Chapter 5

1725 Words
Chapter 5   “Ayos lang ba sa ‘yo?” kumurap-kurap pa akong muli, seryoso ba siya? O hindi niya ako kilala? “Sorry, kung hindi ako dumaan sa tamang way para makausap ka about this.” kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata. “Kahit mahal pa ang halaga n’yan, basta ikaw ang gumawa.” o nanandya siya? Baka alam niya na ako ang ex ng kaniyang fiance.   Pagnalaman kong sinasadya mo ‘to, keltok ka talaga sa bones.   “A-ah.. sure!” sapilitan akong ngumiti, pera rin naman ito. Hindi naman gano’n kalaki ang shop na mayron ako, naroon ang ilang mga nagtatrabaho para sa akin at masasabi kong kahit paano ay maayos naman ako magpatakbo.   “Great! Sama ka muna sa akin? Ipapakilala kita sa friends ko, for sure ay makikilala ka nila! Ikaw ang nag-designed ng suot ni Clarestine Guerrero sa kaniyang wedding gown, right?” kumislap pa ang mga mata nito, kilala na ba talaga ako sa larangan ng fashion?   “O-oo, pero kasi iyon ay-”   “Oh god! Shore Cervantes, ikaw talaga ang magde-design ng gown ko!” pumalakpak pa siya. Nabigla ako nang yakapin niya ako, “Matutuwa ang fiance ko nito!” isa lang ang nakakasigurado ako, hindi niya nga ako kilala.   “Tara! Are you done na ba?” inglishera rin siya, tulad ko. Mas matangkad siya sa akin, walang heels ang suot niya pero pumantay kaming dalawa dahil may suot akong hindi naman masyadong mataas na heels.   Ibig sabihin ay totoong matangkad nga siya.   “P-pwede ‘bang magtanong? Model ka ba?” ipinasok niya ang kaniyang braso sa akin, “Yeah! Nakita mo na ba ako sa Luxios Runway? Nakita na kita doon, kaso hindi mo naman ako kilala.”   “You’re very gorgeous that day, honey..” napatitig na lamang ako sa kaniya.. honey..   “Ang galing ang asawa ko! Boy friend ko ‘yan!” turo ko kay Gavin nang maka-three points siya, “I love you, hon!” sigaw ko, mabilis niya akong kinindatan at agad tumakbo sa kabilang banda.     “Nako, kilig na kilig nanaman ang isa!” bangga sa akin ni Vessai, “Palibhasa ay hindi kasi maka-shoot ang boy friend mo!” turo ko kay Den na panay takbo lamang, “Hindi kasi nagbibigay ng bola ang boy friend mo.” pagtatama niya sa akin, “Hindi na iyon kasalanan ng gwapo kong boy friend, dahil laging sablay ang boy friend mo.”   “Alam mo, kung hindi lang kita kaibigan ay baka sinampal na kita ng kaliwa’t-kanan, hanggang sa kasuluk-sulukan ng bunbunan mo.” asar talo pa rin siya talaga hanggang ngayon.   Pumito ang referee, kaya naman mabilis akong pumanta sa kaniyang gawi.   “Water for my honey..” abot ko sa kaniya ng tubig na mineral. Inabot niya naman iyon at ininom, “Thank you, hon.” hinalikan niya ang noo ko, bago niya iyon inumin.   “Sorry!” nagulat ako nang may makabangga sa akin mula sa braso ko. Nahulog ang bag ko, dahil nadulas sa aking balikat. “Ayos lang..” kukunin ko na sana iyon nang may nauna na sa akin dumampot.   Kita ko ang isang pares ng sapatos na panglalaki, kaya naman nang iangat ko ang ulo ko ay gano’n na lamang nanlaki ang mga mata ko, nang matagpuan ko kung sino iyon.   “Babe!” may tumakbo sa gilid ko at niyakap ang taong nasa harapan ko. Kita ko ang kaniyang paninitig sa akin, tila wala na ang mga galit doon. Hindi ko na siya nakikitaan ng sakit, “Here.” abot niya sa akin, “T-thank you.” agad akong umiwas ng tingin.   Ang sakit sa dibdib.   Gustong tumulo ng mga luha ko, ngunit pinigilan ko iyon. Ano ang sasabihin niya kung makita niya akong lumuluha? Wala na iyong silbi, dahil may mahal na siyang iba.   “Babe, this is Wensy Cervantes! Sobrang nakakatuwa at nakasalubong ko siya dito mismo at pumayag siya na maging designer ng gown ko!” pumalakpak pa si Danica, muli siyang yumakap kay Gav.   Ang mga titig ni Gav ay nasa akin lamang, ngunit ako ay nakatingin lamang sa kaniyang dibdib. Hindi ko siya matignan sa kaniyang mga mata, hindi ko kaya.   “Tara! Come and join us-”   “No!” pigil ko sa kaniya, ayoko. “A-actually, may kasama ako.” turo ko mula sa aming mesa, ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang wala doon si Trix. Asan na ang babaeng iyon? “Huh? Asan?” kahit si Gav ay tinignan rin ang itinuro ko.   “Or may inaantay ka-” hindi niya iyon natuloy, “Shore!” napalingon kami sa gilid. Nanlaki ang mga mata ko, bakit ito narito? Siguro ay sinabihan siya ni Trix na narito kami, kaya napadaan. “S-shone..” tawag ko sa kaniya.   “Oh? Gav!” agad nakipag-manly hug si Shone kay Gav, nakatitig lamang ako sa kaniya. Ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob, dahil hindi na siya nakatingin sa akin.   “Siya ba ang inaantay mo, Wensy? Ang gwapo naman ng boy friend mo?” panunukso niya sa akin. Agad akong umiling, hindi naman iyon totoo, baka mamaya ay marinig pa ni Trix at magselos nanaman sa akin.   “Hindi-”   “Lets go? Shall we? Nice to meet you here, Man.” singit ni Gav, saka ito nagpaalam kay Shone. “You too, Man. See you around.” nagkatunguhan sila.   “Wensy, can I have your calling card, please?”   “Bien sûr!” ofcourse! Kahit pa meron sa akin dibdib ko ang ayaw ko ibigay. Sino ba naman ang gusto na mag-design ng wedding gown para sa fiance ng ex mo? At hindi mahal na mahal mo pa rin hanggang ngayon.   “Sorry?” tila hindi niya naintindihan ang sinabi ko sa lengwahe ng french. “I-I mean, Ofcourse! J’maimerais bein..” I would love to, matipid akong ngumiti sa kaniya at ibinigay ang isang papel.   “Merci beaucoup..” thank you so much, tila nagulat ako nang marunong rin pala siyang magsalita nang alam kong lengwahe. “Oh! That’s the only word I know, baka kasi ay kausapin mo na ako ng french,” humalakhak siya at kumaway sa akin, mabilis siyang humawak sa braso ni Gav at bumalik sa kanilang upuan.   “So, kumusta ang pag-move on?” nagulat ako agad nang makita ko si Shone sa tabi ko, “Asan si Trix? Hindi ko makita?”   “Banyo.” turo niya sa aking pinuntahan kanina, “Bakit ka nandito?” sunod kong tanong sa kaniya, kaya naman nang makaupo ako ay umupo rin siya sa tabi ko. “Shone..” pumikit ang mga mata ko, “Layo.” utos ko sa kaniya at itinuro ang katabing upuan ni Trix.   “Akala mo naman siya pa rin ang crush ko! Hindi na ‘no,” umurong siya at hindi na tumabi sa akin, “Dapat lang at ikakasal ka na sa iba.”   “Paano kung ayaw ko?”   “Edi ‘wag.” nabigla kami nang may magsalita sa likod, “Trix..” tawag ko sa kaniya, ako ang kinakabahan sa kanilang dalawa. Baka mamaya ay dahil sa akin, kaya sila maghiwalay at mag-away.   “Bakit ka ba narito? Hindi ko naman sinabi sa ‘yo kung nasan ako.” iritang upo ni Trix sa kaniyang upuan. “Napadaan ako, bakit ba.”   “Tss, napadaan.” dahil sa inis ni Trix kay Shone ay pinapaalis niya na rin ito. “Next week na ang binyag, ano ang ireregalo mo?” tumingin sila sa aking dalawa, wala pa akong ireregalo, hindi ko rin naman alam kung ano.   “Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig sa bata.” pero gusto kong manakot ng bata, “Hindi ko alam kung lupa ba ang ibibigay ko o cash na lang.” kumunot ang noo ko, napakayaman mo talaga, Shone!   “Ang yabang mo, Shone. Aanhin ng bata ang lupa?”   “Ano ba’ng pakialam mo? Ikaw ba magbibigay? Ano gusto mo? Pera? Mayaman ang magulang no’n.” nagtatalo silang dalawa sa harap ng pagkain, hindi na lamang ako nakinig sa kanilang dalawa at kumain na lamang mag-isa.    Baka kasi bukas pa akong matapos kumain, kung aantayin ko silang dalawa.   “Oh? Tapos ka na agad? Ang bilis mo naman?” turo ni Trix sa akin, lumingin ako sa aking likod. Alam kong naroon sila Gav, kahit masakit sa dibdib ko ay pinilit kong silipin sila.   Gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin, habang naka-akbay sa kaniyang fiance na si Danica at nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito.   Tila dinurog ang puso ko, saan pa ba ako lulugar?   “I need to go, kailangan ko lang talaga ayusin pa ang mga gagawin ko.”   “That fast? Teka, saan ka ba?”   “Kumuha ako ng bagong condo. I can’t sleep with that damn house, ako lang mag-isa.” hindi sa natatakot ako, wala akong makitang view. Gusto ko iyong may nakikita ako na maraming ilaw, para naman kahit paano ay malibang ako.   “Gusto mo, doon ka na lang sa condo ko. Wala namang nakatira-”   “No, okay na. Nabayaran ko na kasi,” alam ko, baon na nga kami sa utang, nagawa ko pang bumili ng condo. Pero baka mabaliw lang ako sa bahay kung doon pa ako titira. “Aalis ka na talaga? Iiwan mo ako sa lalaking ito?”   “Nakuha na nga niya ang tahong mo, ngayon ka pa nag-inarte?” suminghap na lamang ako at kinuha ang aking bag. “I really need to go, sorry.”   “Take care..” tumungo ako at ngumiti, “G-gusto mong ihatid kita?”   “Gusto mo ‘bang ihatid na kita sa impyerno, Shone?”   “We’re friends, right? Last time na binusted mo ako ay sabi mo mag-best friend na tayo.” gano’n naman talaga kapag naba-busted mo ang isang tao na nanliligaw sa ‘yo, magiging best friend mo.   “Ugh! Ayoko nang paulit-ulit, Shone. I can handle myself, remember? Ako si Wensy..”   “Yeah, iyong last time na tinignan kita ay muntikan ka nang mamatay.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD