Chapter 7
“Wow!” namangha ako nang makita ko ang kabuuan ng taal, hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinakamagandang tanawin para sa akin.
“Gav! Look!” tinuro ko ang skyranch, kita ko kasi mula dito sa park ang isang malaking ferris wheel, “Nakasakay na tayo d’yan noon.” ang mga kamay niya ang nakatago sa loob ng bulsa nito. Naka dress lamang ako ng off shoulder. Ngayon kasi ay anniversary naming dalawa, kaya binalak naming dalawa na maggala.
Actually.. pinilit ko siya.
“Ang ganda! Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ito nang malapitan.”
“Mas maganda ka.” tumibok ang puso ko nang sobrang bilis. Parang may kung ano sa dibdib ko ang hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang sinabi, “Pero mas maganda pa rin syempre ang taal.” turo niya, inilabas niya pa ang kaniyang kamay sa bulsa nito at tinuro ang likod ko.
Wow, ah!
“Salamat.” hindi pa rin siya nagbabago, pero sa loob ng isang taon naming dalawa? Mas lalo kaming naging malapit, lagi kaming magkasama. “You’re gorgeous, hon..” hinawakan niya ang bewang ko at tila niyakap ako sa kaniyang tagiliran nang ibulong niya iyon sa akin.
Nanlambot agad ang aking dibdib, bakit ba ganito siya kung magpakilig sa akin?
“I love you.” ngumiti lamang siya at agad dinampian ang aking labi, “Mas mahal kita.”
“I love you, pero wala nang ‘but you love her.” dahil ako na ang mahal mo, ako naman talaga ang mahal mo. Noon kasi ay nahirapan pa ako ng todo, makuha lamang ang atensyon niya. Mabuti na lang ngayon ay hindi na ako gano’n, dahil kusa niya nang ibinibigay ang kaniyang oras at atensyon sa akin.
“Ikaw lang naman talaga.”
“Weh? Kaya pala nagka-girl friend ka dat-”
“Kayong mga babae, hindi ko alam kung bakit ang hilig niyong ibalik ang nakaraan.” ngumuso na lamang ako, hindi nanaman ako mananalo sa kaniya. Kahit naman sabihin ko na naalala ko pa rin at hindi ko makalimutan ay may isasagot pa rin siya sa akin, kesyo ‘Nakaraan na iyon, ‘Hindi ka pa rin naka-move on? Mga gano’n..
Narito kami ngayon sa isang hotel. Pricey but satisfying, sobrang ganda naman kasi ng hotel na ito. Lalo na ‘yong view? Grabe, so breathtaking!
Hinawakan ko ang bakal, saka ko tinignan ang kabuuan ng taal.
“Bakit ang liit ng taal? Kumpara sa ibang buklan?”
“Shore, walang basagan ng trip kung gusto niya’ng maging maliit.” bakit ba wala akong makuha na matinong sagot sa kaniya? “Ang angas niya kaya, taal lang ang nakita kong bulkan na maliit at active.”
“Parang tao lang rin naman ang mga bulkan, kahit maliit ay attractive. Iilan ang magkakapareha, lahat sila matataas, pero kahit maliit man sila o hindi. Bulkan pa rin sila, kung matatawag.” niyakap niya ako mula sa aking likod, parehas kaming nakatingin sa bulkan.
“Katulad lang natin sila. Matangkad man tayo o hindi, mayaman o hindi, maganda o hindi maganda. Pantay-pantay lang tayo, dahil tao lang tayo. Mabilis masaktan, napupuno at sumasabog.”
“Ikaw nga sinabugan mo ‘ko sa dibdib.” namula ang mukha ko nang maalala ko nanaman ang unang araw ng aming pagtatalik. “Gagawin ko sa ‘yo mamaya, pero may magic ako.” iniharap niya sa akin ang kaniyang kamay, habang nakatalikod ito sa akin.
“Ano ‘yan-”
“Hipan mo.” nakayukom kasi iyon, ngunit parang iba ang nasa isip ko. “Ikaw ang bastos mo.” paano ba naman kasi ay nakatutok sa aking bibig ang kaniyang kamay na nakayukom. “Ikaw ang bastos, ikaw ang madumi ang isip. Hipan mo na.”
“Fine! Fine! Ito na.” hinipan ko ang kaniyang kamay, ngunit nang ibuka niya ang kamay nito ay may bumagsak na isang kwintas..
Hindi ako makapagsalita, parang may bara sa aking lalamunan na kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko magawa.
Napakaganda niya..
“S-sa sa akin ‘yan?” unti-unting namumuo ang aking luha, hindi ko naman ito inaasahan. Ayos lang naman sa akin ang makasama siya, pero binigyan niya pa ako ng ganito. “Happy anniversary, my cookieshore.” doon nang tumulo ang luha ko, kitang-kita ko ang isang butterfly na pink sa pendant.
“Oh.. gusto ko ang pink.” kahit hawak-hawak niya pa rin iyon ay inilagay ko siya sa aking palad. Doon ko mas nakita ang kagandahan ng kwintas, “I love you, Gav! I love you so much! My gavybear!” hinalikan ko ang kaniyang labi, saka niya sa akin iyon isinuot.
“I love you too, Shore.” halik niya pang muli sa aking sintido nang maisuot niya na iyon sa akin.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata nang marinig ko ang isang nakakabulabog na tuno. Kahit antok na antok pa ako ay kinuha ko ang aking cellphone sa gilid.
“Office? Para saan?” malat pa ang boses ko, sinagot ko na lamang iyon. “What?” kalmado, ngunit pagod kong tanong, “Ma’am President, marami na po ang nagtatanong sa akin na employees, kung kailan po ba ibibigay ang sahod nila? Isang buwan na po silang hindi mapapasahuran, kung hindi po natin ibibigay iyon ngayon.” umagang-umaga ay nainit agad ang ulo ko.
“I’ll be there, hayaan mo akong kausapin sila. Maglalabas ako ng pera, mag-aalis na rin tayo ng iba.” hindi na kakayanin ng pera ng kumpanya, kung marami pa rin ang papasahuran. Lalo na ngayon na hindi lang naman pala si mommy ang may ari nito.
Maraming shareholder, stockholders ang Shore Corp. Nakakahiya naman na malaman nilang ganito na kalugi ang kumpanya na pinaglaanan nila ng pera. Asan ba kasi ang lalaking iyon!
Makita ko lang ang hayop na ‘yon talaga!
Mabilis akong naligo, hindi na ako nag-almusal pa. Hindi na rin naman ako makakapag-almusal at mag-chill, kung ngayon ay marami na ang nagwawala sa kumpanya ni mommy.
Paspasang ligo lamang ang ginawa ko, pero bumabawi ako sa suot kong damit.
Maglalabas ako ng pera, mula sa naipon ko. Kailangan kong ibenta ang unit ko sa Paris, para mapagtustusan ko ang kulang na pera sa kumpanya.
“Merde!” f-ck! Buwelta ko nang maisip kong saan ako titira kung ibebenta ko iyon. Siguro naman ay may paraan pa naman para dito. Ang problema ay kung kunin nila ang pera nila, iyon ang mahirap.
Madali akong bumaba, kahit natulo pa ang buhok ko. Wala na akong oras para mag-blower.
Agad nakuha ng atensyon ko ang isang kotse na hindi kalayuan sa kotse ko, GLJ? Iyon ang nakasulat sa gulong nito, parang may kapareha siya. Hindi ko na iyon pinansin nang sumakay na ako at agad-agad na pumunta sa office.
“Ma’am President, balak na raw po nilang mag-rally kung hindi niyo pa rin daw sila papasahuran!” natatakot pa ang kaniyang itsura nang makarating ako sa ibaba. “Mapapasahuran sila mamaya, don’t worry.” ngumiti ako, hawak-hawak niya ang kaniyang papel at niyayakap ito.
Siya ang pumindot sa kung saan kami patungo, “Ma’am, saan po tayo kukuha ng pera? Pasensiya na po, nakita ko po kasi ang SOA ng company, hindi po kaya ay mas lalong ma-down ang company?”
“Sa pera ko kukunin ang sahod nila,” nanlaki ang kaniyang mga mata, “Pwede pa naman po natin I-adjust, baka pwede silang mapakiusapan-”
“May mga pinapakain silang pamilya. May mga pinapaaral at binabayaran na bills, hindi mo mapapakiusapan ang tyan, kapag kumakalam.” paliwanag ko sa kaniya, hindi magandang hindi pasahuran ang mga nagtatrabaho ng tapat para sa kumpanya na ito.
“Malaki po ang mailalabas mo na pera, Ma’am President, kaya mo po ba iyon?” bakit ba ang kulit niya? Iyong tipong wala ka na ngang masyadong tulog, sinira pa ang tulog mo, tapos ganito pa ang kakulit ang secretary mo. Nang makapasok kami sa loob ng office ay parang sumakit ang katawan ko, mabuti na lang at hindi si mommy ang narito.
Baka mamaya ay mas lalo pa iyong ma-stress, hindi niya kaya ang hirap ng gawain dito.
“May kailangan pa po ba kayo?” sunod niyang tanong sa akin, “Just coffee, please.” itinaas ko ang aking kamay at tila pinaalis na lamang ito. Hinawakan ko ang aking kwintas na suot.
Ito na lang ang nakakapagbigay sa akin ng lakas. Ilang taon na ang nakalipas, ngunit sa tuwing hinahawak ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin nu’ng anniversary namin noon ay parang nagkakaroon ako ng lakas.
“I love you so much, my cookieshore.” inaalala ko na lamang sa isip ko ang sinabi niya, “I love you, Gav.” bulong ko sa aking sarili.
Kumatok ang pintuan, siguro ay iyong kape ko na. Ngunit nang bumukas iyon ay hindi kape at ang secretary ko ang dumating.
“Jacob!” agad akong napatayo, “Ma’am President, sorry! Hindi ko naman po siya gusto pang papasukin, ngunit makulit siya talaga.. at gwapo.” hingal na hingal na sabi ng aking secretary, “N-no! It’s okay, kilala ko siya.” turo ko kay Jacob na ngayon ay iniayos ang kaniyang suot na polo.
“I-ito na po ang kape niyo, Ma’am President.” inilapag niya ang kape sa aking mesa, “Pakidalhan na rin ang kasama ko, Merci beaucoup..” thank you so much.. naningkit ang kaniyang mga mata, siguro ay hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
“Thank you so much.” pag-translate ko sa kaniya. Umawang ang kaniyang labi at tumungo, “Welcome po, Ma’am P!”
“Ang ingay ng secretary mo.” turo ni Jacob, nang makaalis ang babae kong secretary. “Hindi ko nga rin alam kung bakit siya maingay,” humalakhak ako.
“Nagbago na talaga ikaw, Wensy.” unti-unting nawala ang aking ngiti, “Ano ang kailangan mo, Cob? Bakit ka narito?” umupo siya sa tapat ng mesa ko, saka niya isinandal ang siko nito sa gilid ng mesa ko.
“Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam?” tanong niya sa akin, wala siyang alam, dahil hindi ko naman sinabi.