" FFRRREEEYYYAAA!!!" nang gagalaiting sigay ng isang tiwali sa kanya. Ang mga tiwali ay ang mga mortal na nagsisilbi sa mga may kapangyarihang opisyal sa Saliya.
Kasalukyan siyang nakaakyat sa isang puno.
" Sadhana wag kang mag-alala hindi ko ilalaglag ang aking sarili "
" Freya parang awa mo na bumaba ka na diyan at baka mahuli ka pa ng iyong ina siguradong mapaparusahan ka nanaman "
Umupo siya sa isang sanga at malungkot na tinitigan ito. Pinagmasdan niya ang mga kamay niyang nakabalot ng tela. Kaylan man ay hindi pinahintutan ng kanyang magulang ang sinuman na makita siya at ang kanyang mga kamay.
Walang sino man ang nakakaalam ng kanyang itsura.
Kinapa niya ang kanyang maskara. Isang bagay na nagsisilbing takip sa kanyang mukha.
" Sadhana, ikaw ba',y minsan ng nasilayan ang aking mukha " masayang tanong niya rito.
Dahil kahit siya ay hindi pa nasisilayan ang kanyang sariling kaanyuan.
" Isang malaking krimen ang makita ang iyong mukha Freya, walang sino man ang may karapatan "
Yumuko ito at nagbigay galang sa kanya.
Malungkot na bumaba siya sa puno at naglakad palapit rito.
" tama siguro sila Sadhana napakapangit siguro ng aking kaanyuan kaya kahit na ang aking mga magulang ay hindi ito maatim na makita "
Naluluhang tumingin ito sa kanya.
" nagkakamali ka Freya, napakaganda ng iyong wangis nakita ko na ang iyong anyo ng sanggol ka pa lamang, naroroon ako ng ika'y isilang "
" Ngunit bakit kaylangan nila akong itago na parang bilanggo, nasisilayan ko lamang ang aking mga magulang kapag ako'y nagkakamali at pinaparusahan, Sadhana hindi masaya ang aking buhay"
Nababakas niya ang awa sa mga mata nito at alam niyang parati iyong naroroon kahit noon pang bata siya.
" parating na ang iyong ina Freya ngayon ang iyong ikalabing walong kaarawan kaya kaylangan iyong ipagdiwang darating ang mahahalagang tao sa Saliya pati na ang pinuno ng Kaliya "
Tipid siyang napangiti alam naman niyang isa lamang sunod sunuran ang kanyang mga magulang at isa lamang palabas ang piging na magaganap.
" wag mo kong biruin Sadhana, alam ko namang hindi ako ang ipapakilala niyang anak "
" Freya "
" para sa kanya isa lamang ang kanyang anak Sadhana "
Lumakad siya papasok sa isang pintuan. Mula roon ay makikita mo ang isang bulwagan na sinisimulan ng ayusan.
" Alam mo bang sa aking panaginip ay nagkaroon ako ng isang magandang piging, napakaganda nito sa Sadhana, napapalibutan ang lahat ng mababangong bumalaklak at ang lahat ay nagagalak sa aking kaarawan "
Humarap siya sa kanyang tiwali at nakangiting tumingin rito.
" ikaw lamang ang pamilya ko sa lugar na ito Sadhana, ikaw at ikaw lamang ang nagiisang Saliya na nagbibigay ng malasakit sa akin, ngunit alam kong darating ang panahon na ako rin ay iyong iiwan "
Kitang kita niya ang pagbakas ng kalungkutan sa mga mata nito.
" Freya alam mong kahit kaylan, buhay ko man ang maging kapalit hinding hindi kita iiwan "
Kinuha nito ang kamay niya at hinawakan ng mahigpit at mula roon ay isang pangitain ang lumabas sa kanyang isipan.
Dugo punong puno ng dugo ang paligid, ang mga bulaklak ay nababahidan ng dugo, Sadhana kitang kita niya kung paano pinaslang ng kanyang kakambal ang kanyang tiwali, sa mismong harapan niya.
Minulat niya ang mga mata at tinignan ang paligid, lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso ng makita ang ayos ng bulwagan.
" Sadhana, kaylangan nating umalis sa lugar na ito "
" nagkaroon ka nanaman ba ng pangitain? "
Tumingin siya rito at hinaplos ang nag-aalala nitong mukha.
" huwag kang matakot Sadhana hindi ko hahayaang maganap ang aking pangitain "
May kakayahan siyang makita ang hinaharap, Sa papamagitan ng paghawak niya sa mga kamay ng mga immortal at mortal, nakikita niya ang kinabukasang kakaharapin ng mga ito at alam niyang mangyayari ang nasa kanyang pangitain.
Kitang kita man niya ang pagtataka sa mga mata ni Sadhaya ay kaagad nya itong hinatak papunta sa isang malawak na bakuran, mula roon ay makikitang nagkukumahog ang lahat sa pag-aayos ng mga disenyo para sa bulwagan.
Nang may mamataan siyang isang sasakyan. Ngayon nya palang nakita ang sasakyan na iyon at alam niyang pagmamay-ari iyon ng isang immortal.
Kaagad niyang hinatak si Sadhana at sabay silang nagtago sa sasakyang iyon.
Isa siguro sa bisita ng piging ang immortal na nagmamay-ari sa sasakyang ito.
Kaylangan lamang nilang manatili ni Sadhana sa sasakyang ito hanggat hindi pa natatapos ang piging.
" Freya anong binabalak mong gawin?" Nagaalalang tanong nito sa kanya.
" wag kang maingay Sadhana, dito ka lamang "
Tumayo siya at iniwan ito sa sasakyan.
Batid niyang walang sino man ang nakapansin sa kanilang dalawa. Dumating na rin ang ibang Saliya dala ang kanilang mga karwahe.
Nanatili lang siyang nagmamasid sa paligid ng may isang immortal ang humarang sa kanyang paningin.
" ikaw ba'y naliligaw?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Mabilis siya lumuhod at nagbigay pugay rito. Ang mga kagaya niyang Saliya ay walang karapatang tumingin sa mata ng isang kaliya o isang immortal.
" maari ka ng tumayo "
Inabot nito sa kanya ang kamay nito at kaagad naman niya itong inabot bilang tanda ng pagbibigay galang rito.
Napapikit siya at hindi niya mapigilan ang pagdagsa ng isang pangitain.
Isang napakagadang lugar ang kanyang nasaksihan at mula roon ay masayang naglalaro ang tatlong nilalang.
Napatingin siya sa batang babae na pakiramdam niya ay may sinasabi sa kanya.
Maya maya lang ay nagbago na ang tagpo. Isang babae ang nakahimlay sa bulwagan, unti unting nagmumulat ang mga mata nito at mula sa kanyang tabi ay nag-aabang ang dalawang nilalang. At alam niyang makapangyarihan ang mga ito.
Nanghihinang binitawan niya ang kamay ng estrangherong kaharap.
" matatapos na ang inyong paghihintay"
Hindi niya alam kung saan nagmula ang mga salitang iyon ngunit kusa nalang itong lumabas sa kanyang mga labi.
" Hindi ka isang Saliya " diretsong sambit nito sa kanya.
" nagkakamali ka mahal na Kaliya, ako ay isa lamang hamak na mortal na biniyayaan ng isang pambihirang kakayahan "
Kinuha nitong muli ang kanyang mga kamay at mula roon ay isang pangitaain nanaman ang lumabas. Bakit nakikita niya ang sariling kamatayan sa kinabukasan ng immortal na ito.
Mabilis niyang kinuha ang sariling kamay at kabastusan mang isiipin ngunit nilisan niya ang lugar na wala mang nabanggit na paggalang mula rito.
Nanghihinang tumakbo siya sa puno ng dalisay.
Sumandal siya roon at pilit na hinahabol ang sariling paghinga.
Kitang kita niya sa kanyang pangitain kung paano siya nalagutan ng hininga.
Kitang kita niya ang pagtarak ng punyal sa kanyang puso...