Prologue

1376 Words
Nahahati ang Asgard sa tatlong katangian. Ang mga taong walang kapangyarihan na tinatawag na Soliya at ang mga taong may kakayahang maging isang imortal na tinatawag na Kasaya at ang pinakahuli ay ang tatlong taong makapangyarihan sa lahat ang Asgarya at ang pinakamataas sa tatlo ay ang kinikilalang hari ng Asgard.  Ang natitirang dalawa ay syang namumuno sa dalawang lahi. Si Gayon ang namumuno sa Kasaya at ang bagong silang na sanggol na magsisilbing bagong pinuno ng Soliya.  " Kamahalan magsisimula na ang pagbabasbas sa bagong silang na sangol"  " susunod na ko "  Yumuko ito at dahan dahang umalis.  Ngayon ang araw ng pagbabasbas.  Tumingala ako at tumingin sa mga larawan na nasa ding ding.  Ilang pinuno na ng Soliya ang lumipas. Ilang pinuno na ng Soliya ang kanyang binasabasan.  Napatingin siya sa larawan ng kaunaunahang pinuno ng Soliya.  Kitang kita ang maluwalhating ngiti sa kanyang mga labi.  " Ang iyong saling lahi ay patuloy na pinangangalagaan ang bayan na iyong minahal at ngayon ang araw ng pagbabasbasan sa susunod na pinuno ng Soliya at sana patnubayan mo sya kagaya ng iyong patnubay sa iba pa " At sana sa pagkakataong ito ay ikaw na ang taong ito Asmara matagal ko ng hinihintay ang iyong pagbabalik.  Alam kong pipilitin mong makabalik sa Asgard at ang makita kang muli ang pinakaaasam kong mangyari. Ang makitang muli ang buhay na buhay mong mga ngiti at ang mga mata mong nangungusap sa akin. Asmara ilang taon pa ba ang aking hihintayin. Ilang taon pa ba ang aking titiisin bago ka bumalik.  " Kamahalan naghihintay na po ang lahat " bumalik muli ang aking tagasunod.  Mukhang nagsisimula na ang ritwal. " Kamahalan" napalingon siya sa bagong dating.  " alam kong nalulungkot ka sa tuwing sumasapit ang araw na ito pero kaylangan nating gawin ang ritwal, wala pang pangalan ang bagong silang na sanggol "  " Gayon " tawag niya sa pangalan ng bagong dating.  " Kamahalan ipagpaumahin mo ang aking mga sinabi pero nararapat lamang na maumpisahan na ang ritwal siya ang magiging bagong pinuno ng Soliya kaya nararapat lamang na ibigay natin sa kanyang ang ating papuri at paggalang "  Lumakad siya ng dahan dahan at ipinatong ang kanyang kanang kamay sa kanang balikat nito.  "Umayos ka ng tayo Gayo alam mong hindi ko kaylangan ng iyong pagpupugay para sa akin ay pareho lamang tayo ng estado at katayuan, pareho lamang tayong namumuno "  Tumayo ito at nakangiting tumingin din sa larawang nakadikit sa dingding.  " Alam kong alam mo kamahalan na hanggang ngayon ay wala pa rin ang prisensya ni Asmara "  " Alam ko Gayo at alam ko rin na pareho lang tayong naghihintay ng kanyang pagbabalik "  Tumingin ito sa kanyang mga mata. Kitang kita niya ang abuhing mga mata ni Gayo bakas rin roon ang kalungkutang ng banggitin niya ang pangalan ni Asmara.  " kamahalan naghihintay na ang lahat"  Tumango siya at sabay silang naglakad palabas ng kanyang silid.  Nakasunod lamang sa kanila ang kanyang mga kawal at taga sunod.  Kitang kita ang magarbong palamuti sa kaharian.  " Gayo pangangalanan ko siyang Asmara dahil ng isilang siya ay naramdaman ko ng kaunti ang prisensya ni Asmara, siguro ay konting taon na lamang ang ating hihintayin, muli ng magbabalik ang talagang nagmamay-ari sa trono ng Soliya "  " ang akala ko ay ako lamang ang nakaramdam ng kanyang prisensya konting panahon na lang kamahalan muli na tayong mabubuo "  Kaming tatlo ang pinagmulan ng lahat, kaming tatlo ang unang nalikha sa mundo ng Asgard.  Si Asmara, si Gayo at siya na pinakamakapangyarihan sa lahat kaya niyang wasakin ang Asgard sa isang kumpas lamang ng kanyang mga kamay at muntikan ng mangyari ang bagay na iyon ng mamatay si Asmara ng masaksihan niya kung paano ito mapaslang sa mismong harapan niya.  Kung pano ito patayin ng pinakakamamahal nitong mortal, naging sakim ito sa kapangyarihan at sa pagaakalang makukuha nito ang pamumuno sa oras na mamatay si Asmara ay walang pagaalilangang pinatay nito ang reyna ng Soliya.  Sa mismong harapan nila ni Gayo nalagutan ng hininga ang kabiyak ng kanilang buhay at hanggang sa ngayon nabubuhay pa rin at nanatiling nakabilango sa kawalan ang mortal at ang natatanging taong nakakamtan ng kapangyarihan ng kadiliman.  Kaya nagawa nito maging isang imortal kapalit ng buhay ni Asmara ay ang buhay nitong walang hanggan.  " Narito na ang kamahalan " anunsyo ng kanyang tagasunod ng dumating na sila sa pintuan ng bulwagan.  Ang lahat ay nagsipagtayo at nagbigay pugay sa kanya. Naglakad siya patungo sa harapan ng bulwagan at mula roon ay nakahiga ang isang napakagandang sanggol.  Kulay puti ang kutis nito at kulay rosas ang mga labi. Nakapikit ito at wari'y nakikiramdam lamang sa paligid.  Itinaas niya ang kanyang kamay at kinuha ang maliit nito mga kamay. Maya maya lamang ay nagmulat ito ng mga mata.  Kasabay ng pagliwanag ng paligid. Huminto ang tugtugin at wari'y nakisama ang lahat.  Kitang kita niya ang isang pamilyar na mata. Mga matang hinding hindi niya makakalimutan kaylan man.  Napabaling ang tingin niya sa muting kamay na hawak hawak niya. Inalis niya ang pagkakahawak rito at unti unting binuklat ang palad ng munting sanggol. Tuluyan ng pumatak ang kanyang luha. Sa wakas tapos na ang kanilang paghihintay. Alam niyang nararamdaman din ni Gayo ang kanyang nararamdaman.  Ang reyna ng Soliya ay muli ng nagbalik.  Palatandaan noon ang rosas na marka sa mga palad nito, ang rosas na marka na tanging si Asmara lamang ang nagmamay-ari sa wakas bumalik na ang reyna ng Soliya.  Tumayo siya at binuhat ang sanggol. Nakatingin lamang ang lahat sa bawat kilos na kanyang ginagawa, hindi niya alam kung paano pero alam niyang si Asmara ang batang ito, nabuhay ng muli ang reyna ng Soliya.  " Magbigay pugay ang lahat sa bagong reyna ng Soliya, ang reynang paglilingkuran ng lahat walang iba kung hindi si Reyna Asmara " sabay sabay na nagsipagluhod ang mga kawal at ministro ng kaharian ng Soliya.  Sabay sabay na nagbigay pugay ang lahat para sa bagong Reyna ng Soliya.  Ibinalik niya ang sanggol na si Asmara sa hinihigaan nito. Muling pumikit ang sanggol wari'y natutulog muli ng mahimbing.  Kunot noong tinignan niya ang pulso nito hindi siya pwedeng makamali mahina ang buhay ng batang ito.  " Gayon " mahinang tawag niya sa hari ng Kasaya.  " ano yon kamahalan "  " paalisin mo silang lahat at isasagawa ko ang ritwal ng pagbabas bas, tanging ikaw lamang at ako ang dapat na narito"  Nakakunot man ang noo nito pero wala na itong nagawa kung hindi sumunod na lamang sa kanya.  Bumaling ito sa kanilang mga taga sunod.  " Maraming salamat sa inyong pagdalao ngunit nais kong ipabatid sa inyo na kaylangan naming gawin ang ritwal na kami lamang ang naririto "  " MASUSUNOD HARING GAYO!!" sabay sabay na sagot ng lahat.  Ng makalisa na ang lahat ay kaagad niyang binalingan si Gayo.  " Alam kong nararamdaman mo ang aking nararamdaman Gayo "  " isa itong katawan na walang laman hindi ba kamahalan ?"  Hinawakan niyang muli ang pulso ng sanggol. " tama ka isa itong katawan na walang kaluluwa, wala rito ang kaluluwa ni Asmara pero nagiwan siya ng sapat na pwersa para mabuhay ang katawan na ito. Wala rito ang buong siya Gayo, mananatili lamang na nakahimbing ang sanggol na ito hanggang sa kanyang paglaki "  Hinaplos niya ang mamula mula nitong mga pisngi. Napakahina ng pulso nito.  " Gayon lumabas ka at ipagutos sa lahat na isara ang bulwagan na ito, ito ang magsisilbi niyang himlayan hanggang sa maisipan na niyang bumalik sa kanyang katawan, ang bulwagang ito ay mananatiling i***********l na puntahan nino man, kahit na ng mga kawal imortal man o mortal "  Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng isang himlayan kay Asmara.  Nilagyan niya iyon ng harang upang walang kung sino mang makakalapit sa sanggol at pinalibutan niya iyon ng mga nakakalason na tinik ng rosas.  " Masusunod kamahalan "  Pagalis ni Gayon ay kaagad niyang panalibutan ang buong bulwagan ng nakakalason na tinik ng rosas. Mananatiling walang sino man ang maaaring pumasok sa bulwagang ito. Walang sino man ang maaring sumira sa iyong katawan hanggat hindi kapa muling nakakabalik.  Hihintayin kitang muli Asmara, maghihintay ako at patuloy paring maghihintay sa iyong pagbabalik mahal kong reyna ng Soliya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD