Chapter 33 “H-ha? Hindi!” umiling ako, hindi iyon pwede! “Bakit naman? Sige na, Ms. Wensy..” pinagkiskis niya pa ang kaniyang dalawang palad at tila nagmamakaawa sa akin. “H-hindi kasi pwede, ano kasi..” wala na akong maisip na pwedeng sabihin! “Kasi-” “Sumama ka na,” isang utos ni Gav, kahit si Danica ay napatingin sa kaniya. “P-pero.. may ka-date siya?” kahit ako ay naguluhan sa tanong ni Danica kay Gav. Kanina lamang ay gusto niya akong sumama, ngunit ngayon ay parang ayaw niya na. “Hindi ba’t nagpa-reserve ka ng dalawa pang upuan?” “Oo.. baka kasi hindi pumayag si Ms. Wesny-” “Sumabay ka na sa amin kumain, Wensy. Isama mo na kung sino ang isasama mo.” napakagat ako ng labi, paano kung hindi pumayag si Duke? Ano na lang ang gagawin ko? Magsasakit-sakitan? Kunyari

