Chapter 8

1569 Words
Crisenta Pov: Nakatayo ako ngayon sa balkonahe ng kwarto ko, nakatukod ang mga kamay ko sa baldosa habang naka-tanaw sa malayo. Nakita ko siya! Alam kong nakita ko ang pares na mapupulang mga mata ng lalaking nag-hagis ng kunai kanina sa library. Sinasabi ng iba na ang vice-president ang naghagis ng kunai na iyon na muntik ng bumutas sa kamay ng hayop na si Acyn Fujiwara. Umismid ako, Napapadalas ata ang pagpaparamdam ngayon ng mailap na presidente ng school council, nakakapagtaka naman ata. "Drake Fujiwara! Magagawa mo kayang parusahan ang pinsan mong na iniisip sa kanyang sarili na mas demonyo pa sa'iyo?" Bulong ko sa aking sarili, habang nakatanaw sa malayo. Bigla ako nakaramdam ng galit, nagngingit-ngit talaga ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa ni Acyn kay Criselda kanina, isiping ang mga kagaya nito ay nagagawang gamitin ang kapangyarihan para lang makapanakit ng mga mahihina! Isang duwag na ginagamit ang pangalan ng angkan para lang makuha ang mga gusto! Kung hindi lang talaga marahil sa ginawa ng Drake na iyon ako na ang susugod sa gagong pinsan nito! Ang mga kinakaya lang naman ni Acyn ang kagaya ni Criselda na mahihina, iyong tipo ng tao na hindi kaya ipagtanggol ang sarili at nakaasa lang sa paligid. Nakakainis pa ang gaga, dahil pakiramdam ko na sobrang hina nito! Sa totoo lang, nakakaurat siya tingnan. Nakakaramdam ako ng pagkaurat sa tuwing titingnan ito. Pero impressive ah, dahil nagawa parin nitong lumaban kahit papaano. Saka ang combat skill na nakita ko sa babae na iyon, Parang nakita ko na dati, Kung hahasain lang nito ang kakayahan baka sakaling mapantayan pa nito ang mga kagaya ni Acyn. Teka nga, Saan ko nga ba nakita ang skill combat nito? Putcha naman! Di'ko matandaan! Muli ako napaismid, bigla ko naaalala, bakit nga ba parang lagi nakasunod si Drake kay Criselda? "Anong meron sa kanya, Drake at mukhang nagagawa mo maging reckless sa mga galaw mo ngayon?" Kumikilos na parang hangin ang lalaki na iyon, kung hindi ko marahil nakita ang anino at pagkilos nito kanina baka iisipin ko rin na ang vice-president ang nagligtas kay Criselda. Sa tagal ko sa Sacarrius never ko pa siya nakitang kumilos ng ganoon, na para bang hindi nito pinag-iisipan ang ginagawa. Ngayon lang sa pagkakataon na ito. Siya ba ang kahinaan mo? Tinapik-tapik ko ang kamay sa baldosa. Nag-isip pa ako ng malalim, kung tutuusin magandang pangitain nga naman ang pinapakita ngayon ni Drake. Pero hindi maaari, never nagpapakita ng kahinaan ang isang Fujiwara. Dahil alam nito na sa oras may makaalam ng kahinaan ng kalaban iyon ang gagamitin nito laban sa kanya. Ang turo ni Xachrias Akatsuki-Sakuragi, sa oras na malaman namin ang kahinaan ng kalaban iyon na ang oras para atakihin ang kalaban. Kung mayroon 'mang kahinaan ang kalaban namin, kailangan marunong ito pangalagaan ang bagay na pinapahalagahan nito. Kaya nahihiwagaan ako sa kinikilos ngayon ni Drake. Ang lalaki ang tagapagmana ng angkan ng mga Fujiwara. Kapag nagpakita ito ng kahinaan katapusan na ng angkan nito. Kaya wag na wag kang magpapahuli sa iba, Press. Naghihintay lang ang mga ito makita ang kahinaan mo. At sinisiguro ko sa'iyo sa oras na malaman nilang siya ang kahinaan mo, magiging dahilan iyon ng mas lalo kapahamakan kay Criselda! Tinapik-tapik ko ang kuko ko sa baldosa nag-iisip ako kung mag-uulat ba ako kay Xachrias na siyang Mommy ko, Tumalikod ako at dinikit ang likod sa baldosa. Hinawakan ko ang baba ko saka sumilay ang nakakalokong ngiti. Hindi ko na muna ire-report kay mommy ang mga nangyari sa araw na ito. Sa totoo lang, ngayon lang ako nagpapa-salamat at pinadala nila ako dito. Nalayo ako kahit papaano sa nakakasakal na atensyon ni Xacharias Athena Akatsuki-Sakuragi. Ako na lang kasi ang lagi nito nakikita, practice dito practice doon halos dalawa na kami ni Miguel kung maglaban. Kulang na lang ipamukha nito na magkalaban kami ni Miguel sa atensyon nito at sa yaman ng pinag-samang Akatsuki-Sakuragi Clan. Minsan nakakasuka na, halos walang araw ni oras kung mag-ensayo kami para mahigitan ang ibang kalaban ng angkan namin. Hinahanap kasi ni Xacharias sa amin ang sakit niya! Sakit niya kung saan hindi mo aakalain na sa maganda niya mukha meron tinatagong disorder. Tinatawag ito DID, Dissociative Identity Disorder isang uri ng personality kung saan dalawa ang pagkatao o higit pa, sa english multiple personality. Masyado ding obsess ang nanay ko sa mafia! Black organization at iba pang pinapamahalaan ng aming pamilya! Mafia? f**k! Kakasawa! OTHER POV Hindi nakita ni Crisanta ang dalawang lalaking nakatayo sa malalaking puno hindi kalayuan sa kinatatayuan niya. Mabilis na tinago ng lalaking mayroong mapupulang mga mata ang hawak na kunai at binalik sa pocket na nakadikit sa baywang. "Hindi mo ba siya papatayin, Drake?" Tanong ni Black habang tinitigan ang babae nakatalikod sa kanila. Nakita ng lalaki ang pagsilay ng ngisi sa labi nito. Hahayaan ko muna siya mabuhay, Black. Mukhang di naman siya mag-rereport sa Nanay niyang si Athena, Papalampasin kong nasilayan niya ang Crimson Eyes ng Fujiwara." Umirap si Black sa matalik na kaibigan, naka-mask ito habang direktang tinititigan ang mapulang mga mata nito. "So mabait ka na sa lagay na iyon?" Nagulat si Black ng dumikit ang kunai nito sa leeg at nagkaroon ng kaunti dugo dahil sa ginawa nito, napaka-bilis talaga nito kumilos, parang hangin. "Sa tingin mo bakit kaya nabubuhay ka parin? Hindi ba dapat maging ikaw ay dapat ko na rin patayin?" Natawa naman si Black, inalis ni Drake ang kunai nito sa leeg ng lalaki. "Ah, dapat din pala mamatay ni Criselda Schiro kung ganoon?" Nakita ni Black ang pagtalim ng mga mapupulang mga mata ni Drake, "Don't you dare call her name, Black," pagbabanta nito? Lalong natawa si Black at tinaas ang dalawang kamay senyales ng pag-suko. Just Kidding, Bro! May ipapagawa ka ba sa akin? Lalo na sa pinsan mo," Ngumisi lang ito at nawala din agad sa paningin ni Black, napailing ang lalaki naka-mask ng itim. Tinitigan ang babaeng Sakuragi habang naka-pamulsa. Mukhang kikilos ng hindi maganda ang isang Drake Fujiwara. Magiging isang mainit-init at matinding babala. SHAWRON CREED POV Piling ko napaka-angas ko sa part na akala ng lahat ako ang naghagis sa kunai para iligtas si Bb.Schiro. Ngiti-ngiti ko nilapag ang mga papeles sa desk ng lalaking nakapikit sa chair nito sa loob ng school council office. "Napakasarap ba maging maangas sa harap ng mga tao, Shawron?" anito na hinihilot ang noo. Mukhang meron itong malalim na iniisip. "Maraming Salamat sa reckless na pagsugod, Mr. President." May halong pang-iinsulto sabi ko sa lalaking unti-unting dumilat at tumingin sa akin. At nakahinga ako ng maluwag, nagpapasalamat din ako dahil natatakpan ang mapupulang mga mata nito ng contact lens. Dahil kung nagkataon, baka luluhod na ako para sa buhay ko. "Bueno, Mr. Press, ano ang dapat gawin sa grupo ni Acyn?" pagbabago ko ng usapan dahil hindi magandang biruin ang isang Drake Fujiwara lalo na sa mga ganito sitwasyon meron ito negatibong enerhiya. "Kill them!" Madiin at desisdo nitong sabi sa akin habang tinititigan ako, mata sa mata. Kinalibutan talaga ako sa sinabi nito. Alam naman nito hindi pwede gawin iyon ng walang pahintulot sa ama nito. "ah, ah, don't do that, Drake! Malakas sa ama mo ang pinsan mo." Pilyong tinaas ni Lorcan Fox ang hintuturo habang nagsasalita. Nasa likod ko na pala ang treasurer ng School Council. Sa sobra kabang nararamdaman ko hindi ko namalayan si Lorcan sa likod ko. Ngumisi ng parang demonyo si Drake. Kahit sabihin magkababata kami dalawa, Kapag ganyan ang itsura niya, kinikilabutan talaga ako. Walang sinasanto ang ngisi na iyan. Kung inaakala ng iba demonyo ng maitu-turing si Acyn. Nagkakamali ang mga ito dahil ang prinsepe ng demonyo nasa loob mismo ng school nito at nakaupo lang sa chair nito sa loob ng school council office. Naghihintay kainin ang kalaban, He is the true heiress of devil Clan. Malikot at di mo mababasa ang tinatakbo ng utak. Matalino pero mapanganib ang tagapagmana ng mga Fujiwara. Nagkatitigan kami ni Lorcan. Kailan 'man ay hindi namin sinalungat ang bawat desisyon nito. Dahil sa oras na pigilan namin ang desisyon nito baka mapahamak lang kami. Kilala sa pagiging bihasa sa pagpatay ang pamilya nito kaya nasa second ranking. At nasisiguro ko hindi ito magdedesiyon ng against sa will ng magulang at rules ng school. Ang iniisip ko, ano kaya ang idadahilan nito sa Ama oras na magtanong ito bakit kailangan patayin at kalabanin nito kahit ang mismong kadugo ang pinsan nito mismo na si Acyn. Alam ko rin na maaaring malaman ng iba ang posibleng kahinaan ng lalaking nasa aking harapan, alam ko iba ang tingin nito kay Binibining Schiro, pero natatakot ako hindi para sa ikababagsak ng isang Drake Fujiwara, dahil alam ko hindi nito hahayaang basta na lang bumagsak. Ang kinatatakutan ko, baka may mangyaring masama kay Binibining Schiro. Kumikilos ngayon ang lalaking ito ng hindi pinagiisipang ang kahihitnan ng magiging desisyon. Don't worry, Shawron and Lorcan. I know what's in your head. Do you think I'll be doing stupid things without a plan?" Napabalik ang tingin ko kay Drake dahil sa sinabi nito. Napakamot ako sa ulo, Grabe! Mahirap basahin ang nasa isip nito pero nagagawa nito basahin ang nasa isip namin. Masyado ba halata sa mukha namin ang pag-aalala para kay Binibining Schiro? Sana lang talaga, Drake hindi nil amalalaman ang nagagawa sa'iyo ni Criselda. Wag sanang gamitin ng mga kalaban mo ang bagong transfery.... Ang siyang kahinaan mo..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD