lahat para sa'yo! Kaya sana sa pagkakataong ito, isipin at ayusin mo ang sarili mo!" sabi nito bago ako iniwan na tulala. Bigla ko naiisip, Bakit nga ba lumalabas si Cristy? Bakit sa tuwing nasa sitwasyon ako ng alanganin nakikita ko ito? Hinawakan ko ang pisngi ko nararamdaman parin ang malakas na sampal ni Sierra, Salamat Sierra, dahil sa tuwing vulnerable ako ang sampal mo ang nagpapagising lagi sa akin, Tumayo ako at muling pinagmasdan ang salamin na basag na. Tama, kaya ko nakikita ng ilang ulit ngayon si Cristy dahil na-gu-guilty ako, hindi ko matanggap na nagawa ko ang isang bagay na against sa paniniwala ko. Pinindot ko ang relo ko, clinick ko ang voice recording. "thank you Cristy, pero sana wag ng mauulit ang nangyari kagaya noong bloody time, pakiusap." In-end ko ang voice recording. Kumuha ako ng gamot sa may cabinet para gamutin ang sugat ko sa kamay, binalot ko ng gauze bandage saka lumabas ng kwarto. Nakita ko si Sierra na nasa terrace at may kausap sa Phone. "Yes, Uncle. Okay naman siya ngayon, na-turukan ko na siya ng antidote, pero last na po iyon. This past few days po kasi ilang beses lumabas si Cristy dahil sa nangyari noong nag-sagawa ng bloody time ni Ms. Alexa. Yes po, Uncle. Understood po, kailan ko po matatanggap ang gamot? Noted po, thank you po. Bye na po," Binaba nito ang tawag at tumingin sa likod, nagulat ito ng Makita ako. Para bang nakakita ito ng multo dahil sa nakikita ko sa mukha nito, "Hayop ka, Criselda! Bakit ka ba laging ganyan? Bigla ka na lang sumusulpot na parang isang kabute!" hawak nito ang dib-dib habang nag-sasalita. Kung hindi lang siguro ito kasali sa mafia clan baka atakihin na ito sa puso dahil sa gulat. Tinaasan ko lang ito ng kilay, "Para kang hindi anak ng isang mafia." "Wow! Nagsalita ang mukhang hindi anak ng isang mafia kung magsalita, mas duwag ka pa kaya sa akin!" inirapan ako nito, "sasabihin ko pa ba kung sino ang kausap ko?" Umiling ako, kilala ko naman kung sino ang kausap nito, umupo ako sa gilid ng kama ko. "ayaw mo bang kausapin si Tito?" umupo ito sa katapat ko na kama na siyang hinihigaan nito. "Nope, wala naman kaming dapat pag-usapan." Sabi ko at humiga na ng tuluyan. "Kailan ka papasok?" "bukas na lang siguro. I feel, I'm so tired, I need muna ng rest." Pinikit ko ang mga mata ko, "Okay, pupunta ang ilang tauhan ng pamilya natin bukas para ipadala ang iba nating gamit kasama ang mga bago mo gamot na galing kay, Dr. Smith. I think, mas malakas na ang dosage na ibibigay niya para hindi na muna magpakita sa'yo si Cristy." Sabi nito bago ko narinig ang mga yabag nito papalabas ng kwarto, tuluyan na ako sinakop ng kadiliman. SIERRA POV Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto, pinagmasdan ko muna si Criselda na patagilid na natutulog. Alam kong matapos itong maturukan ng antidote makakatulog ito ng mahimbing. Makakapag-pahinga pansamantala ang utak nito at makakalimutan ang iba pang nangyayari. Kaya hindi na ako nagulat ng muli ito dumilat at umupo sa kama, malayo ang tingin nito. Maya- maya lang napatingin ito sa akin, pero hindi ako pinansin. "You can go, Sierra." Mahinahong sabi nito, bago tumayo at lumapit sa table na nasa gilid ng kama, kinuha doon ang isang makapal na salamin. Pumunta ito sa may mga libro at kinuha doon ang isa sa mga paborito nito aklat. Napabuntong-hininga ito, Nakita kong nagsimula na ito magbasa. Lumabas na ako dahil ayaw nitong naiistorbo sa ginagawa. Pag-pihit ko pasara ng door knob. Napakamot ako sa batok, muli akong napa-buntong-hininga saka tuluyan na naglakad. Minsan nauubos din ang pasensya ko sa tuwing pinagmamasdan si Criselda, nakakaparaning na may kasamang baliw sa iisang kwarto, I mean sa buong buhay ko, naaalala ko ang sinabi ni Tita Almira, 'Sierra, can I entrust Criselda to you? Can you take care of her also if ever, can you please watch her all the time, especially when I'm not around? For me, she is a very person to us.' Hindi na iba sa akin si Tita Almira, dahil since birth ito ang nagpalaki at tinuturing ko ina, dahil kung paano nito alagaan si Criselda, same nitong ginagawa. Kaya kahit wala ako kinilalang ina, hindi ko kailanman naramdaman ang kakulangan sa buhay ko. Kaya para sa akin kapatid, Pinsan at kaibigan ko na si Criselda, bilang susunod na kanang kamay ng magiging boss sa aming angkan kailangan ko protektahan ito kahit maging kalaban ko pa si Daddy na isa sa dahilan kung bakit sobrang Malala ang naging sakit nito. Kung hindi siguro sa ginawa nito noong bata kami, baka sakaling hindi lumalabas ang sintomas na nagpapahirap sa katawan nito na tinuturing nitong halimaw. 'I'm sorry, Criselda. Dahil kay Daddy, lumala ang sakit mo. Kung andito lang siguro si Kuya Alfie wala tayo sa lugar na ito, sana buhay ka pa si kuya,' Sana hindi namatay si kuya, baka sakaling hindi na nakikita pa ni Criselda si Cristy,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD