Chapter 19

1665 Words
Alexa POV Naboboring na ako, napa-nguso ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking office, dito sa loob ng Sicarrius Academy habang tinitipa ang mahaba kong pulang mga kuko sa mahabang lamesa. Hindi ko talaga trip ang mag-paka-principal sa school na ito kahit pa noong panahon na nag-aaral pa ako sa school na ito at ako ang president of council. I hate responsiblities, kaya nga masaya ako kasi si Drake ang magmamana ng tungkulin sa pamilya. Tumingin ako sa labas, nakikita ko ang iba't-ibang studyante na naglalaro sa may covered court. Kahit malayo ang mga ito makikita ito ng half-eye Crimson eyes ko. Isa sa bagay na kinahahangaan ko sa namana ko sa aking angkan. Kahit napakalayo at ilang kilometro ang layo ng mga ito makikita ko dahil sa ability taglay ng aking mga mata. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit kahit napakalayo na ng mga kalaban ni Drake nakikita parin nito ang galaw ng kalaban malayo 'man ang mga ito o malapit. Gusto ko nga makitang magharap si Drake at si Xacharias para makita ko kung paano sila maglaban. Sino nga kaya ang mananalo? Ang bagong generation ba ng mga Fujiwara na batang-bata o ang matatag pero may edad na si Xacharias? Ang alam ko nga sa history ng mga angkan namin, bukod tanging si Xacharias ang pinaka-mahina sa angkan ng Akatsuki at hanggang ngayon ay hindi ko maipaliwanag ang dahilan kung bakit ito naging mahina. Pero kahit tinuturing na mahina ang babae nagawa parin nitong matalo si Daddy. Ah... Oo nga pala dahil wala pang 'Drake' noong panahon ng mga ito. Kung meron lang sigurong time machine, gusto ko bumalik sa panahon kung saan nagsimula ang pagbuo sa mga eksperimento ng mga ninuno namin. Kung bakit may kakayahan ang bawat pamilya namin na hindi kagaya sa mga pangkaraniwang tao. Malaki talaga ang nai-aambag ng siyentipiko. Pinagtataka ko nga kung bakit ang Sakuragi ang napili ng Akatsuki para maging kasanib pwersa gayong wala naman special sa mga angkan ng mga ito? Wala nga bang special ang mga Sakuragi? O merong nakita Ang pamilya Akatsuki sa mga ito kaya imbes na ang Aming angkan ang pinili ng mga ito ibang angkan ang pinakasal kay Xacharias. Totoo kaya ang sinasabi ng lahat na binay-pass ng mga ito si Lolo? Hmm.... Hinito ko ang pag-titipa ng mga kuko ko sa lamesa, siningkit ko ang aking mga mata ng makita ang anak ni Xacharias na si Crisanta. Ah, nakalimutan ko andito nga pala ang anak ng Dakilang si Xacharias. Masubukan nga ang talento at galing ng mga anak ng Akatsuki-Sakuragi. Ngumisi ako ng nakakakilabot, mukhang maaalis na ang pagkabagot na nararamdaman ko. Pero paano ko nga ba mapapalabas sa lungga niya ang mailap ko na kapatid, hmmm.... Napansin ko ang isang babaeng naglalakad mula sa malayo, lumalim ang pagkunot ng noo ko. Maya-maya lang mayroong pumasok sa isipan ko. Ah, alam ko na kung paano ito mapapalabas. Ngumiti ako ng parang demonyo. Tinitigan ang maamo nitong mukha. Nakita ko na din kung paano ito lumaban at mukha din na may ibubuga. Kung sabagay nasa rank three nga pala ang pamilyang gina-galawan ng mga ito. Sayang nga lang at namatay ang kuya nito sa isang ambush. Criselda Schiro, my brother's weakness, Hmmm... CRISANTA POV Nababadtrip na ako! Kanina ko pa hinahanap ang bracelet ko na nilapag ko lang kanina dito sa lababo, pero di ako sigurado kung sa lababo ko nga ba talaga nawala o sa ibang lugar. Sino naman kayang gago ang mangangahas na mangialam at mangtritrip sa akin. Kasalukuyan ako nasa CR ng mga babae at hinahanap ang bracelet ko na siyang may embraid ng aming angkan. Shuta talaga! Yari ako nito kay Mommy, nawala na ang isa sa mahahalagang embraid ng aming angkan na siyang hinahanap ko ngayon. Hinanap ko na din ito sa kwarto ko pero kahit saan wala. Hindi ko pa matandaan kung saan ko naiwan ito. Kunot ang aking noo ng tingnan ang babaeng kalalabas lang sa kabilang cubicle. Ang babaeng si Criselda na may saltik ata sa utak. Napapansin ko tila minsan wala ito sa sarili at may tila kung ano maligno ang sumasapi dito. "Hey!" Tawag ko dito. "What?" Asik nito. Napansin ko ang tila pagtalim ng mga mata nito. May kung ano ako naramdaman habang pinagmamasdan ang mga mata nito, A horrible feeling crept over me. Napasilip ako sa orasan na nasa taas ng pintuan, ilang oras na lang pala at sasapit na ang bloody hour. Hinahanda ko ang aking sarili sa ano pa mang bagay na possibleng mangyari. "Do you see a bracelet here?" Nakataas ang aking kilay na tanong dito. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang gamit? Burara ka kasi." Sabi nito bago ako nilayasan. Sa tono ng pagsasalita nito parang hindi ito kagaya ng babaeng unang beses ko nakita at nakausap. Para bang ibang tao ang kausap ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkayamot dahil sa klase ng pagsasalita din nito. Maayos akong nagtanong tapos babarahin ako? Ayos din ito ah! Saka lang ako nakaisip na sundan ito, pero parang isang hangin ito at nawala na sa paningin ko. Hindi ako papayag na basta na lang mabastos ng isang kagaya nito, nakakalimot ata ito kung sino ako at saan siya dapat lumulugar! THIRD POV Tinanggal ko ang mask na nasa mukha ko at tinitigan ang babaeng mabilis na lumabas mula sa CR kung saan ako galing. Kinuha ko ang cellphone nasa bulsa ko. "This is AB03, Mission Accomplished, Totemo." 