II: The Boyfriend

1127 Words
II: The Boyfriend "Again, let's give a round of applause to Ms. Tebrero!" nakayuko akong bumaba sa stage pagkatapos magsalita. Nakakaba talaga ang ganito karaming tao. At isa pa, sanay akong magsulat at hindi magsalita. Kanina ko pa nga hindi maramdaman ang mga tuhod dahil tila ba namanhid na sa sobrang panginginig. My speech went good. Mabuti nga at kahit grabe na ang panginginig na nararamdaman ko ay hindi ko nakalimutan ang mga iyon kung hindi ay baka hindi na natapos ang mga tawa ng bisita ngayon. "Miss Tebrero!" agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napakaimposible namang may kakilala ako rito dahil kahit si Mr. Andrade nga ay hindi nakapunta. Namataan ko ang isang lalaking tumatakbo papalapit, maliit lang iyon at mula roon ay tanaw niya ang suot nitong ID at ang malalaki ang sulat na nakalagay roon. Media. "Miss." gagad nito nang makalapit. Ngayon pa lang nakakakaba na. Ano naman kaya ang posibleng dahilan nang paghabol pa nito sa akin. "Sir, ano po 'yun?" sinubukan kong ngumiti. Nararamdaman ko na nga ang malakas na t***k ng dibdib. "I'm Jason from StyraxCinema.." kuminang agad ang mga mata ko. Rumagasa ang sandamakmak na espekulasyon sa sinabi ng kaharap. "Our boss wants to talk you," pagtapos niya roon na halos ikatapos din ng paghinga ko. *** "Sir, eto na si Miss Tebrero. She's from Astruck Publishing—" "You may leave now, Jason. Tatawagin kita mamaya." Gusto ko pang tumutol, pero noong tuluyan nang nakalabas ang lalaki at naiwan kaming dalawa doon ng lalaking kaharap ay tuluyan na akong nawalan ng lakas. Anong ginagawa ko rito? Anong ginagawa ko ngayon sa harap ng lalaking ito? "So," sabay pa kaming tumikhim. Lintik! Hindi parin nawawala ang panginginig ko. "You are?" naningkit ang mga mata ko siyang tiningnan. "I mean, first name." Hindi niya talaga ako matandaan. O baka naman pinilit niya lang akong kalimutan? Hindi ko gusto ang nangyari noong nagsimulang sumalakay ang sakit sa sistema ko. Kinalimutan niya ako? Kung kinalimutan niya ako bakit bumabalik siya ngayon sa buhay namin — ni Ali? "Tanya." taas noo kong sagot. Tingnan na lang natin kung hindi mo pa matandaan ang pangalan ng babaeng binuntis mo, pagkatapos ay iniwanan na parang kung anong laruan lang. Pero imbes na gulat ang dumantay sa mukha ng kaharap ko ay purong ngiti lang ang naroon. "Beautiful. Your name suits you." Mariin akong pumikit. Naging malalalim na rin ang mga paghinga. How come? "Nagkita na tayo, right? Sa parking. Natatandaan mo pa ba?" Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa accent nito tuwing nagsasalita ng tagalog. Parang ibang tao siya kung iyon ang pagbabasehan pero hindi ako pwedeng magkamali. Siya si Josiah. Memoryado ko ang lahat patungkol sa lalaking kaharap. "Oh," natawa ito nang mahina at para bang hindi napapansing siya lang nagsasalita. "Nabigla ba kita? I'm Josiah Jacinto, by the way." Tumalim lang ang titig ko noong sinubukan niya pang ilahad ang mga kamay niya para makipag ashandshake. "Bakit mo 'ko gustong makausap?" Ang gulat na kanina ko pa inaantay na magpakita sa mukha niya ay ngayon ko lang nakita. Nahimigmigan ata ito sa malamig kong boses. May karapatan naman siguro ako, hindi ba? Pagkatapos ng labing-pitong taon ay wala kaming narinig sakanya ng anak ko. Iniwan niya na lang akong bigla noong malaman nitong buntis ako pagkatapos ay babalik ito ngayon na parang nawalan lang ako ng isang pirasong kendi? "Are.. you okay?" "Bakit mo nga ako gustong makausap?" I'm getting a little impatient here! Ano ba kasi talaga ang dahilan kung bakit gusto akong makausap nito? At nasaan na mga pala si Ali at hindi ko na nakita simula pa kanina? "Here," he cleared his throat. "Hindi ko naman kayo guguluhin ng boyfriend mo-" Boyfriend? Sinong boyfriend? Nabulunan ata ako ng sariling laway nang maalala ang pag-uusap naming dalawa ni Ali noong lunes. Sinabi nga pala ni Ali sa lalaking ito na siya ang boyfriend ko. "-I just want to work with you." Kung hindi agad dumapo ang kamay ko sa bibig ay baka tuluyang nalaglag ang panga ko. Ako? Magiging katrabaho siya? In your dreams, Josiah! "I'll let you sign a contract about this — ang bayad, allowances, royalties pati benefit--" Hindi ako makapaniwala. "-gusto kong gawing pelikula 'yung story mong 'Have We Met Before." Teka, hihinga muna ako ha? Magsasalita na sana ako para humindi sa offer noong biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ali iyon. "Hello, Ma? Asan ka na po ba? Kanina pa po kita hinahanap—" Binalingan ko ang lalaking kausap bago nakapagpasyang umalis doon. "I need to go." "—Ma, sino po 'yang kausap mo? Are you okay? Is that a bad guy?" Bad guy nga, anak. "Tanya! Pag-isipan mo, I'll definitely wait for you." Hindi ko na narinig pa ang huli nitong sinabi dahil agad na akong nagtungo sa lugar na sinabi ng anak. "Ma! Where have you been? Akala ko sinakay ka na sa van pagkatapos pinaghiwa hiwalay ang katawan tapos ibebenta sa–" "Alesseo!" singhal ko sa anak na tumawa lang pagkatapos. "Nagbibiro lang ako, Mommy." inakbayan ako ang anak. Pagkatapos ay nag-excuse sa mga kausap nito. "Anyways, the program's about to end. Uuwi na ba tayo agad?" mariin kong tiningnan ang anak. "Porke nakakain ka na, tulog na ang nasa isip mo!" malakas ang naging pagtawa nito. Hindi pa agad nakabawi dahil pagkatapos ng ilang segundong pananahimik ay tumawang muli. "Ali.. uy! Maingay ka, baby!" pagpigil ko pa. Pero imbes tumigil ay lalo lang tumawa kaya napasabay na rin ako. Ganoon na lang gulat ko noong biglang tumigil ang anak sa pagtawa at nang balingan ko kung ano ang tinapunan nito ng tingin ay mas lalo lang na nagulantang ako. Nasa harapan namin si Josiah! Nasa harapan ni Ali ang tatay nito. "Anong kailangan mo?" taas-noong walang pagdadalawang isip na sabi ni Ali. Kaonti na lang ay magsisimula na naman akong tumawa. "Hindi kasi natapos 'yung pinag-uusapan namin ni... Tanya." impit akong napapikit. Paano ba naman kasi, kung makatitig itong kaharap ko ay para bang kaya niya akong kainin ng buhay. Marahas akong napalunok dahil sa naiisip. "Who cares? The program's ending. Uuwi na kami ng girlfriend ko." Hinaltak talaga ako ng anak ko papalayo roon. Hindi rin naman nagpaawat si Josiah dahil sumubok pa itong sumunod. "Tanya!" "Asshole!" "Ali!" saway ko sa anak ko nang makalayo. "Saan mo naman 'yun natutunan?" "Alin, Ma? 'Yung girlfriend?" Nakurot ko na. Paano ba naman kasi akala niya nakikipagbiruan ako. "Hindi! 'Yung asshole–" "Ma naman," napakamot na lang sa ulo ang anak ko. "Normal na 'yun. Nasa adrenaline na." Ako naman ngayon ang hindi makapaniwala. Kapag teenager talaga kung ano ano ang ginagawa at sinasabi. Tinuloy na namin ang pag-alis sa lugar na iyon. Oras na rin siguro para magpahinga. It was a long and tiring day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD