CRISELDA POV Nakaupo ako ngayon sa loob ng room, tapos na mag-lecture si Madam Shi sa tinuturo nitong business subject. Sa school na ito hindi lang pagiging assassin ang hinuhubog sa school na ito, dahil kagaya ng ibang school tinuturo din sa school nito ang natural na pagaaral. Iniisip ko parin ang sinabi ni Sawron. Tanging elite na nasa high rank lang ang makakatanggal ng bagay na ito. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Crisanta sa may likuran. Tumayo ako at lumapit dito. "What?" Naka-taas ang kilay na tanong nito. Kumuha ako ng upuan at humarap dito. Pinakita ko ulit ang bracelet sa pulsuhan ko, problemado talaga ako dito. Tumaas ang kilay nito sa akin. Para bang sinasabing ano ang pakialam sa bagay na pinapakita ko. "Can you tell me how to remove it?" Kumunot ang noo ni

