Chapter 48 Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Rade. Kahit nu’ng umakyat na ako at nakita si Gav na hanggang ngayon ay may kausap pa rin sa kaniyang telepono. “Hanapin niyo lang, handa akong magbayad ng ilang milyon.” nanginginig ang tuhod ko. Hindi ako makapaniwala na gagawin sa akin iyon ni Duke. Mas lalong nanghina ang tuhod ko nang dahil sa akin ay nawala si Romi. May taong nasayang ang buhay, dahil sa akin. “Shore?” mabuti na lamang at nasalo ako ni Gav, nang mahulog ako sa sahig. “Wait, I’ll call you later.” saka niya ibinato ang telepono sa kama. “Shore?” tawag niya sa akin muli, ngunit umiyak na lamang ako sa kaniyang harapan. “Namatay si Romi? Namatay ang secretary ko, Gav?” pinikit niya ang kaniyang mga mata at tila nagmura, “Saan mo nalaman ‘yan?”

