Chapter 24 “T-ngina!” sambit ko nang sumakit lalo ang ulo ko nang tignan ko ang computer screen. Hawak-hawak ko ang aking sintido, “Argh!” inisandal ko ang aking likod sa upuan ko, doon ko nakita na marami pang papel na kailangan kong I-check. Umalis na si Ma’am Rio, siguro ay tinambak niya talaga ang trabaho niya para sa akin. “O hindi naman kaya ay hindi niya talaga pinagawa, para sa akin mapunta!” sigaw ko, napahawak ako ulit sa sintido ko. Naiinis ako bigla, sinasadya niya talaga! “Ma’am? Ayos lang po kayo?” agad bumukas ang pinto, kaya’t napatingin ako doon. Isang lalaki na may salamin at nakasilip sa pinto. “Y-yeah, medyo masakit-” nahinto ko ang aking sasabihin, bakit kailangan ko pa sabihin iyon? “Wala, pasensiya na.” kumurap siya at agad tinignan ang mga pap

