Chapter 9

1805 Words
CRiselda POV Napatayo ako sa kinauupuan ng makarinig ng sigaw. Nasa canteen ako kasama sila Siera, at David. Matapos ang nangyari sa library two days ako hindi nakapasok at ngayon na lang ako ulit. Bago kami pumasok sa bawat classroom namin napagdedesiyon lagi namin na kumain muna sa canteen. Lumabas kami ng canteen at sinundan ang mga tao na pumunta sa babaeng sumigaw hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, napahawak ako sa bibig. Ang limang lalaking kasama ni Acyn Fujiwara na muntik ng kumaladkad sa akin palabas ng library nasa limang puno na nakatali at magkakahelera. Puno ng pasa ang mga mukha at buong katawan sa tingin ko hindi na humihinga pa ang mga ito. Ilang saksak ang makikitang tinamo ng mga ito at mukhang tinorture muna bago laslasin ang mga leeg. Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan. "Oh, myGosh. Pinarusahan siguro sila ni President. " narinig ko bulong ng mga babae sa may gilid ko at pasimpleng tumingin sa akin. Ang titig nito ay mayroong laman na para bang kasalanan ko kung bakit wala ng buhay ang mga tao nasa aming harapan. Hindi ako makapaniwala, Paano nagagawa ng tao ang ganito bagay. Tao pa nga ba ang makakagawa nito o isa ng halimaw? Parang may kung ano sa aking kaibuturan na gusto magwala at lumabas ngunit pilit kong kinokontrol ang aking sarili. Tinitigan ko ang mga nakasulat sa may karatula na nakasabit sa mga lugmok at patay na katawan ng mga ito. Nakalagay sa karatula ang salitang 'do not imitate' Nakasulat din ang lahat ng kasalanan ng mga ito sa karatula, Pero wala doon ang nakalagay sa nangyari noong nakaraan sa library. Lumalabas na lumabag ang mga ito sa batas ng school. At hindi dahil sa akin, nakahinga ako ng maluwag. Mahalaga hindi ko babaunin ang konsensya dahil namatay ang mga ito. Saka naisip ko din, bakit ko naman iisipin na kaya sila pinarusahan ni President ay dahil sa akin, napaka-assuming ko naman sa part na iyon. "Putik akala ko dahil sa nangyari sa library. Iyon naman pala dahil sa dami ng kasalanan ng mga ito." Narinig ko sabi ng isang lalaki na umiiling-iling. "Buti nga iyan sa kanila! Ang sasama kaya ng mga ugali akala mo mga santo na dito sa school, purkit hawak ng Fujiwara, Tss.." segunda naman ng isang babae. Humahangos na lumapit Si Acyn Fujiwara ang lalaki nanakit sa akin sa library at hinawi ang lahat ng mga tao nakikisusyoso. Makikita ang galit sa mga mata nito at isa-isa tiningnan ang mga ka-miyembro. "f**k You! Drake! Harapin mo ko at mag-tuos tayo!" Tumingin ito sa akin. Nanlilisik ang mga mata nito ng lumapit sa akin. Nag-alisan agad ang lahat ng mga tao sa buong paligid, nararamdaman kasi ng mga ito ang bigat ng presensya ng isang Acyn Fujiwara. Tanging kami lang nila Siera, David ang magkakatabi at hindi natinag sa papalapit na lalaki. Samantala ang Anak ng Sakuragi Clan na si Crisanta ay nakamasid lang sa sulok. Hinihintay nito marahil ang gagawin ni Acyn. Agad humarang si David sa harapan ko. Hinila ni Acyn ang kuwelyo ni David. "Back off, Bastard!" Saka nito Tinulak si David at muli ako tiningnan. "I know its because of You, b***h! Hindi sa lahat ng oras mapro-protektahan ka niya! Huh! Akala ba niya hindi ko kilala ang kunai na iyon!! Damn! Bobo lang ang di makakakilala! Uunahan ko na sya bago ka pa niya makuha! Tandaan mo ito! Walang ibang makikinabang sayo kung hindi ako lang! Tandaan mo iyan!" Galit nitong turo sa akin bago tumalikod. Kinuyom ko ang kamao ko. "at itanim mo rin sa isip mo na walang kahit na sa iniyo na may dugo mafia ang makikinabang sa akin! Dahil wala kayo karapatan sa akin at kahit kailan hindi ako luluhod sa iniyo! Kaya pasensya na! Hindi ko kayo papatulan dahil pare-parehas lang kayo mamatay tao!" Napalunok si David dahil sa narinig. Muling lumingon sa akin si Acyn at ngumisi. "Tingnan natin at baka kainin mo lahat ng sinabi mo. Nakakalimot ka ata, may dugo ka din na mamatay tao." Umismid ito saka muling naglakad papalayo. Nanlaki ang mga mata ko, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. 'May dugo ka din na mamatay tao' umuulit-ulit sa akin pandinig ang bawat salitang binibitawan ni Acyn. Kinuyom ko ng mahigpit ang aking kamao at pilit nilalabanan ang sariling emosyon. Napapikit ako ng lumapit si Siera at pasimpleng may tinusok sa leeg ko. Tumulo ang luha sa pisngi ko, mabuti na lang at alam na ng pinsan ko ang gagawin. Naramdaman ako ang kakaibang init sa buo kong katawan, nawala din ng bahagya ang namumuong galit sa dibdib ko. Napa-upo ako at inalalayan ako ni David. "Let's go, Criselda?" Nag-aalinlangang tanong ni David. Ngumiti ako dito, "Im okay David. Tuloy na lang natin ang pagkain." Napatingin ako sa paligid, nakahinga ako ng maluwag ng walang napansin ang mga tao sa paligid na unti-unting nagpupulasan. Maliban nga lang sa isang babae na tinitigan muna ako ng may pagtataka bago ito umalis sa harapan namin. Mukhang kailangan ko magingat at hawakan ng mabuti ang emosyon ko, kung hindi baka may makaalam ng lihim ko. SIERA POV Nakahinga ako ng maluwag ng tumalab agad ang gamot kay Criselda, mahirap na at baka mapaano pa ito. Mabuti na lang at lagi ko dala-dala ang gamot nito, dahil kung nagkataon baka napahamak na kami, lalo na ang angkan namin. My Gosh, hindi ko talaga alam ang gagawin bakit kasi ininuman ni Tita mama ni Criselda ng gamot noon pinagbubuntis pa nito ang pinsan ko, nagkaroon tuloy ng deperensya. Matapos ang nangyari kanina umaga, bumalik kami sa pagkain sa canteen at pumasok sa klase namin. Matapos ang klase namin bumalik na kami sa kwarto namin. Nakahiga ngayon si Criselda sa higaan nito, ganito ito lagi sa tuwing nakakainom ng gamot nagiging matamlay. Nag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko pangalan ni Tito Ezio, "Hello, Uncle?" Mahina ko sabi habang naglalakad palabas ng kwarto at pumunta sa veranda. "How is Criselda?" Ang boses nito ng tila ba nagaalala. Sa totoo lang, lagi ito ganito. Sa tuwing matatapos ang klase namin tatawag ito para kamustahin kami lalo na ang kanya anak. "Okay naman po kami, natutulog ngayon si Criselda, kaya hindi ko po maibigay ang cellphone." "Nagpapakita ba si Cristy?" Saglit ako natahimik saka napabuntong-hininga. Binibilang ko sa kamay ang ilang ulit na muntikang pagpapakita ni Cristy pero agad namin naaagapan. "Muntik nalaman po, Uncle. Haist, hindi ko nga alam bakit napapadalas ngayon ang pagpapakita ni Cristy. Balik na kaya kami ng Italy, Uncle. Kailangan ata madala ni Cristy kay Dr. Smith." Napatingin ako sa malayo. Mas mapanganib kapag nagpakita si Cristy, violente at mapanganib ang ugali nito. "Dala mo ba ang gamot ni Criselda?" Narinig ko ang buntong-hininga ng nasa kabilang linya. "Opo, may ilan pa na gamot. Mapapadalhan mo ba kami ng gamot? Mukha namang wala ka balak pabalikin kami sa Italy, Uncle," napairap ako sa isiping hindi nito iniitindi ang sinabi ko, "Oo, papadalhan ko kayo. Siera, sa'iyo ko pinagkakatiwalaan si Cristy. Alam mo ang ugali niya, wag na wag niyo hahayaan ni David na magpakita siya." Sabi nito bago nawala sa kabilang linya. Napairap ako muli at napa-buntong-hininga. Sakit talaga sa ulo iyan si Cristy. Hay, naku! Napatingin ako sa may loob ng kwarto, nagulat ako ng mapatingin ako sa likod ko nakatayo doon si Criselda. Diretso ang tingin sa akin, hinahangin ang mahaba nito buhok. Diretso lang ang tingin nito sa akin. Kumabog bigla ang dibdib ko dahil sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko, "Jusme ka, Criselda! Kanina ka pa ba diyan?" Lalapit sana ako dito ng naglakad ito papalayo sa akin at bumalik sa higaan nito. Napabuga ako ng hangin, binasa ko ng laway ang labi. Napahilamos ako ng mukha, minsan talaga natatakot ako sa pinsan ko pakiramdam ko sinasapian minsan. Jusmiyo, Tita! Kung nabubuhay ka lang sana, ikaw ang nagaalaga sa anak mo may pagka-sinto-sinto. Ezio P.O.V Bumabalik sa aking isipan ang nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Ang unang pagkikita namin ni Almira kay Cristy, ang ikalawa ko anak. Throwback: "Almira, nasaan si Criselda." Tanong ko sa aking asawa na tahimik at nakatingin sa tatlong taong gulang namin anak na nakaupo sa ibaba ng higaan nito habang hawak-hawak ang teddy bear nito. Hinahanap namin ito dahil nawawala ang alaga nito si Meowny, ang pusa nito puti na naglalaro lang kanina. Noong umakyat kami dito sa kwarto wala dito si Criselda. Kaya nagulat ako ng makita ito nakaupo sa ibaba ng higaan at yakap-yakap ang teddy bear nito. "N-nakita ko kanina si Meowny, Ezio. Wala na ito buhay." Nanginginig na sabi ni Almira. At tumingi sa akin. Nagulat naman ako, mahal na mahal ng nagiisa namin anak na babae si Meowny. Nag-angat ng ulo si Criselda. Matalim ang mga tingin nito sa akin. Kakaibang mata, wala na doon ang mala-inosenteng mukha ng aming anak. Nakita ko ang tila bulaklak sa may bandang leeg nito. Walang ganoon ang aming anak. Nasisiguro ako hindi ang nagiisa ko anak ang nasa aming harapan. Wala bulalaklak sa leeg si Criselda, mabait at sweet din ang mga mata nito hindi katulad ng isang ito. "Pinatay si Meowny!" Lalo lumalim ang tingin nito sa amin. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito. "Sino naman gagawa noon? Alam ng lahat na mahal na mahal mo ang pusang iyon," naka-ngiti ko sabi. Umismid ito na ikinagulat ko, " Sinong gagawa? Edi si Cannor!" "Criselda!" Sigaw ni Almira, At lumapit sa bata hinawakan ang dalawa nitong braso. "Do you think, Im Criselda?" Madiing sabi nito at tinitigan ng masama ang Ina. "You are my mother, you should know me better than anyone else!" Nabitawan ni Almira ang braso ng anak at napahawak sa bibig sabay lapit sa akin. Natatakot ito tumingin sa akin. "H-hindi siya si Criselda, Ezio!" Hinawakan ko sa buhok ang asawa at nilapitan ang aking anak na ngayon ko lang nakilala. Ginulo ko ang buhok nito, "Ikaw ba ang twin ni Criselda? Ano gusto mong itawag ko sayo? Cristy? Cristy Schiro, okay na ba sayo ang pangalan na iyon?" Ngumiti ako dito. Nakita ko ang saglit na pag-pungay ng mga mata nito na agad din bumalik sa pagtalim ng mata. "Pinatay ni Cannor ang pusa ni Criselda! Umiiyak siya ngayon, gusto ko sya ipaghiganti sa pamamagitan ng pagpatay ko kay Cannor, pero matigas ang ulo ni Criselda." Nagulat ako sa sinabi nito. Ngayon ko napagtanto violente ang pagkatao ni Cristy. "Hayaan mong ako ang magparusa kay Cannor, wag mo na sya gantihan." "Promise?" Nag-pinky promise ito, ngumiti ako at nag-pinky promise din. Present: Simula ng araw na iyon lagi ko binabantayan ang galaw ng dalawa ko anak na babae, lalo na si Cristy na kapag napapahamak si Criselda nagiging Violente. Cristy, wag mo ipapahamak ang kapatid mo, please!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD