Chapter 30 “Port! Baka may mga kailangan pa na papel sa labas, para maisama ko na rito.” tawag ko kay Port sa telepono. Agad bumukas ang pinto. “Port-” nawala ang ngiti ko nang iba ang bumungad sa akin. Ang inaasahan kong si Port na kasama ang mga papel ay nagkamali ako. Kung hindi si Gav na may kunot noo’ng nakatingin sa akin. “What are doing here? Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag kang papasok?” agad-agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko. Malamig ang kamay niya, kaya’t napaangat ako ng tingin. “Ikaw ang may sakit, patingin nga ako!” ginantihan ko siya ng hawak sa noo. “See?” wala na siyang lagnat, hindi na rin siya inuubo. “See?” panggagaya niya sa akin, “See..” ngumiti lamang ako nang naiilang, ano ba ang pinagsasabi ko! “Paano kung lagnatin ka