'A' means Assassin, 'B' means code for the second leader, '03' is Ranking. I belong to the high Assassin of the Fujiwara family. And I serve for the second head of the clan. Nagulat ako ng maramdaman ang patalim sa leeg ko. Fuck! Hindi ko naramdaman ang galaw nito. Kilala ko ang amoy ng taong nasa likuran ko kung saan nakatututok ang isang kunai. Isang beses ko lang ito makita sa headquarter kada buwan pero hindi ko makakalimutan ang amoy na parang isang sweet na bulaklak. 'Drake Fujiwara!' "AB03, sino nag-sabi sa'iyong pwede kang umapak sa school na ito, hindi ba at grumaduate ka na?" Nyemas! Katapusan ko na ata! "Ah, kilala ko na kung sino nag-utos sa'iyo!" Tinanggal nito ang kunai sa leeg ko. "Go! And dont you ever come back again, or else I kill you!" Nakahinga ako ng maluwag, akala ko makakahinga na ako ng mabuti pero hindi pa pala, gumuhit sa mukha at hawak ko mask ang isang patalim. Alam ko dampi lang ang naramdaman ko patalim sa mukha pero alam ko gumuhit ng maliit na sugat sa pisngi ako ang tila hangin na sandata nitong hawak. Nasira din ang kaninang gamit ko na mask. "Ah, by the way. I'm just reminding you not to imitate Schiro's face again. Because I will never forgive you again, this is my last warning. Entiendes?" Kumabog ng malakas ang dibdib ko, nakaramdam ako ng takot at kalungkutan sa aking puso. Tama nga kaya ang sabi-sabi na ang babaeng Schiro ang unang babaeng nakapukaw sa malamig na puso ng isang halimaw na kagaya ni Drake Fujiwara. 'Ano ka ba talaga sa buhay ni Drake, Criselda Schiro? Anong klase ng gayuma ang ginawa mo para makuha mo ang loob ng isang Mailap na puso ng isang halimaw na kagaya ng aming Batang pinuno?' DRAKE POV Tinitigan ko ang babaeng naglalakad pabalik ng doorm nito, nasa ilang kilometro ang layo ko habang nakatayo sa may puno habang ang isang kamay ko nakasandal sa katawan ng puno, pero kahit ganoong kalayo, kitang kita ko parin ang mahinhin nitong paglalakad. Wala ang mga galamay nito at ang lalaking kinakainisan ko na feeling knight and shinning armor ng babae. Nagtataka ako sa nararamdaman ko, pero hindi ko kailangan pansinin pa kung anong pakiramdam ang pinukaw nito sa akin. Sinusandan ng aking mga mata ang bawat galaw nito, hindi ito ang unang beses na nakita ko o napagmasdan ko ang napaka-amo nitong mukha. Dahil tulad ng sinabi ng nagiisa ko pinsan lahat ng babae sa organization nasa block listed ng pamilya namin kung saan kaming mga high profile lang ang pwedeng makakita. Pero kahit nakita ko ang larawan nito masasabi ko napaka-ganda nga ng mukha nito na kagaya ni Crisanta ay hindi nagkakalayo. Para bang sinasabi na ang dalawa ang nagaagawan sa trono na papalit sa kagandahan ng nagiisang Xacharias Akatsuki. Pero wala sa mga ito ang nakapukaw ng pansin ko. Ano nga ba ang magagawa ng larawan lang? Maliban ng una ko itong nasilayan sa unang pagkakataon. Throwback! "s**t! Nasaan ba si Black? Anong oras na ah," tanong ni Sawron habang nakaupo kami sa may baldosa. Kasalukuyan kaming nasa Italy para hanapin ang tarantadong kumuha ng mahalagang information para sa bagong eksperiment ng pamilya. Walang nagma-manage ngayon sa Sicarrius pero alam kong wala mangangahas manggulo. Takot lang ng mga ito maparusahan. Tinitigan ko ng masama ang maingay na kasama ko, nag-peace sign ito habang nakayuko sa takot na makita ang mga pula kong mata. Lumitaw sa harapan ko si Black na parang isang ninja, kung sabagay kilala ang pamilya nito sa pagiging Ninja Assassin. "Nakita ko na siya Drake!" At dahil sa pamilya Ninja ang pamilya nito magaling din ito sa pagkuha ng information. Ngumisi ako, "What are we waiting for?" "We have a problem nga lang, Drake." "What?" Kunot-noo ko tanong, naiinip na ako gusto ko na bumalik sa Pilipinas. "Nasa crowded siya, sa isang bar." Pinakita nito sa akin ang bar at umarko ang kilay ko ng makita ang itsura ng lalaki. Na-i-kuyom ko ang kamao ko. Nangigilaiti ako sa galit ng makita ang mukha nito. "That fucker! Traidor talaga!" Ang lalaking nasa larawan ay ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan nila Aycn. Meaning sila uncle ang nagutos ipakuha ang isang mahalagang information sa experiment. "Shawroon, give this information to my father, lalo na sa matanda na iyon!" Inabot ko ang papel sa Vice-president ng school ko. "Ayieh...Ayieh... captain!" Saludo nito bago mawala sa paningin ko. "Anong balak mo?" Tanong ni Black. "What do you think, Black?" Ngumisi ito sa akin. "Let's go!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD