Chapter 96 “Anak! Ano ba iyan? Hindi mo pwedeng paiyakin nang ganiyan si Wensy!” tumutulo ang luha kong hawakan ang tyan ko. “Wensy, kumain ka na muna…” hawak niya pa sa aking kamay. “Hindi pwedeng hindi ka kumain, magugutom rin ang anak mo,” hahawakan na sana niya ang pisngi ko nang lumayo ako. “May alam ka rin po ba?” tanong ko sa kaniya sa harap ng hapagkainan. Si Nathan ay nakain lamang at hindi nakatingin sa akin. Parang kalmada na walang pakialam sa nangyayari. Nakuha niya pang maging ganiyan! “Sorry, Anak…” mas lalo akong naiyak. Hindi ko akalain na lahat pala nang pinagkakatiwalaan ko ay alam. “Bakit po? Wala naman po akong ginawang masama sa inyo. Wala naman po akong inaapakan na tao-” “Kakakain ka ba o papasabugin ko na ang bagay ng nanay mo sa Toronto?” nanlaki nanaman an

