Chapter 50 “Bakit? Para saan?” tanong ni Gav sa akin nang ilapit niya ang mukha nito sa gilid ko. “Bakit ka aalis?” kunot nanaman ang kaniyang noo. “Met Gala, kailangan ako.” pinikit niya ang mga mata nito at agad na nasapo ang sariling noo. “Seriously? Alam mo ‘bang buhay mo ang nakasalalay dito?” taas kilay ni Yi sa akin, “Alam ko, pero hindi ako pwedeng hindi maging active. Lalo na ngayon na marami ang naghahanap sa akin.” sagot ko pa. “Rejanjo, order-an mo ng utak ang girl friend mo.” nagulat ako sa sinabi ni Rade kay Gav. “Hindi ko siya boy friend, hindi niya ako girl friend!” pagtatanggol ko. Ni hindi niya nga sinabi sa akin na kaming dalawa na. “What? Hindi pa ba halata?” hinawakan pa ako ni Gav sa aking braso. “Oo nga pala, may fiance siya.” natatawang bulong ni

