Xacharias Athena POV
Suot ko ang salamin ko habang pinag-aaralan ang isang likidong nasa aking harapan. Kasalukuyan ako nasa Laboratory sa may underground ng mansion. Kahit hindi ko tingnan ang pumasok nakikita ko sa peripheral vision ko ang pagdating ni Clyde Zeus.
"Athena," mahinahong tawag nito sa akin. Patuloy lang ako sa ginawa at hindi ito tiningnan.
"Kamusta ang mga bata, Clyde?"
Napansin ko ang pagkagulat ng mga kasama ko sa loob ng laboratory pero hindi sa lalaking mas kilala ako sa kahit na sino sa mundong ito.
Marahil isa sa dahilan din ng pagka-gulat mga ito ay dahil 'Clyde' ang tawag ko kay Zeus na naka-sanayang mga ito na tinatawag ko.
Narinig ko pa ang isa na bumulong, "si Mrs. Athena ba kasama natin?" siniko lang ito ng katabi na isa ding kasama ko sa pag-eexperiment.
Sigurado ako na bago lang ang lalaki sa binuo ko na team dahil bukod sa ngayon ko lang ito nakita, mukhang wala ito alam sa patakaran kapag nasa loob na ng laboratory.
Ako, ang isa sa katauhan o ang pinaka-orihinal na pagkatao ng isa sa kinatatakutang 'Xacharias Akatsuki-Sakuragi', ang mahinhin at walang alam sa pakikipaglaban, pero ako ang tinuturing na siyang 'utak' sa pamilya. Ang namana kong kakayahan mula pa sa generation ng Akatsuki, bago pa mabuo ang pinagmulang eksperimento ng angkan.
Umupo lang sa may dulo ng lamesa si Clyde habang naka-dekwatro. "They okay, Baka anak ko sila, Athena." walang pag-yayabang sa boses nito na kinataas saglit ng isa kong kilay.
Saglit ako huminto sa ginagawa, bigla kong naalala iyong babaeng nakalaban ng anak ni Denaro. "Teka, iyong babaeng nakalaban ni Drake, Isa ba siyang 'Schiro'?"
Kumalat sa buong black market o tinatawag na underground ang video kung saan naganap ang bloody time ng Sicarrius Academy, mabuti at nakapagpalit na kami ni Xacharias ng mangyari iyon kaya nakapagpadala ako kaagad ng mga tauhan para mapanga-alagaan ang mga anak ko. Ako ang nag-iisip para sa kalagayan nila pero hindi ang isa ko katauhan. Masyadong istrikto si Xacharias, Ang iniisip lagi nito na wala dapat sa mga anak niya ang mahina ang loob at inutil dahil isa iyong kahihiyan sa aming angkan.
Parang nag-isip saglit si Clyde habang hawak ang baba. "Sa pagkaka-alam ko siya ang nagiisa anak na babae ni Ezio, ang siyang tagapagmana na ng mga Schiro. Dahil ang panganay nito anak ay namatay sa ambush ng hindi nakikilalang kalaban."
Ngumiti ako na siyang kinasinghap ng lahat ng kasama ko sa buong laboratory. Ang masusuwerteng taong nakakakita ng ngiti sa mga labi ko maliban kay Clyde ang lalaking nakaalam ng sekreto ko, Ang isa sa kahinaan ng isang malupit na si Xacharias. Mukhang hindi pa talaga sanay ang mga ito sa pagpapalit minsan namin ni Xacharias.
Hindi ko na lang pinansin pa ang mga ito, tinanggal ko ang surgical gloves sa kamay ko, mabilis kong hiniwakan ang kamay ni Clyde at hinila ito palabas ng laboratory.
"Mukhang nahihiya ang pinakamamahal ko diyosa." Bulong ni Clyde Zeus Sakuragi, ang kauna-unahang taong nakakita ng pagkatao at pagpalit namin ni Xacharias. Ang nakakaintindi at nakakatagal sa pag-uugali ko.
"Wag maingay, Clyde." bulong ko, lumabas kami at dumaan sa secret naming daanan pa-akyat sa kwarto. Biglang kumirot ang ulo ko, hinawakan ako kaagad sa kamay ni Clyde kaya agad nawala. Mukhang matagal na ako sa orihinal ko katawan at gusto ng makipagpalit ni Xacharias.
"Naiinip na ata si Xacharis, Athena."
Bumuntong-hininga ako, Mula pagkabata hindi lang ako ang may-ari ng katawan ko. Inakala ng lahat na si Aphrodite na siyang kakambal ko ang nagmana sa kakayahan ng mga Akatsuki na mayroong Dissociative Identity Disorder dahil pabago-bago ito ng pag-uugali. Pero lumabas sa examin na ako ang mayroong D.I.D, Dahil ang pag-uugali ni Aphrodite kahit gaano ito kagaling sa pakikipaglaban ng magpalit kami ni Xacharias nagulat ang mga ito ng makita ang galing at walang awang pagpatay ko na siya palang nakita ni Daddy na noon palang pala alam na nito kung sino sa amin ni Aprodite ang hahalili sa kanya. Pero sa aking angkan, ako ang tinuturing na pinaka-mahinang generation na nagawa nila, dahil ang mga nakaraang generation ng may D.I.D ay mayroong iba't-ibang personalities, pero ako lang ang bukod tanging dalawa lang ang pagkatao.
Ako bilang si Athena, isa ako shy person kung saan mas gusto ko ang pag-eeksperemento na namana ko din sa aking ninuno. Kaya nga hindi ako ang unang gusto ni Mommy na mapili ni Daddy, dahil ako bilang si Athena, Hindi ko kayang lagpasan ang iba kong angkan. Hindi ko kayang humawak ng dagger o kahit anong patalim, ang alam ko lang mga cylinder at magkulong sa loob ng laboratory habang kausap ang ilang empleyado ni Daddy. Kaya nga ng makilala ko si Clyde, nakaramdam ako ng kapayapaan, na hindi ko naramdaman sa tuwing nasa paligid ng aking ibang kamag-anak na mayroong matinding expectation sa aming mag-kapatid. Lalo ako nakaramdaman ng kasiyahan ng makita ko ang mga anak ko, maliban sa isang bagay na matindi ko pinagsisisihan. hanngang sa ngayon. Bigla muling kumirot ang ulo ko,
Sinasakop na ako ulit ng kalungkutan ng maalala ko ang mga anak ko, may kung ano karayom sa puso ko ang tumutusok. Isang alaala na sobrang nagpadama sa aking ng depresyon at anxiety na ilang taon ko ding kinimkim kaya sa ilang panahong nakakaramdam ako ng kalungkutan mabilis na lumalabas si Xacharias para siyang pumalit sa katawan ko.
"Clyde, Mukhang hindi ko nalaman kakayanin ang pagnanais niya makalabas muli." niyakap ko ang lalaking mula pa pagkabata lihim ko ng minahal. "Please take care of our children."
Hinawakan ni Clyde ang kamay ko, sinilip nito ang likod ng tenga ko, lumabas doon ang isang maliit na kahugis ng isang moon na kakakulay ng pulang dugo, hinaplos nito ang ulo ko. Sa bawat haplos nito sa akin para bang sinasabi na wala ako dapat ipag-aalala, Hindi showy si Clyde pero ipaparamdam nito sa akin ang kapanatagan, na sa likod ng malakas at matapang nitong tindig hindi maaalis sa puso nito ang pagmamahal sa pamilya. Noon pa naman, unang kita ko palang sa binata alam ko kung ano nasa puso nito.
"Welcome back Xacharias." huling narinig ko bago ako sinakop ng kadiliman.
DRAKE FUJIWARA POV
Kasalukuyan ako nakatayo sa veranda at malayo ang tingin. Pero kahit malayo ang tinatakbo ng isip ko alam ko kung sino ang lalaking palapit sa akin na kasing-tangkad ko at kasing-laki din ng katawan ko. Balot na balot ito ng itim na long sleeve, naka-suot din ito ng mask na itim.
"Anong iniisip mo Drake?" tanong nito na inabot sa akin ang isang kopita na mayroong wine.
Nasa liblib na lugar ang dormitoryo ko kasama ang ilang student council na pinagkakatiwalaan ko, maliban sa dalawang babaeng Council na siyang miyembro din ng aking angkan, Sina Tanya Romero at Eliza Madrigal, mga assasin ng Fujiwara Clan. At ang lalaking kasama ko ay hindi miyembro o studyante ng school na pagaaari pa ng aking ninuno.
Inabot ko ang binibigay nito, kahit hindi ako tingnan nito alam ko alam ng lalaki ang itsura ko, kunot ang aking noo at naka busangot, "Anong alam mo kay Criselda, Black?"
"Bakit ako ang tinatanong mo, Drake?" matiim akong tinitigan nito,
Napa-ismid ako at hinarap ito, matalim ko itong tinitigan.
"hindi ako tanga, Black! Alam kong may alam ka! Ang babaeng nakalaban ko sa bloody time ay kakaiba, maging ang kilos at galaw nito ay hindi gawain ng isang Criselda mayroong mahinang loob! Alam ko may kakaiba sa kanya!"
Ngumisi Si Black sa akin, kilala ko ito kaya kahit naka-mask ito alam ko naka-ngisi ang mga labi nito na gustong-gusto ko burahin. "Sa tingin mo ba natatakot ako sa pinapakita mo, Drake?"
Nasagad na nito ang pansensya ko, Mabilis ko ito nilapitan na ikinagulat nito. Hinawakan ko ng mahigpit ang leeg nito at sinakal gamit ang isa ko kamay. Napahawak ito sa kamay ko at nauubong tinapik-tapik. Alam nito kung gaano ka-iksi ang pasensya ko,
"E-easy, f**k you, Drake!"
Pabalibag ko itong binatawan, kinuyom ko ang kamao ko. "I'm not kidding around, Black! I'm serious about what I'm saying and I want to know! I am not numb and stupid to not know that there is something different about her, Is she sick?"
Gigil na gigil ako at gustong-gusto ko malaman ang totoo habang tinitigan ng masama si Drake.
Umubo-ubo muna si Black at hinagilap muna ang paghinga. Maya-maya lang tinitigan ako nito, tingin na para bang sinasabi nitong kahit patayin ko ito hindi ito magsasabi. Sa pagkakakilala ko dito alam ko hinding-hindi ito basta magsasabi o magsasalita ng mga nalalaman nito.
Ito ang isa sa pinagkakatiwalaan ko mula pagkabata, kahit gago ito!
Tumingin ako muli sa paligid ko, inalala ko ang nangyari noong bloody time. Iniisip ko ang kakaibang kilos ni Criselda habang tinitigan ko ito sa monitor sa office ko habang nakikipaglaban ito. Bago magsimula ang pinagawa ni Alexa, napansin ko ang panandaliang pagyuko nito na para bang saglit ito hindi nakaimik or nakaidlip sa kalagitnaan ng pagpapakilala ng nakakatanda kong kapatid na basta na lang nagdesisyon at hindi man lang ako sinabihan sa binabalak o bastang pagbuo nitong maling desisyon.
'Ginawa ko iyon just to prove na hindi siya ang kahinaaan mo, Little brother. See, effective diba?'
Naalala ko sabi ni Alexa ng magpang-abot kami sa hallway papunta sa sarili ko office. Damn You my eldest sister!
Napahigpit ang hawak ko sa kopita na ikina-basag nito. Nagkaroon ng dugo sa mga palad ko, Naalala ko pa ang ngisi sa labi ni Criselda bago nito saksakin sa leeg ang babaeng pasugod sana dito. Ang ngisi ng isang demonyo, na para bang ang ngiti nito ay isang nakakakilabot na kung ordinaryong tao ka lang ay panginginigin ang buo mong kalamnan. Pero hindi sa kagaya ko, dahil kahit gaano nakakatakot ang ngisi nito, hindi parin makakatalo sa kagaya ko may tinatagong halimaw sa katawan.
"She has a disease, Drake. That's all I can tell you for now, I want you to be the first to know what kind of disease it is. But I know for sure, it's not contagious, And a kind of clan secret. " sabi nito bago umalis sa harapan ko,
Kumunot ang noo ko, Anong klaseng sakit ang meron ang nagiisang tagapagmana ng mga Schiro, ano ang lihim ng mga ito? Kailangan ko malaman ang bagay na iyon, hindi para alamin ang kahinaan ng mga ito, kung hindi baka ito ang daan para mas malaman ko pa ang pinaka-lihim ng bawat angkan at puno't-dulo ng salungatan ng bawat mga angkan na dating magkakasundo.