Crisanta POV
Tinitigan ko ang babaeng kanina pa pa-ikot-ikot, maya-maya lumapit ito sa akin at tinapik ako. Kasalukuyan ako naka-upo sa isang bench habang nagkukut-kot ng kuko, tinaasan ko ito ng kilay. Ano 'Teh, Feeling close lang?
"H-hi, pwede po ba magtanong?" nahihiyang sabi nito.
Inirapan ko ito, napakamot ito sa ulo mukha itong inosente, maya-maya lang napatingin ito sa likod ko, mga minuto ang nagbago ang mukha nito. Makikita sa mata nito ang matinding galit. Sa peripheral vision ko napansin ko ang grupo nila Criselda, palihim ako napa-ismid. Matapos ang nangyari noong bloody time ngayon ko na lang ulit ito nakita. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari noong bloody time gusto kong kilabutan, pero dahil anak ako ni Xacharias hindi ko pwede ipakita ang bagay na iyon.
Dahil dapat si Xacharias lang ang pwede namin katakutan. Pero aaminin ko, kung hindi siguro ako ordinaryong tao baka himatayin na ako sa takot kapag narmdaman kong nakikita ito kagaya ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko si Mommy.
"Miss!" napabalik ang tingin ko sa babaeng feeling close sa akin ng marinig ko ang boses nito.
"Ah yes?" naka-ngiting sabi ni Criselda.
Tumaas ang kanang kilay ko, ng mapansin ang ngiti nito, iniisip ko lang totoo kaya ang ngiti nito? O magaling ito magtago ng nararamdaman, o isa talaga itong plastic na nagtatago sa maamo nitong mukha.
"ikaw ba si Criselda?" tanong nito,
"Oo ako nga, Bakit--" Naudlot ang pagsasalita ni Criselda ng bigla na lang ito sinugod ng babae. Makikita ang gulat sa mukha nito ng big na lang siya sinugod.
Iniisip ko na iiwas ito sa pagsugod ng babae kagaya ng ginawa nito noong bloody time, pero napatayo ako sa pagkaka-upo ng hindi nito naiwasan ang pagsaksak ng feeling close na babae at nasaksak ito sa tagiliran.
"s**t!" narinig ko sigaw nila David na agad hinawakan ang babaeng sumugod kay Criselda.
Hinawakan ni David ang babae mula sa likod at pinihit ang braso papunta sa likuran nito.
Marami ang napasinghap ng makita ang mga nangyayari kanina, Hindi makapaniwala ang mga ito na hindi 'man lang umiwas ang babaeng mula hanggang matapos ang bloody time siyang bukod tanging pinag-chichismisan sa buong Sicarrius Academy.
Nagwawala parin ang babae, maya-maya may babaeng humahangos at sinisigaw ang pangalan ng babaeng feeling close sa akin kanina.
"Amaarah!!!!" Nag-aalala ang mukha nito habang tinitigan ang babaeng siyang sumaksak kay Criselda. "Sabi ko sa'iyo wag! Please Mr.Genovese wag niyo siyang sasaktan, wala siya sa katinuan."
"Tumahimik ka, Anny! Dapat sa babae na iyan mamatay din kagaya ng ginawa niya kay Aila! Walang ginawa ang Girlfriend ko! Pinagtanggol niya lang sarili niya!" sumisigaw na sabi nito habang namumula ang mukha sa galit.
Ah, member din pala ng l***q ang babaeng ito, teka lang nasa mundo ka ng asassin school tapos pinagtanggol mo lang sarili mo? Gusto ko sana sabihin kaso baka ma-offend, kaya napakamot na lang ako sa ulo, minsan talaga may mga taong tatanga-tanga. Wala nga ginagawa si Criselda nong magsimula ang Bloody time mga babaeng bigla na lang susugod ang lumalapit sa babae.
Napansin ko nakahiga sa sahig si Criselda habang hawak ang tiyan na mayroong saksak habang sa ulo nito nakahawak si Siera na masama ang tingin kay Amaarah.
Maya-maya lang nagsipag-datingan na ang mga rescue na galing sa clinic habang dala ang ang isang bed kung saan binuhat si Criselda.
Kung hindi ko tinitigan si Criselda, hindi ko mapapansin ang nakatagong ngisi sa labi nito ng yumuko ito, napansin ko din ang bulaklak sa may leeg nito.
"I'm sorry, I did'nt meant to hurt you, or anything else." napa-ngiwi sa sakit si Criselda.
Kinuyom ko ang kamao ko, kung hindi ko nakita ang ngisi sa labi nito kanina iisipin ko sincer ito sa sinasabi.
I secretly chattered my teeth in anger! Putik, napakagaling nito umarte, pinasok ko sa bulsa ang mga kamay ko at doon ko ito kinuyom. Umalis ako sa harapan ng mga ito at kinimkim ang namumuong galit sa dibdib ko, ang babae na iyon, dati hindi ko ito maintindihan, pero ngayon mas lalo ko itong hindi maintindihan sa pinag-gagawa nito.
Ang bulaklak sa leeg nito, parang nakita ko na dati, pero hindi ko maalala kung saan, napaka-pula ng tatoo nito sa leeg, nakakapagtaka kailan nito pinatatoo ang bulaklak nito samantalang wala naman ito noon.
Narinig ko pang sumigaw si Amaarah, pero agad itong pinatulog ni David sa pamamagitan ng pagpalo nito sa likod ng batok.
Pinindot ko ang earpiece sa tenga ko ng marinig ang beep nito,
"Oh, Nakita mo ba iyon, Miguel? f**k you! Alam ko nakita mo iyon, hindi ordinaryo ang babae na iyon! Tanga ka kung nagagandahan ka sa kanya at kahit ka-alyansa natin sila hindi ko papalampasin ang paguugali niya!" pinindot ko na lang ang earpiece at hindi ko na pianakingagn pa ang gusto nitong sabihin.
Malalaman ko rin kung ano tinatago ng ma-among mukha Criselda Schiro!
Sierra POV
Tinitigan ko ang pinsan kong nakaupo sa higaan ng Infirmary. Habang iniikot-ikot ang braso, hindi na mababakas sa mukha nito ang kahit anong sakit na pinakita nito kanina sa harapan ng mga tao, ano nga ba ang aasahan sa babaeng kagaya ni Cristy,
Nakakapagtaka lang kasi hindi 'man lang ito umiwas ng saksakin ito nong Amaarah. Kayang- kaya naman talaga nitong gawin iyon pero hindi nito ginawa.
Hinawakan ko ang syringe na nasa bulsa ko, kinakabahan ako sa tuwing nasa harapan ko si Cristy.
Tumingin ito sa akin ng walang emosyon.
"Balak mo nalaman ba ako patulugin, Siera? Hindi ka ba nag-sasawang gawin iyan?"
Napa-buntong hininga ako, alam na alam na talaga nito ang mga ganitong senaryo. Minsan nagsasawa din naman ako pero ano ba ang magagawa ko, eh ako lang naman nakakaalam at nakakaintindi ng pinag-gagawa nito.
"Hindi ka dapat nagpapakita sa ganitong sitwasyon, Cristy." Lumapit ako dito. Kitang kita ko ang mapula na parang dugo ang tatoo nito na nasa leeg, napakaganda nito tingnan, pero ito rin ang palatandaan na dapat ko pangilagan ang babaeng nagmamayari ng magandang arts na nasa leeg nito.
"Napaka-KJ mo naman insan, ayaw mo ba maranasan ko naman maging masaya, hahahaha."
Kung ordinaryo lang siguro, iisipin kong napaka-plastic ng tawa nito, pero nakakatakot kapag si Cristy ang binasag mo ng trip.
"Bakit hindi mo iniwasan ang ginawa nong Amaarah? Paano kung napuruhan ka?" Tinitigan ko ang sugat nito na naka-benda na.
"Ah, iyon ba ang pinag-aalala mo?" Tinitigan nito ang sugat. "Wag ka mag-aalala hindi malalim ang sugat na ito, kagaya ng girlfriend niya, napakababaw ng mga patalim nila, hindi nakakasugat. "
"Pero bakit mo nga ginawa iyon, kahit kaya mo naman siya iwasan."
"Napaka-tonta mo talaga, Siera. Siyempre ginawa ko iyon para hindi nila mapansin na hindi ako si Criselda! Napaka-KJ mo talaga. Ginagawa ko ito para ng sa ganoon ma-enjoy ko naman ang pagiging 'Criselda' once," ngumiti ito ng nakakaloka,
Nakarinig kami ng paparating na tao. Hinawi nito ang kurtina ng hospital bed. Ang nurse pala na tumingin kay Cristy kinaina.
"Ms. Schiro, hindi naman ganoon kalalim ang mga sugat mo, pwede ka ng bumalik sa doorm mo, basta inumin mo lang muna ang mga gamot mo para mapabilis gumaling ang mga sugat."
Sabi nito habang nilalagay ang mga gamot sa may plastic at inabot sa akin. Nagtaka namam ako kasi walang nakalagay na label sa mga gamot.
"Lahat ba ito, iinumin ni Crist- Criselda?" Tanong ko kasi naghihinala ako.
"Yes," sabi ng nurse na hindi tumitingin sa amin.
Nagkatitigan kami ni Cristy, parang merong may mali.
Magsasalita sana ako ng pinigilan ako ni Cristy at kumindat sa akin. Nilagay pa nito ang hintuturo sa labi na para bang pinapatahimik ako,
Pagkalabas ng nurse, kinuha ni Cristy ang mga gamot sa kamay ko.
Naglalaro sa mga labi nito ang isang ngiti, makikita din sa mga mata nito na para bang natutuwa ito sa mga nangyayari.
"Mukhang may gusto, lumason sa akin." Inabot nito ulit sa akin ang gamot. "Check it, Siera. Ipadala mo iyan sa lab ni Dr. Smith." Sabi nito bago umalis sa kama.
Kumimbot ang mga labi ko, sino naman ang nagkaroon ng interest kay Criselda? Alam ko marami ang may galit sa pinsan ko, pero bakit sa ganitong klase ng gamot? Lason ba ito o gamot na nakakagaling?
Bumuntong-hininga ako saka sinundan si Cristy na naglalakad na palabas.
Other POV
Hindi ako napansin ng mga ito na nakahiga sa kabilang bed na natatakpan ng kurtina.
Pinindot ko ang earpiece. "Negative, Demon. Mukhang wala siyang balak inumin ang gamot. Nalaman agad niya kung ano klaseng gamot iyon? Yes, I think hindi siya si Criselda. Tinawag siya Cristy nong Siera, .... I dont know, I think may kakambal siya."
Bumaba ako sa hinihigaan, pero nagulat ako ng makita si Criselda sa likod ng kurtina na hindi ko naramdaman ang presensya.
Naka-ngisi ito. "Sino kausap mo Kitty?"
Kinilabutan ako ng makita ang ngisi sa labi nito, napalunok ako.
Hawak nito ang isang dagger na naglalaman ng makintab na likido, isang mapulang dugo.
habang sa sahig ang nurse na kanina lang inabutan ko ng gamot.
"Tell me, what kind of low rank kayo ng kausap mo. "
Nilaro-laro nito sa daliri ang dagger. Nakakaramdm ako ng takot, nanginginig ang mga tuhod ko habang pinagmamasadan ang maganda nitong mukha.
"Bilisan mong sumagot, mainipin ako. Baka matulad ka sa babaeng nasa sahig na ngayon."
"I'm sorry, Pero Hindi--" hindi na ako pinatapos pa nito magsalita.
Mabilis nitong nilaslas ang leeg ko, napaka-ingat ng galaw nito, hindi ko man lang naramdaman na ang pagkilos ng mga kamay nito.
"I know b***h!" Huli kong narinig bago malagutan ng hininga.