Criselda POV
Dahan-dahan ako tumayo sa hinihigaan ko, kumikirot ang ulo ko, hinawakan ko ito at tumingin sa aking paligid. Naramdaman ko ang kirot sa may bandang tagiliran, tiningnan ko ito at nagulat ako ng may dugong naka-mantsa sa may benda.
Napa-buntong-hininga ako, kutob ko na nagpalit nalaman ako sa iba't- ibang personality.
Napansin ko si Sierra na naka-tukod ang ulo sa may higaan ko sa bandang paanan, mukhang kakatulog lang nito. Mahahalata din sa mukha nito ang pinaghalong pagod sa pagbabantay sa akin para hindi makalikha ng panibagong problema. Hindi ko na alam kung paano ko pa maiiwasan ang pag-labas ng iba't ibang katauhan sa katawan ko. Minsan gusto ko na lang mawala na parang bula. Dahan-dahan ako bumaba sa kama, napa-ngiwi ako ng maramdaman ang kirot sa bandang tagiliran. Lumapit ako kay Sierra at hinaplos ang buhok nito.
"Grazie mille, Siera." bulong ko, pinag-masdan ko ang buo ko paligid, nagkalat ang sandamak-mak na syringe sa buong paligid. Naka-ilang palit ba ako sa loob ng isang araw?
Isa ba itong urgent na dapat ay pag-titipon ng bawat ko katauhan? O isang senyales ng matinding anxiety?
Lumapit ako sa may laptop ko at binuksan. In-open ko ang isang secret documents, andoon ang isang sekretong video-clip kung saan makakasagot ng mga iniisip ko.
Every-time na magpapalit ako ng personality ino-obliga ko ang mga ito i-record ang mga ginagawa, may time pa nga na nakasabit sa bawat paligid ang ilang CCTV na ako mismo ang nagkabit.
Binuksan ko ang isang clip.
"Hi, Criss! Nakalabas ako ulit sa katawan mo, and guess what? I see a plenty handsome dito sa new school mo huh, and infairness bagay sila sa akin." Tumawa ito, Siya si Camilla, mahilig ito sa gimmick sa italy, mahilig din ito sa boys pero never naman nakipag-do sa mga ito. Mahilig lang talaga siya sa mga gwapong lalaki. Makulit, madal-dal pero prangka.
"Kidding aside, I know you verry well, Cris. I think may ginawa nalaman siguro si Cristy kaya nakalabas ako sa katawan mo, Hoy! Hindi ko pa nakikita iyong sinasabi mong may pulang mata na isang Fujiwara. Excited na ako makilala siya if true ba na gwapo siya? Hahahaha..." humagikgik ito,
Nag-end na ang video, next ko nakita si Choloe, nakataas ang kanang kilay nito. Mukhang nag-vi-video ito ng hindi alam ni Sierra dahil nakataas ang kamay nito at nakapatong sa noo ang kaliwang kamay habang naka-pameywang, Mukhang stress na stress na ito.
"My God! What's happening? Bakit sa iisang araw lang nakikita ko kayo!"
"Your so annoying, Sierra. Bakit kaya hindi ka na lang muna matulog?" Sabi ni Choloe habang kinukut-kot ang tenga. May hawak itong gunting sa may kanang kamay.
Kinakabahan ako ng kaunti, Dahil ayaw na ayaw ni Choloe na mahaba ang buhok ko. Noong last time na humawak ito ng gunting halos mag-wala ako sa galit. Dahil ginupitan nito ang buhok ko ng pang-lalaki, s**t! May pagka-boyish kasi ito.
"Ow, please.... Choloe, wag mong gugupitan ang buhok mo, magagalit si Criselda, alam mong ayaw 'nun ng maiksing buhok. Noong last time ginupitan mo iyang buhok niya, halos ilang taon bago niya pa napahaba iyan! Jusmiyo kayo!!!" Iritang-iritang sabi ni Sierra na napapakamot na sa ulo.
Kilala ng pinsan ko ang mga ibang katauhan ko, mukha lang silang mahihina pero may pagkakataon din na nagiging bayolente din ang mga ito kagaya ni Cristy na halos gustong-gusto makakita ng dugo. Hindi kagaya ng iba ko personality kahit ganyan mga iyan, malalakas din ang mga ito.
Kaya ayaw lapitan ni Sierra si Choloe dahil kasing lakas din nito si Cristy. Isang kilos lang nito para din itong hangin na sa isang iglap lang magagawa ng malas-las ang leeg mo,
Nilaro-laro ni Choloe ang gunting, mukha itong walang paki-alam sa sinasabi ni Sierra, Seryoso ang mukha at naka-nguso.
"Sa tingin mo, Sierra. May paki-alam ako sa gusto ni Criselda? I'm done with her being i-matured and selfish! Ano gusto niya mag-mukmok? How pathetic!" Sabi nito, at pa-simpleng tumingin sa camera nakita ko ang masama nitong tingin na para bang kinakausap ako, bago ito nag-stop mag-video.
Tumagos sa puso ko ang sinabi ni Choloe, kahit kailan talaga napaka-tabil nito magsalita, direct to the point.
Next ko naman binuksan ang isang clip. Napahawak ako sa buhok ko ng makita si Clara na parang aligaga. Mukhang kaka-record lang nito dahil nakita ko pa ang mukha nito.
"Omg!!!!" Nag-hihisterical nito sabi. "Alam mo, Criselda lumabas ako ng kwarto mo, and I see plenty of people! They look at me like a criminal! Like duh ah! What they think of me, like Cristy? Hindi ko naman magagawa iyon eh, tapos alam mo ba bakit kami lumabas ni Sierra, dahil gutom na gutom ako. Tapos iyong isang babae doon, akala naman niya sasaktan ko siya kung maka-iwas sa akin. Tapos iyong isang girl naglalakad na kami pabalik nakabangga ko sa may canteen, Jusmiyo! Natapunan niya ako ng juice, alam mo ba reaksiyon niya? Sorry ng sorry with may matching yuko pa, nakaka-inis... Kaya sabi ko kay Sierra bilisan namin, hindi ko talaga sila feel. Pakiramdam ko sa tuwing titingnan nila ako parang sinasabi nila na ang sama-sama ko, may ginawa nalaman ba si Cristy? OMG!!" iniikot nito ang mata na para bang naiirita sa mga nangyayari, habang nakatayo at pabalik-balik. Samantala si Siera naka-upo na sa isang table at nagsusulat. Mukhang kalma na ang itsura ni Sierra. Alam ko kasi kampante ito kay Clara kahit parang paranoid hindi pala 'parang' totoong paranoid.
Pinindot ko naman ang isa pang clip.
Si Seraya, ang bookworm. Tiningnan ko kung kailan ang video, kagabi ito. Ibig sabihin nauna na ito lumabas kesa kay Cristy, dahil sa time at date. Nauna ko mapanood si Camilla. Pero may isa pang clip kung saan alam ko video ni Cristy. Dahil naka-off cam, ayaw kasi ng huli mag-video recording.
Inuna ko muna ang video ni Seraya. Bihira ito mag-record, ibig sabihin importante. Siya kasi ang mahilig magbasa ng libro at mag-research kaya sigurado ako may nalaman ito.
"Ehm, siguro walang manunod sa iniyo nito maliban sayo Criselda and Cristy. Tutal kay Cristy naman talaga ang dahilan kung bakit naglalabasan ang iba pang asungot. Actually alam ko lalabas sila dahil nasa mataas ang level ng anxiety ngayon ni Criselda. Tulad ng sinabi ko kanina alam ko kayo lang ni Cristy ang manunuod nito kaya alam ko hindi mag-rereact ang iba. Bueno," inayos nito ang salamin, binaba ang librong kanina lang nakatakip sa mukha. Hinarap nito ang cellphone sa laptop at nag-type ng kung ano,
Lunox? Narinig ko na ang tungkol sa mga ito. Isa itong low-class gangster.
Nakita ko ang isang picture na mayroong dragon. Teka ano ito? Bakit ni-reresearch ni Seraya ang Lunox clan eh, mababang gangster ito?
"Nakikita niyo ba iyan? Isang dragon ang kanilang symbol, mukha silang mahihina but, they are strong! Expect the most tragic, Criselda. Na-hack ko ang website nila at napasok ang black market lately, and guess what kung ano ang nakita ko. Nalaman ko sila ang utak sa pag-ambush kay kuya. And now they are targeting Us, I mean you Criselda, the one and only heir of Schiro Clan, And note this, babae ang kanilang pinuno. Nagtatago sila sa pagiging Low-key, but they are not. Isang malaking mafia ang nasa likod ng kanilang grupo. Nakausap ko na din si Daddy about this, that's the reason why he want us to stay here at Sicarrius Academy not only para hubugin ka but para malaman mo kung sino ang traidor sa pamilya natin? Dahil wala naman daw nakakaalam ng pagdating ni kuya maliban sa kanya. And hindi niya daw a-akalain na mas lalabas ang ilan mo pang personality sa lugar na ito he say 'sorry and I love you'."
Nakuyom ko ang kamao ko ng marinig ang sinabi nito, Sinasabi ko na nga ba, at hindi lang iisa ang kalaban ng pamilya namin, pero bakit kami? Bakit si Kuya at ang buong Schiro ang kailangan nilang puntiryahin? Dahil ba kami ay isa sa kapanalig ng mga Sakuragi? Or may iba pang may malalim na dahilan?
At alam ko na noon pa, na hindi ako ipapadala ni Daddy sa lugar na ito ng walang dahilan. Alam kong alam niya na kami ng iba ko pang personality ang makakatuklas ng iba pang lihim ng kalaban. And I know him verry well, hindi niya ako direktang kakausapin but Seraya will do. Kasi ito ang pinaka-favorite niya sa lahat ng personality ko, ang bukod tanging tahimik pero magaling sa research. Sabi nga nila Sierra 'Im the secret weapon of our clan'.
Next ko ng pinindot ang Video ni Cristy. Siguro iisipin ng iba isa talaga itong mental disorder, but para sa mafia isa itong biyaya, dahil hindi na nila kailangan ng additional espiya para lang malaman ang mga dapat malaman, kung kailangan mo ng combat anjan si Cristy, kung gusto mo ng information andiyan si Seraya. Wag mo ng idagdag pa ang iba kong personality na kahit mukhang walang alam may mga tinatago parin kapaki-pakinabang na talento. At minsan nakakabaliw isipin na ang nag-vivideo or nasa video na pinapanuod ko kahit iba-iba ang nakikita ko pag-uugali, still iisang mukha ko parin. Hindi ba nakakabaliw?
"f**k, Seraya! You're f*****g genius! You are more useful than other snort!"
Haist! Minsan na lang ito mag-video puro mura pa,
"Nangigil ako diyan sa mga Lunox na iyan! Because of that damn impotent low-class gangster kuya Alfie is dead! Malaman ko lang kung sino ang hayup na iyan, pahihirapan ko siya ng unti-unti hanggang siya na ang humiling ng wakasan ko ang buhay niya!" mahahalata sa boses ni Cristy ang gigil sa bawat salita nito, kahit hindi ko nakikita ang itsura nito alam kong naka-kuyom ang kamao nito.
Kilala ko si Cristy, bawat sinasabi nito ginagawa niya. And know na kung sino ang puno't dulo ng nangyari kay kuya, hahanapin ko ang taong nasa likod ng pangayayari na iyon. At ng sa ganoon malaman ko kung ano ang motibo nito sa pag-tatarget sa aming mag-kapatid. Malalaman ko rin kung sino ang traidor sa aming angkan.