Chapter 49 “Nice.” nag-appear pa ang dalawang lalaki na ito. Si Rade at Yi, “Aalis na kami, kailangan pa namin asikasuhin ang mga pinapaayos mo,” tumayo na si Yi at tila pinagpag pa ang kaniyang suot na pantalon. Sumunod na rin si Rade sa kaniya. “Shore.” tawag sa akin ni Gav, ngunit isang taray ang ibinigay ko sa kaniya. “Ayokong magalit sa ‘yo, dahil una sa lahat ay tinulungan mo ako.” tinignan niya lamang ako nang may halong pagtataka, “You’re not gonna dr-” “Gav, si Danica.” inihilamos niya ang kaniyang mukha sa sarali nitong palad. “Shore, hindi ko nga fiance si Danica. Maayos na kaming nag-usap dalawa.” “Kung gano’n, bakit sinasabi ni Yi na hinahanap ni Danica ang fiance niya? Sabihin mo nga, Gav. Bakit ka nag-propose kay Danica? Dahil mahal mo siya?” “S

