Chapter 19

1489 Words
Chapter 19      Kita ko ang pagdilim ng kaniyang mga mata, lalo na nu’ng tumingin siya sa nakaluhod hanggang ngayon na si Duke. Alam ko na ang tingin na ganiyan, noon pa man kapag may lalaking nalapit sa akin ay ganiyan ang mga tingin niya.   Automatic na nagsitayuan ang mga balahibo ko, hinila ko kaagad ang braso ni Duke.   “Tumayo! Tayo!” hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Basta ang kailangan niya lamang ay tumayo at umalis. “Sagutin mo muna ang tanong ko, will you-”   “Pag-iisipan ko!” sigaw ko, habang nakatingin kay Gav. Kita ko rin ang mga mata ni Romi na tinitignan maiigi si Duke at ako. “Nice, kailangan ko ng sagot mo bukas. Kung hindi kukulitin kita.” pinagpag niya ang kaniyang tuhod nang tumayo siya.   Saka niya inilapag ang singsing sa mesa ko, “Suotin mo na lang ‘yan kung ‘oo ang sagot mo.” ginulo niya ang buhok ko. Ang mga mata ni Gav ay nakatingin sa singsing na inilapag ni Duke sa mesa ko. “Aalis na ‘ko, Buttercup. Hihintayin ko ang sagot mo, ‘yan lang naman ang pinunta ko dito.” nang sabihin niya iyon ay agad siyang tumayo at maglakad.   Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad, ngunit agad huminto nang ang kaniyang balikat ay katapat na rin ng balikat ni Gav.   Agad niyang nilingon si Gav, “Tss..” isang ngisi ang ibinigay ni Duke. Kita ko ang hikaw nito sa kaniyang tainga at unti-unti siyang nilingon ni Gav.   Tinaasan niya lamang ito ng kilay. Muling ipinasok ni Duke ang kaniyang kamay sa bulsa nito, bago tuluyang makaalis sa opisina ko.   “T-tuloy na po kayo, Sir.” napalunok na lamang akong tignan si Gav na papalapit sa mesa ko. Nang umupo siya sa harap ko ay agad itong dume-kwatro. Isinara ni Romi ang pinto, kaya’t kaming dalawa ang naiwan sa loob.   “A-ano ang kailangan mo, G-gav?”   “I want my money back.”   “Alam mong nalulugi ang Shore Corp! Baka naman pwedeng bigyan mo muna ako ng palugit..” humina ang boses ko, kung dati ay nami-miss ko siya, ngayon naman ay naiinis na ako sa kaniya. Ganito na ba siya kasama? “Business is business, Ms. Cervantes.” natikom ko ang aking bibig.   Parehas sila nang sinabi ni Mrs. Ferrer.   “Kung hindi ka papayag sa gusto gusto ko ay mapipilitan akong kunin sa ‘yo ang Shore Corp. Papalitan ko na lamang ng pangalan-”   “Gav!”   “Yes, Ms. Cervantes.” ang kaniyang hinlalaki ay itinama nito sa kaniyang labi. “P-pwede ba? Hindi muna sa ngayon. Alam mo naman ang nangyayari sa business ni Mommy.”   “That’s not my problem, Ms. Cervantes. Hindi ko kasalanan kung malulugi na ang business na ‘to.” nagtiim bagang ako, kung hindi dahil sa kumpanya na ito ay hindi sila makakabangon ulit! “Wala ka ‘bang utang na loob kay Mommy! Dahil sa kumpanya na ito, kaya nakabangon muli ang Rejanjo C!” hinampas ko ang aking mesa sa galit.   “Hindi ko hiniling na tulungan kami ng Shore Corp. Ang Mommy mo ang kusang tumulong sa amin at hindi namin tatanawin na utang na loob ‘yon.” mas lalong nandilim ang mata ko sa kaniya, “Nagbayad kami ng malaki para sa Shore Corp. Nag-invest kami at ngayon? Asan napunta ang pera na iyon?”   Dahan-dahan akong napaupo sa aking upuan.   Tama nga naman siya, hindi lalago ang Shore Corp kung hindi dahil sa Rejanjo at Shin. Kaya’t may karapatan rin sila sa business na ito.   “Hindi ko pa maibibigay ang perang hinihingi mo.. d-dahil wala pa akong  gano’n kalaki na pera.”   “Then lets make a deal.”   “What deal?” mukhang bibigyan niya rin ako ng palugit, tulad ng ginawa ni Mrs. Ferrer. “Paper and pen, please.” agad kong sinunod ang kaniyang gusto. Ano ba ang nasaisip niya at kailangan niya pa ng papel at ballpen?   “Here’s the pen.” nang iabot ko sa kaniya ang pen. Agad niyang kinuha ang papel na iyong contract ko kay Duke. Kaya naman agad ko iyong kinuha, “No! ‘Wag ‘to! Wait, kukuhaan kita.” inilibot ko ang mesa ko, kung mayron ‘bang papel.   “Saglit lang,” tumayo ako at agad na tinignan ang nasa gilid na drawer, baka makakita ako doon ng bond paper. Kaya naman nang makahanap ako ay agad ko iyong ibinigay sa kaniya. “Aanhin mo ba ‘yan?” inilapit niya ang upuan at agad na may isinulat sa papel.   Kinuha ko ang contract ko kay Duke, saka ko tinignan ang singsing na kaniyang inilapag sa mesa. Ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang wala akong makitang singsing sa mesa.   Tinignan ko sa ibaba, baka nahulog ko lang ngunit wala talaga akong makita! Asan na iyon! Kumalabog ang aking dibdib, mahal ang singsing na iyon!   “What are you looking for?” tanong niya sa akin, ngunit nakaluhod pa rin ako at nasa ilalim ng aking lamesa. Tila hinahanap kung nasaan ang singsing na iyon. “May nakita ka ‘bang singsing? Iyong diamond?”   “Wala.” matipid niyang sagot, “Asan na kaya ‘yon?” nang makaupo ako. Saan ko naman kaya iyon nailagay? “Here.” tumunog ang ballpen sa mesa ko nang ilapag niya iyon.   Hindi pa rin mawala sa aking mukha ang pag-iisip, kung nasaan na nga ba ang ang singsing na iyon.   “Ano ‘to?” nang kunin ko ang papel, saka ko iyon tinignan. “A contract? For what?”   “Basahin mo.” pinagtuunan ko ng pansin ang nakasulat doon. Halos manlaki ang mga mata ko nang mabasa ko iyon. Work under Rejanjo C? “What!?” asar kong tanong, “What do you mean, na magtatrabaho ako sa Rejanjo C?” inilapag ko ang papel, ano nanaman ba ito, Gav?   “Take it or leave it? Don’t waste my time, Ms. Cervantes. Babayaran mo ‘ko ngayon ng perang hinihingi ko o magtatrabaho ka sa Rejanjo C?” umikot ang aking paningin. Ano ba itong nangyayari sa akin?   Sobrang malas ko naman na!   “What!?” sigaw ni Vessai sa akin mula sa telepono. Ngayon ay nasa condo na ako, tulala at mukhang tanga. “Bakit ka magtatrabaho sa R.C?” napataray na lamang ako, kakasabi ko lang sa kaniya kung bakit. Ngayon ay tinatanong niya nanaman ako, kung bakit.   “Sai, kakasabi ko lang, ‘di ba? Hindi ko kayang bayaran ang hinihingi niyang pera..” ikinalma ko ang aking sarili. Dati ay gabi-gabi akong naiiyak sa kakaisip sa kaniya, ngayon naman ay gabi-gabi na ata akong mumurahin siya.   “B-but? Hindi ka ba mahihirapan n’yan? May trabaho ka na nga sa Shore Corp! Hindi biro ang maging president! Plus, paano ‘yung works mo sa France? Business mo? Tapos ngayon ay magtatrabaho ka pa?”   “Kailangan ko, Sai. At hindi lang naman iyan ang magiging trabaho ko. Vocalist ako ng isang banda, hays.”   “Oh, Hell! Wensy, ano ba ang ginagawa mo? Ano ba ang mga desisyon na pinaggagawa mo!?”   “Kailangan ko rin! Dahil nawala ko ‘yung singsing! Kanina pa ako naghahanap sa office! Tinanong ko si Duke, pero sabi niya ay iniwan niya raw iyon sa office at nakita ko pa iyon bago siya umalis!”   “So, sino ang kukuha no’n?”   “Hindi ko alam, hindi naman iyon nanakawin ni Gav. Wala naman iyong pakialam sa singsing. Kaya niyang bumili ng lima pang gano’n para sa fiance niya.”   “Ano? Naandoon si Gav? Babe! Naroon daw si Gav, kanina!” sigaw niya sa kung saan. Siguro ay tinatawag niya si Den, “Makakapunta ka naman bukas, ‘di ba?” humalakhak ako, syempre naman!   “Nakahanda na kaya ang regalo ko, syempre pupunta ako!” tawa ko pa, “Mabuti naman, nu’ng kasal ko ay wala ka. Kaya kahit man lang sa binyag ni Rise ay makapunta ka. Bumawi ka sa ‘kin, t-ngina mo!” hindi ko na talaga mapigilang matawa, dahil sa sobrang lutong niyang magmura.   “Oo na nga! Tutuloy naman ako! Sige na, mag-aayos lang ako nang susuotin ko bukas-”   “Wens, ako ang nanay. ‘Wag kang agaw eksena bukas, ha? At hindi ikaw ang bibinyagan! Kung mayron mang bongga bukas, dapat ako ‘yon at si Rise.”   “Oo na, mag-dress na lang ako.” ilang usapin pa ang naganap, bago ko ibaba ang telepono. Ngayon ay napaisip ako, paano na ako? Makakapagpahinga pa ba ako? Paano na ang Shore Corp?   Paano ko hahatiin ang katawan ko sa apat na trabaho? Vocalist? Ceo? Designer? At magtrabaho sa R.C!? Paano!?                 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD