CRISELDA POV Yumuko ako para itirintas ang sapatos na suot ko. Habang nagsusuklay si Sierra. Matapos nito suklayin ang buhok lumapit ito sa akin, "Saturday bukas, walang pasok. Alam mo ba na magkakaroon daw ng pahinga ang bloody hour s***h demon hour. Muli na nilang bubuksan daw ang bar dito sa loob ng Sicarrius." Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang sinasabi nitong Bar. Parang may bahagi ng katawan ko ang nagsasabi pumunta sa lugar na iyon. Pero para sa akin hindi ko gusto ang amoy at ambiance ng lugar. Mukhang alam ko na kung sino ang na-eexcited pumunta sa lugar na iyon. "M-may bar pala sa lugar na ito?" Sabi ko at tumayo na. Pinagpagan ko ang paldang suot. Lumapit ako sa drawer para kunin ang maliit na pistol, sinukbit sa itim na nakapulupot sa aking hita. Dinadala ko na ito

