Chapter 32 “Port!” tawag ko sa kaniya nang makapasok ako sa Rejanjo C, ngunit agad na lamang siyang lumayo sa hindi ko alam na dahilan. Bakit naman siya lalayo sa akin? “Por-” “Ma’am! Good afternoon, ito na po ang mga kulang ko.” ibinigay niya sa akin ang isang folder. “Ma’am, ito na rin po ang akin.” naglapagan sila ng folder na agad kong pinagtaka. “T-teka? Para saan ‘to?” “Para raw hindi ka makaalis mamay-Ay! Ouch naman, Cles!” kinurot siya ng isa nitong kasama. “Ma’am, pinauutos kasi iyan ni Sir. Gav at need niya raw asap.” nahihiyang tumingin sa akin si Cles at hinila na ang kasama nitong babae. Buhat-buhat ko ang iilang folder na ibinigay nila sa akin. Parang kagabi lang ay may pa tanong-tanong pa siya sa akin, tapos ngayon ay gaganituhin niya ako? Anong klas

