Chapter 34 “Thank you,” bati niya sa isang lalaki na dumaan. Nang tignan ko iyon ay nanlaki rin ang mga mata ko nang mapagtanto kong si Boj iyon. Bakit siya narito? “Love..” nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon sa akin ni Duke. Ano’ng nila-love-love nito? Umupo siya sa tabi at agad na ngumiti sa dalawang kaharap. Inilagay niya sa likod ko ang kaniyang braso at inakbayan ako. “Sorry, I’m late..” gusto ko sanang alisin ang kamay niya, ngunit nang makita ko kung paano iyon tignan ni Gav ay umiwas siya agad ng tingin. “You are?” masayang tanong ni Danica kay Duke. “Duke Alfe.” nakipagkamayan si Duke kay Danica, “Ang gwapo mo.” tumaas agad ang aking kilay. Paano niya nasabi na gwapo si Duke? Kung mas gwapo naman si Gav! Hindi niya ba alam na seloso si Gav? “I know,

