Chapter 15
“How can he do that!?” sigaw kong tanong mula kay Jacob na ngayon ay nasa office ko. “Relax, kung kaya lang kitang tulungan. Nagawa ko na.” sinasabunutan ko ang aking buhok sa inis.
“But you know, you can’t! Alam mo naman ang ginawa ko noon, ‘di ba? Panigurado akong hindi magugustuhan ng Mommy at Daddy mo, kung tutulungan mo ako.”
“Exactly my point.” turo niya sa akin.
“Dammit! Alam naman niyang ganito na ang nangyayari sa business, nakuha niya pang kunin!” gusto ko na siyang puntahan at sampalin sa mukha, kahit mahal ko siya ay naiinis ako sa kaniyang ginawa. “Wens, business is business.”
“Business my ass, parang hindi naman niya ako naging kaibigan.”
“Naging ka-ibigan pa,” nahinto ako sa pagsasalita, matalas na tingin ang pinamalas ko kay Jacob, kaya naman siya hindi na nagsalita pa. “Wala na tayong magagawa, maliban na lamang kung kakausapin mo pa siya na mag-invest muli.” umiling ako, hindi niya na iyon gagawin.
“He will never gonna do that! Maybe he’s still angry at me! Maybe he want me to suffer from what I did years ago!?” nahihirapan akong mag-isip nang kung ano ang gagawin ko, lalo na ngayon na wala namang makikinig sa akin, kung hindi ang may alam lang sa nangyari. Mabuti na lang talaga at pumunta si Jacob, para raw samahan ko siya.
“Kung sana sinabi mo lang sa kaniya ang nangyari years ago, edi sana hindi ka nahihirapan ngayon.”
“I can’t and you know that!”
“Dahil magagalit ang Lola mo? C’mon, Wensy! She’s dead.” tumaray na lang ako, “Hindi na magbabago ang desisyon niya. What’s the point, Cob? Ikakasal na siya sa iba!” nagkibit balikat lamang siya, siguro ay nakuha niya ang punto ko.
“Kung alam niya lang ang nangyari, satingin mo?”
“Ilalayo ko pa rin siya sa akin. Ayokong mawalan ng kabuhayan ang pamilya nila nang dahil lang sa pagmamahalan naming dalawa.” tumingin na lamang siya nang tila para ‘bang wala na siyang magagawa pa sa desisyon ko.
“So, do you mind? Pwede mo na ba akong samahan bumili?” tumaray na lamang ako at ngumiwi, “Fine.”
Sumakay kami sa kaniyang kotse, “Now, you can afford to buy this luxury car, nang hindi ka nahihirapan gastusin ang pera mo?”
“Thanks to you, binalik nila ang card ko.”
“Don’t thank me, siguro ay hindi nila talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig.”
“Cheesy..” biro niya sa akin, “’Wag kang magsalita nang parang hindi ka pa nai-in love, Cob.” turo ko sa kaniya, “Years ago, you was just crying to a girl who can’t loved you back.”
“That’s enough,”
“See? Hanggang ngayon pikunin ka pa rin.” rinig na rinig ko ang kaniyang pagbuntonghininga, “Sa tingin mo? Kasama niya na si God ngayon?”
“What is her name again?”
“Viring..” ang ganda ng kaniyang pangalan, “Of course, she is.” ngumiti na lamang siya nang mapait sa akin at tumungo. “Nami-miss ko siya.”
“You do, you always do.” tahimik kaming nakarating ng mall at agad na tumungo sa isang jewelry shop. “Wait.. wait. Are you giving her a ring? You’re gonna propose to her?” nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano saan kami papasok.
“Necklace?” umawang ang labi ko at tumungo, “Akala ko lang naman, don’t worry.”
“Chismosa.” aba’t! siya na nga itong nagpapasama sa akin at ako pa ang sinabihan niyang chismosa! “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi sa akin na samahan kita? Bakit ngayon ay ako pa ang chismosa?”
“Good afternoon, Ma’am and Sir.” bati sa amin ng isang babae, “Are you looking for a couple ring? Promise ring?” ngumiti ang babae sa aming dalawa. Mukhang iba ang kaniyang nasa isip.
“We’re friends, actually..” kita ko kung paano nanlaki ang mata ng babae at tumungo, “Sorry, I thought you guys are couple.”
“Do you have a necklace?”
“O-of course, Sir! Right this way.” sinamahan ng babae si Jacob, habang ako naman ay tumingin na lamang ng singsing sa gilid. Nakakaingit, gusto ko rin ng ganiyan.
Napahawak ako sa aking kwintas na ibingay ni Gav, hanggang ngayon ay suot ko pa rin siya, ngunit hindi ko inilalabas. Ayokong makita nila at niya na siya pa rin ang mahal ko, dahil no use na iyon.
“’Wag mo tignan, bilhin mo.” napaangat ako agad ng tingin sa nagsalita, “Sir. Duke!” tawag sa kaniya ng isang babae.
Gulantang akong tignan siya. Iba ang itsura niya kaysa kahapon, mas mukha siyang maayos ngayon. Hindi tulad kahapon na naka-black v-neck t-shirt at maong pants. Ngayon ay naka-brush up ang kaniyang buhok, malinis siyang tignan sa american cut suit nito.
“Sir?” tanong ko sa aking sarili, “I owned this shop, buttercup.” saka niya ginulo ang aking buhok.
“We have a new costumer, Sir. Pivo Villion..” saka may ibinigay ang isang babae ang papel. “Sorry, Sir. Medyo nalukot, dumating kasi dito ang fiance niya at inagay sa akin ang papel.”
“Wensy, check this out!” tawag sa akin ni Jacob, kaya naman nang tumingin sa akin si Duke ay nilingon niya rin si Jacob. Hindi ko na siya pinansin pa at pumunta na lamang sa kung saan naroroon si Jacob.
“B-big stone.” turo ko sa pendant nito, panigurado akong mahal ‘yan. Nang tignan ko iyon ay hindi niya ako nagkakamali. Pasahod ko na ‘yan sa kabuuan ng trabahador ko sa Shore Corp.
“Sure ka ba?” ngayon lamang ako nagtanong sa kaniya ng ganito. “Malalaman naman ni Mommy kung saan ko ginastos, kaya ayos lang.”
“Ayos lang, maganda.”
“Hindi ka ba bibili?” ngumiti lamang ako at umiling. “Meron na ako, oh.” saka ko inilabas ang kwintas na ibinigay ni Gav sa akin noon. Nanlaki ang mga mata niya, “You always wearing that?” tumungo na lamang ako at tumingin sa iba pang bahagi ng store.
Nilingon ko kung saan naroroon si Duke, ngunit wala na siya. Kaya naman pinuntahan ko muli ang singsing na aking tinitignan kanina.
“Hi, Ma’am!” napalayo ako agad nang may magsalita sa harap ko. “Ah.. tinitignan ko lang.” ngumiti lamang siya sa akin at tumungo.
“Pwede niyo siya isukat.”
“Nako, hindi na.”
“Ma’am, sige na po. Ayokong mawalan ng trabaho.” kumunot ang noo ko, bakit siya mawawalan ng trabaho kung hindi ko susuotin ang singsing na tinitignan ko? “Huh?” magtatanong pa sana ako nang ilabas niya ang singsing na tinitignan ko.
Namangha ako sa itsura no’n.
“W-wow.” hinawakan ko iyon, mahilig talaga ako sa jewelries. Ngunit nang tignan ko ang presyo ay parang nanghina agad ang tuhod ko, pambayad na ito ng hinihinging pera ni Mrs. Ferrer.
“A-ang ganda, thank you. You can take it back na.” may pagka-arte ko pang sabi, tumingin siya sa kung saan kaya naman agad kong sinundan iyon. Doon ko napansin ang isang cctv.
“Ma’am, ano po ang size ng daliri niy-”
“No, sorry! Hindi ako bibili.” umiling ako, kinabahan ako agad, hindi ako bibili at wala na akong pera para d’yan. “Actually, Ma’am. Isa po kayo sa napili namin na bigyan ng free jewelries.” kumunot ang noo ko, free jewelries?
“Sorry?” baka nagkamali lang ako ng rinig, “Free jewelries po, isa po kayo sa napili namin.” kumurap-kurap ako. “Seryoso?” baka naman mamaya ay joke lang pala ito, konyat ka sa ‘kin.
“Yes, Ma’am.” tumungo pa ito sa akin, “Pwede ka pong maging ambassador ng shop namin. Kung ayos lang po sa inyo, kapalit po ng jewelries.” lumaki ang mga mata ko, bakit parang ang swerte ko ngayon.
“Is this for real? I mean, itong singsing na ito ay sobrang mahal!”
“Hey, what happened? May gusto ka ba? Sige na kunin mo na, ako na bahala-”
“Shut up, Cob! I’m not talking to you!” pigil ko kay Jacob na ngayon ay may hawak ng isang paper bag. “Yes, Ma’am. Ibibigay po namin sa inyo iyon ng free, basta magiging ambassador ka lang po ng aming shop.”
“With contract? Sorry, I can’t do years of contract.” umiling ako, kahit ano pa maganda ang singsing na iyan ay hindi ko tatanggapin. Muling tumingin ang babae sa cctv, “Ma’am, pwede po ba kayong mag-intay?”
“Sorry, we need to go-”
“Go on,” pigil ni Jacob sa sasabihin ko, “Hey, what’s wrong with you? Ayaw mo ba n’yan? Pag ikaw naging ambassador ay pwede kang kumita ng pera at makapagbayad sa iba mong expenses!”
“It was just a stupid ring, Cob. I want money, not a ring.” pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Bumalik ang babae ng may dalang papel, that was fast! She already have the contract!
“A three month contract, Ma’am. Just for three months.” three months? Nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. “Just for three months? Ano gagawin ko ng three months?”
“Photo shoots? We’re giving you also a talent fee, every photo shoots. Bukod po doon ang free jewelries.” kinagat ko ang aking labi. “Deal.” ibinigay niya sa akin ang papel at isang ballpen, nabasa ko na three month nga lang ang contract namin sa store na ito, kampante na ako kaya hindi ko na binasa ang iba pa.
Piniramahan ko iyon kaagad.
“Welcome to D Alfe, Miss. Wensy Shore..”