Chapter 23 Napa-ubo ako nang kaunti, ramdam na ramdam ko na ang katawan kong parang unti-unting bumibigat. “Ma’am President? Sure ka ‘bang ayos ka lang?” itinaas ko ang aking kamay, “Tubig na lang, nasamid lang ako.” “May anak po ako at alam ko ang samid na ubo sa sakit na ubo.” umangat ang tingin ko sa kaniya nang may halong inis. “Opo na po.” yumuko ito at agad na umalis. Tinignan ko ang orasan nang mapansin kong dalawang oras na lamang ay kailangan ko nang pumunta pa sa R.C, dahil kung hindi ay kung anu-ano nanaman ang sasabihin ng lalaking iyon. Bumalik si Romi nang may dalang siyang tubig at gamot. “Baka naman ay trinangkaso ka, Ma’am. Uso ngayon ‘yan, dahil malamig at pabago-pabago ang panahon.” ngayon ko lang nalaman na may anak siya. Hindi naman kasi halata sa kaniya, para

