Chapter 47 “Kakailangan natin ang tulong ng kakilala ko,” kakilala niya? Sino? “Kakilala mo? Safe ba ‘yan na hindi ‘yan spy?” tinarayan niya ako at agad na may tinawagan sa telepono. Hanggang ngayon ay para akong tanga na naniwala na walang signal dito, kaya hindi ako makakatawag. “Saindele, I need your help.” matapos niyang sabihin iyon ay agad naman siyang tumawa. “C’mon, its me.” tinignan ako ni Rade at itinuro. Hindi ko naman alam kung bakit niya pa ako kailangan ituro. “C’mon, Saindele. Pinsan ko lang ang nanakit sa ‘yo, hindi ako.” sino ba ang kausap niya? “I need pills.” saka siya humalakhak, para akong tanga na pinapanood na lamang siyang kausapin ang hindi ko kilala sa kaniyang telepono. “Athena? Who’s Athena? ‘Yung Guerrero?” kunot pa ang kaniyang noo, sunod n

