CRISELDA POV Nakaramdam ako ng tila may humahaplos sa kamay ko, dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko. Nagulat ako ng makita ko ang lalaking naka-upo sa tabi ng kama ko at may kung anong ginagawa sa pulsuhan ko. Napangiwi ako ng makaramdam ng hapdi. Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko sa kamay nito at umupo ako ng kapantay nito. Napakalapit nito sa akin kaya naamoy ko ang matamis nitong pabango. Hindi ko na pala kailangan pa na hanapin ito, dahil ito na mismo ang lumapit sa akin. "Drake," mahina ko tawag sa pangalan nito at tinitigan ang mukha nito na nakatingin parin sa kamay ko na hinila. Tinitigan nito ang sugat sa pulsuhan ko. Tumikhim ito at muling dinampian ng bulak ang balat ko na may sugat dahil sa pagpipilit ko tanggalin ang nilagay nitong Chain bracelet. "Drake, pwe

