I: Josiah Jacinto
"Ma, okay ka lang ba talaga?" bahagya akong tumikhim sa sinabi ng anak ko.
"You're spacing out. May problem ba sa work?" umiling ako. Hindi na dapat pang madamay si Ali sa mga iniisip ko. Labas na dapat siya dito.
Pero bakit ganon? Bakit hindi mawala sa isip ko ang mukha niya?
"Alright, ako nalang po ang o-order. Wait ka na lang dito, Ma. The usual ba?" Tumango ako. "Yes 'nak, the usual."
Madalas na kasi kami dito dahil ito ang paboritong lugar ni Ali mula pa noon. Halos lahat kasi ng paborito niyang pagkain nandito.
Inayos ko ang sarili ko at hinanda ang sarili sa pagkain. Hindi pwedeng kung ano-ano ang naiisip ko. Mamaya, panigurado maiisip yun ng matalino kong anak.
Wala pang sampung minuto nakabalik na siya kasama ang order ko. I looked up and saw a bothered face.
"Anak, anong nangyari sayo? Namumutla ka." Dali-dali ko siyang inasikaso at kinapa ang noo nito. Hindi naman siya nilalagnat. Ang totoo, malamig pa nga ang mukha nito.
"I'm fine, Ma. Kaya lang there is this guy, kinausap niya ako. He told me, 'Hey man. You have a beautiful company. Is she your girlfriend?'" Bumunghalit ako sa tawa hindi dahil sa kwento niya kundi dahil sa iritasyon sa mukha niya.
Ever since, masyado talagang protective yan si Ali. Kaya siguro for seventeen years hindi na ako nakapag boyfriend ulit kahit kinukulit na ako ni Cassie.
"Ma, bakit ka tumatawa? It irritates me. Halatang gusto kang pormahan." Sineryoso ko ang mukha ko, kunwari nakikinig na lang sakanya but at the back of my mind gustong gusto ko pa talaga tumawa. My son's so sweet!
"Oh, anong nangyari? Paano mo napaalis yung lalaki?" tanong ko habang nagsimula nang kumain matapos maka-recover sa pagtawa.
"I told him, 'What do you want from her? And yes, she's my girlfriend. Back off.'" Halos mabuga ko ang kinakain ko sa pagtawa. Normal na kay Ali ang ganto, iyon na ang ginagamit niyang rason para layuan ako ng mga lalaki pero ngayon ko lang siya nakitang ganyan ka iritado.
"I don't like him, Ma. Kapag nakita mo yun sasabihin mo gwapo, baka magustuhan mo pa." Nagsimula na rin itong kumain. Inuna niya iyong mga paborito niyang pagkain bago siya dumerecho sa mismong kain para sa lunch niya.
Sinubo ko muna ulit ang kinakain bago nagsalita. "Gwapo ba 'nak?" binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. Mas lalo kasi 'yan maiirita.
"Ma, naman! Mas gwapo naman ang anak mo doon sa Josiah na yun." halos mahulog ako sa upuan sa pamilyar na pangalang narinig. Nawalan ata ako ng dugo sa mukha.
"Tara na, Ma. Kain na tayo, ayoko malate sa afternoon class." pilit nalang akong tumango saka nagpatuloy sa pagkain.
You've got to be kidding me. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa after 17 years? Kung kailangan natanggap na ni Ali na wala na ang tatay niya?
Naging maayos naman ang buhay namin noong mga nakaraang taon na wala siya sa paligid. Ano ba talagang nangyari sakanya? Bakit ngayon lang siya sumulpot?
Pagkatapos namin kumain, agad kong hinatid si Ali sa school nito. Tapos ay dumerecho naman ako agad sa bahay para paghandaan ang speech na kailangan para sa friday.
Kailangan kong idistract ang sarili ko sa trabaho para mabawasan ang pag iisip.
Hindi.
Hindi ko nagawang madistract ang sarili ko dahil buong maghapon ay hindi na umalis ang Josiah'ng iyon sa isip ko.
Nagawa ko nang magpagulong gulong sa kama o hindi naman tumalon talon para sana washed out ang masamang iniisip.
Muli kong binalingan ang laptop na nasa harapan upang makita ang iilang naroon. Wala pa nga sa 1/4 ng kailangan kong magawa.
Binagsak ko ang sarili sa kama, kapagkatapos ay tinabunan ng unan ang mukha. I hate it!
Lumayas ka na sa utak ko, Josiah!
"Ma?! Are you okay?" naramdaman ko ang pagmamadali ng nagsalita. Nang makalapit ay agad akong hinila patayo.
"Mommy naman! Akala ko kung ano na nangyari sayo." bumagsak lang ang balikat ko. Sinundan ang tingin ni Ali na nasa laptop ko na ngayon.
Mahigpit niya akong niyakap. Sa isang iglap ay nawala na lahat ng pagod ko. "I'm home, Ma. And I got no homeworks. How about we eat then I'll help you with that?"
Wala na akong ibang nagawa. Buti inuna ko na muna ang magluto para sa hapunan bago isiksik sa utak ko ang mga gagawin. Nakakaasar lang!
Apektadong apektado ang sistema ko dahil lang sa nagkita kami ng lalaking iyon? Nagkita lang?
Aba! Paano pa kaya kung nagkausap kami?
Well, hindi ko naman iniisip na magkakausap pa kami pero—
"Ma, wala pong laman 'yang kutsang isusubo mo."
Hindi ko na kaya. Suko na ako.
Please naman, lubayan mo na ako.
Huminga muli ako nang malalim, pagkatapos ay malawak na nginitian ang anak. "Titikman ko lang kung masarap ang kutsara, Ali."
Napailing muna ang anak ko bago bumungkaras ng tawa.
This should be over soon.
Ngayong alam kong posibleng nandito lang siya sa tabi-tabi, kailangan kong iwasan ang mga lugar na maaari nitong puntahan. I can't lose myself now.
Hindi na ulit dahil hindi ko naman gugustuhing mag-alala pa sa akin si Ali.
"Ma, seriously.." nagpakurap-kurap lang ako habang tinitingnan ang nasa harap. "Magkwento ka nga po sa akin, what's the problem?"
Muli kong nginitian ang anak, simbolo ng pagsuko pero hindi — hinding hindi ko hahayaang madamay pa dito si Ali.
Nang magvibrate ang cellphone ko ay agad kong dinampot iyon. Baka si Mr. Andrade at may importanteng kailangang sabihin. Si Ali naman ay bumaling muna sa laptop ko at nagsimulang magbasa doon.
Sandaling tinitigan ko pa ang anak. Alam kong may karapatan din siyang malaman at makilala ang ama pero hindi ko na gusto pang hayaan iyon. Masaya na kami ni Ali ng kami lang. End of conversation.
Hindi ko na ipapasok si Ali sa gulo ng buhay namin ni Josiah.
From: Unknown number
Hi!
From: Unknown number
This is Josiah.