Chapter 52 “T-teka? Paano ang Rejanjo C? Ang Shore Corp?” tanong ko kay Gav, habang inaayos niya ang buhok nitong medyo magulo. Sabay no’n ay ibinaba ng babae ang aming breakfast. “Ma’am, Sir. Ready na po ang breakfast niyo.” naningkit ang mga mata ko, hindi naman siya sa akin nakatingin. “Hon!” sigaw ko. Nagulat si Gav na tumingin sa akin na medyo nanlalaki pa ang mga mata. “Kailan ang kasal?” “K-kasal?” sumagot ka na lang! “Kailan ang kasal natin.” may diin kong sambit, sumagot ka na lang kahit hindi mo alam kung kailan! “You want us to get married-” “Nag-propose ka sa akin, remember? What the hell, Gav! Hindi mo na ba ako mahal?” nag-drama pa ako, kumurap-kurap siyang tignan ako at agad na hinagkan ako ng yakap. “Of couse, I love you! Magpapakasal na tayo,” kaya

