SIERRA POV Tinitigan ko ang nakapamulsa na si Cristy, diretso ang tingin nito sa daan tila ba mayroong malalim na iniisip. Alam ko si Cristy ang kasama ko at hindi si Criselda. Lumapit si David kay Cristy at inakbayan. Hindi na ako nagulat pa ng makita namimilipit ito sa sakit, Napangiwi na lang ako, naaawa ako sa itsura nito na hawak ang likuran dahil binalibag ito ni Cristy. "Ouch!" Tiningnan nito si Cristy ng hindi makapaniwalang tingin. Pero agad ding nagbago ng makita ang malamig at walang emosyon nitong mga mata. Hindi na nagsalita pa si David at pinilit na lang tumayo. Sinundan namin si Cristy sa paglalakad at napagdesisyong sa likuran na lang ng babae. "Masakit?" Nangaasar na tanong ko kay David. "Sa tingin mo?" Napakamot ito sa ulo. "Pambihira, bigla bigla na lang n

