Chapter 17

1718 Words
SIERRA P.O.V Ikinagulat ko ang ginawa ni Cristy sa dalawang babae. Humarap ito sa akin, puno ng talsik ng dugo mukha. "Cristy!" napa-sigaw ako sa gulat. Akala ko aalis na ito, pero nakakagulat dahil nagawa pala nitong patayin ang nurse na kanina lang nag-abot ng gamot dito. "Someone like them doesn't need to live. Staying with your back like a traitor and not fighting fair that's the outcome!" sabi nito bago tumalikod sa akin at palabas na sana ng makita namin si Sawron hindi ko makikitaan ng gulat ang mukha ng lalaki ng makita ang wala ng buhay na nurse, maging ang babaeng kanina lang ay may kausap sa earpiece na nasa tenga nito. Lumapit sa amin si Sawron, wala ako nakikitang ngiti sa mukha nito. Napaka-seryoso ata ng lalaki na ito. Nilagpasan nito kami at nilapitan ang babaeng mayroong pulang buhok. Kinuha nito ang earpiece sa tenga. "Sabihin mo sa akin, Creed? Ikaw ba ang tinatawag niyang Demon? Ikaw ba ang may gusto pumatay sa akin?" nanatiling nakatalikod lang si Cristy kay Sawron, "Bakit binibining Schiro, natatakot ka ba?" mahihimigan ko walang pag-bibiro sa mga boses ng vice president ng school. May naramdaman ako hangin sa mukha ko, isang iglap lang sakal na sa leeg ni Cristy si Sawron. s**t! Ang bilis talaga ni Croselda kapag nasa katauhan ni Cristy. Nagawa nitong tawirin ang pagitan ng dalawa at nasakal si Shawroon na makikitang nahihirapang huminga pero mababakas ang pagka-seryoso parin ng mukha. "f**k! Hindi ikaw si Criselda!" nahihirapang sabi nito, "Halos... Magkasing-lakas..kayo ni Drake..." "Hindi ikaw si Demon!" galit na sabi ni Cristy at hinagis si Sawron sa kabilang side at tumama ang katawan nito sa isang kama. Umubo-ubo muna saglit si Sawron bago dahan-dahang tumayo habang kumakapit sa bedsheet ng kama. "Matagal ko ng minamatyagan ang kilos ng babaeng pinatay mo, Criselda. At hindi ko maintindihan bakit ikaw ang pinupuntirya niya." nilapitan nito ang babaeng naka-hilata na at wala ng buhay. Tinaas ng lalaki ang damit nito hanggang sa tiyan. Nagulat ako ng makita ang naka-tatoo sa tiyan nito. Isang kulay gold na dragon. Nakita kong sumingkit ang mga mata ni Cristy na akala ng lahat ay si Criselda. 'Mukhang may naalala ito sa tatoo na naka-embraid sa tiyan ng babae. "Lunox? Isang low rank gangster, naka-pasok sa ganitong prestigious school?" napa-ismid si Cristy. "Mukhang isa ng mahinang school na ito dahil nagawa na kayong pasukin ng mga low rank. Lets go Sierra, let's go to our doorm. Gusto ko ng ipahinga ang sugat ko," Akamang aalis na sana kami ng pigilan kami ni Sawron. "teka, paano mo sila nakilala? I mean ang mga Lunox? What kind of gangster sila?" nagtatakang sabi ng lalaki. "It's for you to find out," sabi naman ni Cristy bago nag-patiuna maglakad. "Wait, and who are you? Are you and Criselda twins?" naguguluhan paring sabi nito. Alam ko kumukuha lang ito ng information, pero sa pagkakakilala ko kay Cristy hindi ito magsasalita, bagkus tataasan ka lang ng kilay. "You have so many questions! Why don't you do the research and stop asking, then you can report something to your boss, Annoying creatures!" inirapan nito ang lalaki bago pinagpatuloy na ang pag-lalakad. Napakamot sa ulo ang lalaki, kinuha na lang nito ang cellphone saka sumunod kay Cristy na para bang may kinakausap sa left wrist nito, suot nito ang isang Galaxy watch kung saan mukhang nag-rerecord. "Avoid people with dragons tattoo, they are Lunox. A low-class gangster, Losers!" Habang pinagmamasdan ko si Cristy, nakikita ko ang unting-unti pagbabago nito, kusang nawawala ang bulaklak na roses sa leeg nito, mukhang kakaiba ang gamot na pinapadala ni Dr. Smith. Napansin ko nilalabas ni Cristy ang eyeglasses na nasa bulsa nito at sinuot. Nagulat ako ng tinali nito ang buhok gamit ang ponytail na itim. Nakaka-amaze, nagawang magpalit ng personality ni Cristy to Seraya ang bookworm at ikatlong personality ni Criselda. Minsan maa-amaze ka na lang sa tuwing pinagmamasdan ko si Criselda, mukhang nakakaya na nito kontrolin ang pagkakaroon ng D.I.D disorder. Yes, Mula pag-kabata nagkaroon na ng sakit si Criselda, kaya nitong mag-pa-bago-bago ng personality depende sa mood nito o depende sa panganib na nangyayari dito? Kahit si Daddy Cannor, alam ang personality ng pinsan ko. Kapag si Cristy ang kaharap nito, nakikita ko ang takot sa mukha ni Daddy. Mahahalata mo iyon the way kasi ito manginig at magsalita. Sobrang violente ni Cristy, nagsimula ang lahat lumabas ang iba't- ibang pagkatao ni Criselda ng sa harapan nito pinatay ni daddy ang alaga nitong pusa, at pagkatapos noon sunod-sunod na pagpatay ni daddy sa mga tauhan namin sa harapan pa mismo ni Criselda na kung hindi pa dumating si tito Ezio galing sa italy para doon kunin ang gamot ni Pinsan baka naubos na Cristy ang lahat ng tauhan ng pamilya, at muntik na pagpatay ng huli kay Daddy. Mabuti na lang at napigilan ito, ang tanging naaalala lang nito ay ang panahon kung san pinatay ni tiyo ang mga tauhan nila. Pero ang totoo, ilan lang doon ang pinatay ni daddy, the rest ay si Cristy na ang gumawa. First time ko noon makita ang nakaka-kilabot na ngisi ni Cristy habang ang murang katawan nito, maging ang maamo nitong mukha ay napupuno ng dugo. Matapos magpakita ni Cristy, mag-tatake over naman si Seraya amg ikatlong personality ni Criselda na malabo ang mata, laging naka-salamin at nagbabasa ng libro. Unang kita ko kay Seraya noong bigla ako pumasok sa kwarto nito at nakata ang pag-simangot ng mukha nito na para bang sinasabi nito sa akin na istorbo ako sa katahimikan nito. Meron pa ito ibang personality na bibihira lumabas, May pagkakataong lumalabas ang makulit na si Camilla. Minsan naman ang walang paki-alam na si Choloe, at si Clara na isang paranoid. Nagkaroon ng ganito si Criselda dahil sa childhood trauma na kagagawan ni daddy, Pero akala ni Dr. Smith isa lang ito mental disorder pero nadiskubre niya isa pala itong dissociative identity disorder. Kung saan nagkakaroon ito ng split personality, kung saan pa ang naiiba nitong pagkatao ay mayroong pabago-bagong ugali, memorya at iniisip dahil sa long-term physical and emotional abuse na posibleng nakukuha mula sa pagiging bata. Mahirap mag-handle ng isang kagaya ni Criselda, para sa iba isa itong sakit na dapat ng lunasan. Pero hindi lang ang may ganitong pag-uugali ang meron sa angkan ng mafia, dahil kahit si Xacharias Athena Sakuragi ang reyna ng buong mafia ay mayroong D.i.D pero dahil iyon sa eksperimentong ginawa ng mga Akatsuki na siyang pamilya nito. Pero si Criselda, ang sabi ni Dr. Almira Smith ang personal nitong doktor, isa itong personality disorders kung saan meron silang long-term patterns of thoughts and behaviors na mayroong magka-ibang hindi normal na pag-uugali in-short ay isang mental disorders. Napa-buntong-hininga ako, nagulat ako ng tumingin sa akin si Cristy, wait sino itong kaharap ko na naka-ngiti? "Oh, bakit parang nagulat ka, Sierra." Camilla bulong ko sa sarili. Ibig sabihin hindi si Saraya ang kaharap ko? "C-Camilla?" Kumindat ito sa akin at pumitik sa harapan ko, "Tumpak!" nasisiyahang kumapit ito sa akin. "Ang tagal ko din hindi lumabas ah," habang naglalakad kami, nilapit nito ang hintuturo sa labi na para bang may malalim na iniisip at maarteng nagsalita. "Mukhang malungkot nalaman ang beshy ko, ah? Ano nalaman ba ang ginawa ni Sister Crsity," Pinagmasdan ko ang itsura nito, nakalimutan ko kapag pala nagtali ito ng pataas, si Camilla ang kausap ko. Mas ayuko ko kapag ito ang lumalabas, makulit at maingay ito. Pa-simple ko hinila ang braso ko sa babaeng ito, Kung si Cristy nakakatakot pero na-hahandle ko, ito mahirap. Si Camilla ang tipo ng babaeng kabaligtaran ng lahat ng ugali ni Criselda. Magaslaw ang kilos nito, minsan hindi ito nag-iisip sa mga sinasabi or dapat gawin. Bakit nga ba ito ang lumabas kesa kay Saraya na malimit lumabas kapag tapos na mag-take over si Cristy? "alam ko iniisip mo, Pinsan kong mongi. Bakit ako ang lumabas kesa kay Saraya? Duh! Hindi ka ba nagsasawa sa babaeng makapal ang salamin at puro libro ang kausap? Ang boring kaya niya, noh?" Napa-irap naman ako, "As if naman hindi ka mas boring," bulong ko na ikinatawa naman nito. Putik, mukhang pumasok lang ang sinabi ko sa kaliwang tenga nito at lalabas sa kanan, napakamot na lang ako sa ulo. Habang naglalakad kami papuntang doorm, parang gusto ko ng humiwalay sa babaeng ito na napakadaldal, lahat pa ng makakasalubong namin binabati nito. lalo na kung gwapo ang lalaki, mahilig sa gwapo si Camilla kaya nga ayaw na ayaw ko lumalabas ito. Pero ang maganda naman sa ugali niya kahit mahilig ito sa lalaki never naman ito nagka-jowa. Hindi namin namalayan na nasa loob na pala kami ng kwarto namin. dahan-dahan ko kinuha ang syringe sa bulsa ko, pero tulad ng inaasahan ko sa isang kagaya ni Camilla na kagaya din ni Cristy, matalas ang pakiramdam nito. Nakita ko ang pag-seryoso ng mukha nito. "Balak mo agad ako patulugin, Isa ka talagang mongoloid, kalalabas ko lang gusto mo na agad ako mawala? Pero alam mo kung bakit nahihirapan si Criselda? because of you all damn people! Ayaw niyo kasi patahimikin si Criselda. Kung hinayaan niyo na lang sana siya Italy at nagpagamot kay Dr. Smith baka sakaling hindi siya nahihirapan." Nagulat ako, ibang klase talaga mag-salita ito, minsan walang pakundangan. Nilapit nito sa akin ang leeg, "Go, pinsang ko mongoloid, Do it." bigla ito ngumiti sa akin. Shuta talaga, kakaiba talaga ang mga personality si Criselda. Ilang taon na kaming magkasama halos mula ng mag-kaisip kami pero hindi ko parin talaga maintindihan ang mga ito. Kinakabahan 'man ako, unti-unti ko nilapit ang syringe sa leeg nito. Nakita nito marahil ang panginginig ko kaya hinawakan nito ang wrist ko at hinila. Bumaon ang dulo ng syringe sa leeg nito. Ngumisi sa akin si Camilla. "Until now, hindi mo parin kami maintindihan, Sierra." sabi nito bago mamula ang mukha. May allergy si Camilla sa syringe kaya makikita ang unti-unting paglabas ng maliliit na pantal mula sa syringe na nakatutusok sa leeg nito papunta sa buong mukha. Bago ito umupo sa sofa na andoon. Matapos maubos ang gamot mabilis ko binitawan ang syringe at tumakbo sa Cr kung saan andoon ang citirizen for allergy at pinainom dito. Bago ko makitang unti-unting pumikit ang mga mata nito na may kakaibang ngiti sa labi. Criselda Please bumalik ka na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD