Chapter 4

1821 Words
Chapter 4   “Bakit ba kasi hindi mo na lang siya kalimutan? O hindi naman kaya ay mag-date ka ng iba!” wala pa rin ako sa katinuan, napapaisip pa rin ako sa mga nangyari sa amin noon.   Kasama ko na ngayon si Trix, ngunit hindi naman kami nag-bar. Kumain lang kami sa isang sikat na resto malapit lang sa Shore Corp. “Saka isa pa, maganda ka naman! Imossibleng walang nanliligaw sa ‘yo sa Paris? Marami ka nang napuntahan na lugar, duh!”   “Good evening, Ma’am. Can I take your order?” tanong sa amin ng isang babae, “Steak please, medium.” naningkit pa ang mga mata ni Trix, “Sa ‘yo? Ano sa ‘yo?”   “Just Pastini, please.” ibinaba ko ang menu, “Right away, Ma’am.” bago ito umalis.   “Wala naman akong pakialam sa kanila.”   “You’re still the Wensy I know, way back years ago. Still Gavin’s girl..”   “I’m not.” diin ko, nagkibit balikat lang siya, “Hindi iyon ang nakikita ko sa ‘yo, Wensy. C’mon! Two years is enough, hanap-hanap rin!” kahit pilitin niya pa ako ay hindi pa rin ako maglalandi. Hindi ko talaga kaya, dahil mahal ko pa rin si Gav.   “Oh, sh-t!” nanlaki ang mga mata ni Trix, “Wensy! Its Danica!” hinila niya pa ang braso ko, saka lihim na itinuro ang isang babae na kakapasok pa lamang sa resto.   Matangkad, maganda at mas maganda pa rin ako. Duh, I’m still the Wensy Shore Cervates! Kahit broken, maganda pa rin.   “And her friends! Akala ko ay kasama niya si Gav, kakabahan na sana ako sa ‘yo.” hindi mawala angtingin ko sa kaniya. Maraming dahilan para magustuhan siya ni Gav, kahit pa sabihin nila sa akin na masama ang ugali niya.   Well, lapitin naman talaga si Gav nang babaeng masasama ang ugali. Tignan mo ako, naging girl friend niya.   “Hindi naman na kailangan pang kabahan, nakaraan na iyon, Trix. Ikaw na ang nagsabi na matagal na iyo-”   “Pero hindi ka pa rin nakaka-move on, jusko naman, Wensy! Kilala naman kita, hindi ikaw iyong Wensy na nakilala ko noon.” hindi rin nagtagal nang dumating rin ang aming order, saka niya iyon inilapag sa aming mesa. “Thank you,” pagpapasalamat ko.   “Ang kilala kong Wensy, kukulitin niya si Gav.”   “Trix, hindi na ako ang Wensy na nakilala mo, years ago.” tinarayan niya lamang akong muli. “Halata naman, dahil naiwan sa ibang bansa ang utak mo.” kahit gusto ko na siyang sabunutan sa sinabi niya ay hinayaan ko na lang rin, ano pa nga ba ang magagawa ko. Pasalamat na lang ako at nariyan pa siya.   “Kulitin mo kaya si Gav? Malay mo naman, mahal ka pa niya.”   Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang may nagtilian sa likod namin. Kahit si Trix ay doon napunta ang atensyon niya. “Sandy, Will you marry me?” tanong ng lalaki, habang nakaluhod.   Nanikip ang aking dibdib. Ito talaga ang kahinaan ko, parang dinudurog ang puso ko.   “Wensy, please! don’t leave me! Look!” hinawakan niya ang aking braso ko, tumulo ang mga luha kong tignan siya. Hindi pwede, “Please, ‘wag mo naman akong iwan nang ganito.” kinikiskis niya pa ang kaniyang dalawang palad at agad na lumuhod.   “Please, marry me. Wensy, please! ‘Wag kang makipag-break sa akin.” tumulo ang kaniyang luha na mas lalong nagpasakit sa aking dibdib, hindi ko kayang tignan siyang ganiyan. “Please, Shore.. please, baby..” hinawakan niya ang kamay ko, ngunit nang makita ko ang kotse ng aking lola ay agad kong binitawan ang kaniyang mga kamay.   Saka ako umiling nang umiling.   “Sorry.. sorry, Gav.”  gusto kong magpakasal sa ‘yo, Gav. Ngunit hindi ko iyon masabi, naninikip ang aking dibdib na makita siyang umiiyak. “Wensy, please! Babaguhin ko sarili ko, ‘wag mo lang akong iwan! Please!” tumayo siya at mabilis akong niyakap, nanginginig ang mga labi ko.   Hindi ko kayang iwan ka, pero kailangan..   “I’m sorry, Gav.. pero h-hindi kita.. mahal.” kinalas ko ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Tumulo ang malakas na ulan nang maglakad ako papalayo sa kaniya, saka sumakay sa sasakyan ni lola.   Iniwan ko siyang luhaan sa ulanan.   “At ang sabi niya pa sa akin ay ang baho raw ng kili-kili ko! Wensy? Nakikinig ka ba?” kumurap-kurap ako, “Tulala ka nanaman! Ano ba ‘yan! Ano ba nangyayari sa ‘yo?”   “W-wala, sorry may naalala lang ako.” ito ang sakit ko, lagi na lang ganito. “Pero ayon na nga! Kung ako sa ‘yo ay kulitin mo siya. Kulitin mo si Gav, malay mo lang talaga at mahal ka pa rin niya.”   “May mahal na siyang iba, Trix.” pagtatama ko, ayokong umasa. Lalo na ngayon na alam ko naman na ang totoo, “Hindi biro ang mag-propose sa babae,”   “Bakit? Nag-propose rin naman siya sa ‘yo, ah! Hindi lang isang beses!” umiwas lamang ako ng tingin at nilingon ang fiance ni Gav na ang pangalan ay Danice, hindi kalayuan sa amin na masayang nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan. “Kaysa sa nagmumukmok ka d’yan, hindi mo na lang agawin.”   “Kung ikaw si Danica, satingin mo? Ano magiging pakiramdam? Babae ka rin, Trix. Kung ayaw mong gawin sa ‘yo ay ‘wag mong gawin sa iba.” natahimik siya sa sinabi ko, hindi ko sisirain ang relasyon nila.   Ang importante naman ngayon ay maayos na sila Gav. Angat na ang kanilang kumpanya, mas angat pa sa amin. Ako naman itong nalulugi.   “Fine, sorry! Ito naman, masyado ka namang mainit ang ulo!” humalakhak siya, habang ako ay napasinghap na lamang. “May binyag next week.”   “Uh? Kaninong anak?”   “Kay Vessai.”   “Oh my! Oo nga at nasabi na sa akin iyon ni Shone, pero ayaw niya akong isama sa Tagaytay.” hindi pa rin sila ayos? Sabagay, katulad ko lang rin naman si Shone, hindi rin maka-move on sa mahal niya.   “Nakakatampo kaya, minsan ay iniisip kong kaya ayaw niya akong isama ay para ma-solo ka.”   “Hindi ko nga sabi gusto si Shone.”   “Pero mahal ka pa rin niya Wensy, alam mo naman ‘yon.” ano ba ang gusto niyang gawin ko? Ang hindi ako sumama? Kahit kaibigan ko ang babaeng ito ay ang sarap niyang hambalusin ng hanger sa apdo. “Trix, hindi ako ang mag-a-adjust para sa inyong dalawa. May sariling buhay ako at ayokong madamay sa issue niyo.”   “Sorry, hindi naman iyon ang point ko. Mahal ko si Shone, pero mahal ka niya kahit ako ang fiance niya.” kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata, “Kahit umaasa ako na mamahalin niya ako, kaso parang ang hirap.”   “Trix, darating rin ang araw na gigising si Shone nang ikaw na ang mahal niya.”   “Nako, kahit nga nakuha niya na ang Veelatisa ko ay hindi niya pa rin ako mahal.” umawang ang labi ko, “Trix!? seryoso? Nakuha na ni Shone ang p********e mo?”   “Hinaan mo naman ang boses mo!” tumayo siya ng kaunti at tinakpan ang labi ko, “Kailangan mo pa talaga iparinig sa iba? Ano ka ba, ilang taon na kaming dalawa!”   “Kung gano’n ay mahal ka niya! Nakuha niya na ang p********e mo, Trix!”   “Actually..” kinamot niya ang kaniyang sintido, “Nagawa lang namin iyon, dahil lasing kaming dalawa.” pumikit ako ng  mariin, “Bakit mo ibinigay ang sarili mo? Ano ang sabi niya?”   “Wala, para ngang wala lang sa kaniya.”   “Kakausapin ko ‘yan, hindi ako papayag na ganyanin ka na lang niya!”   “’Wag! Ayoko, hayaan mo na kaming mag-usap para doon, hayaan mo na akong makipag-usap sa kaniya.” suminghap akong muli at tinuon na lamang ang aking pagkain.   Marami pa siyang nakwento sa akin, ilan na doon ay nu’ng umalis ako. Lagi raw nag-iinom si Gav sa bar, minsan nga raw nakipag-away at nakulong ng saglit na oras lamang.   Mabigat ang dibdib ko sa kaniyang mga kwenekwento, kahit masama ang loob ko ay wala na akong magagawa.   “Bathroom, wait lang.”   “Okay, go on!” tinaas niya ang kaniyang kamay, patuloy lamang siya sa pagkain. Hawak-hawak ko ang aking branded na bag patungong bathroom. Marami ang narito sa restong ito, hindi na ako magtataka dahil masarap naman talaga ang pagkain dito.   Nang matapos akong umihi ay lalabas na sana ako ng cubicle nang marinig ko ang isang boses.   “Yes, babe.. I love you too.” tss, akala niyo naman talaga ay may forever? Badtrip ako na lumabas, bitter talaga akong tao. “Tapusin lang namin ang dinner, then punta na ako d’yan sa condo mo. Bye, I love yo-” hindi niya iyon natapos nang makita niya ako sa tapat ng salamin.   Napunta siya sa condo ni Gav..   Syempre, fiance niya iyan! Nanghina ang tuhod ko, ngunit kailangan kong maging malakas. Maging masaya na lamang ako para sa kaniya, ngayon ay malago na ang business niya pati na rin ang sa pamilya niya.   Isa na siya sa mga tycoon dito sa Pinas.   “I gotta go,” ibinaba ni Danica ang kaniyang telepono. Naglakas loob akong maghugas ng kamay sa kaniyang tabi, kahit abot ang kaba nito sa aking dibdib. Ramdam ko ang mga titig nito sa akin.   “Wensy? Wensy, right?” nahinto ako sa paghugas ng kamay ko, kilala niya ako.. “Y-yeah! Sorry?” nagpanggap pa akong hindi ko siya kilala, “I-I’m sorry, medyo naging rude ako sa part na iyon.” tumawa siya, doon ko nalaman kung ano ang isa sa mga nagustuhan ni Gav sa kaniya.   Angelic smile..   “Danica, It’s my honour to meet the one and only S. Cervantes!” ang akala ko ay kilala niya ako, bilang ex ni Gav. Kinabahan ako doon, “Sorry, fan mo kasi ako. Natalo ako kasi last time at hindi nakuha ang Roxy evening gown,” ngumiti na lamang ako ng mapait sa kaniya.   “Sorry-”   “Oh, no! Hindi mo iyon kasalanan! But, pwede ‘bang ikaw na lang ang mag-design ng wedding gown ko? I do love your works! Fan mo ako!” saka niya ibinigay sa akin ang kaniyang calling card. Marami siyang sinabi sa akin, ngunit umikot lamang sa utak ko ang binanggit niya.   Kaya ko ba’ng gawan ng wedding gown ang fiance ng ex ko na hanggang ngayon ay mahal na mahal ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD