Chapter 31 “Itigil mo nga ‘yan!” hampas ko kay Duke, hindi na kasi lagi maalis ang kaniyang tingin sa akin at naasiwa ako. Hindi ako sanay nang may nakagano’n sa akin. “Payat.” kumunot ang noo kong tumingin sa kaniya. “Sino ang sinasabihan mong payat? Ako?” “Bakit may iba pa ‘bang payat dito?” “Wala, pero excuse me.. hindi ako payat!” tila may pagkamaarte kong sambit. “I’m just.. sexy.” taray ko. Alam kong payat talaga ako, pero hindi na kailangan pang sabihin sa akin at ipagkalandakan na payat ako. “Mag-aasaran na lang ba kayo d’yan o magpa-practice tayo?” napalingon kaming dalawa ni Duke kay Boj na nakaupo na sa kaniyang trono at hawak-hawak ang drum stick nito. “Bilisan mo na.” tinulak niya nang hindi gaano kalakasan ang braso ko. “Ano naman ang gagawin ko? Ni h

