Chapter 95 “Actually, hindi na po kami magtatagal,” tila parang nagpapaalam na si Danica sa amin. Aalis na ba sila? “May kailangan pa po kasi kami asikasuhin,” tinignan ako ni Danica nang sabihin niya iyon. “Ayos lang ba sa ‘yo, Wensy?” sa akin ka pa talaga nagtanong, ha. Siguraduhin mo lang na hindi ka maiinis, kapag sumagot ako. “Nasa sa akin ba ang paa n’yong dalawa?” maarte ang tingin ko kay Gav ang ngumiti. “Aalis na kayo, Baby?” iniwas ni Gav ang kaniyang tingin sa akin. Halatang nagpipigil, mukhang may mali sa nangyayari at kailangan ko iyong malaman. “Wensy…” pigil sa akin ni Nathan. “Relax, Hon…” hawak ko sa kaniyang pisngi. Akala niyo ay kayo lang ang pwedeng maglaro? Pwes, pare-parehas tayong maglalaro rito. Kumunot rin ang noo sa akin ni Nathan. Halatang

