Chapter 53 “Hey?” umangat ang tingin ko kay Gav at lumingon rin siya sa tinitignan ko. “Bakit? Sino ‘yon?” kumurap-kurap ako at umiling. “W-wala, namamalik-mata lang ako.” baka kamukha niya lang iyon, Shore. Nakarating kami sa building na kaniyang binili, hindi ko alam kung para saan niya ba ito binili. Hindi ako mapakali sa paglingon. “Ayos ka lang ba? Ano ba ang mayroon at lingon ka nang lingon?” ngumiti lamang ako sa kaniya, “Wala, imposible ang nakita ko. Siguro dahil hindi pa ako nakakatulog.” kumunot ang kaniyang noo. Saka siya tumango at idinala ako sa loob. May mga nagbabantay na doon na mga naka itim na lalaki. Marami sila kung tutuusin. “We’re still not safe, kaya kailangan natin ng tauhan dito.” hinayaan ko na lamang siya. Ngunit ang laba sa dibdib

