Chapter 9
“Bakit ba laging traffic dito!” inis kong sabi, pauwi na ako ngayon. Ilang araw pa lang ang nakakalipas, simula nang mag-start ako sa Shore Corp, ngunit parang binubugbog na ang katawan ko.
Padabog akong sumandal, hindi na talaga nawalan ng traffic sa bansa na ito.
Pinindot ko ang musika mula sa aking kotse. Siguro naman ay makakalimutan ko kahit paano ang init ng ulo ko at pagod. Kahit paano ay nagustuhan ko ang mga kanta, minsa ay iyong mga modern na kanta ang tumutugtog.
Tinggal ko na kasi sa cell phone ko ang music. Iniwan ko na siya, simula nu’ng naghiwalay kami ni Gav. Siya kasi ang naalala ko sa tuwing may kanta akong naririnig.
Namulat ako, at ngayo’y nag-iisa..
Hindi ako pamilyar sa kanta na ito, ngunit bakit parang naramdaman agad ng dibdib ko?
Pagkatapos ng ulan.
Bagamat nakalipas na,
Ang mga sandali..
Ay nagmumuni, kung ako’y babalik..
Kagat-kagat ko ang aking labi, para akong natulala sa kanta.
Pinipilit mang sabihin
Na ito’y wala sa akin
Ngunit bakit ang puso ko’y nagdurugo pa rin.
Iniwas ko ang aking tingin, parang pinatatamaan ako ng kantang ito. Kahit ngayon ko lamang siya narinig ay tamang-tama ako.
Sa kaniya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kaniya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang ala-ala ng ating nakaraan.
Tulala lamang ako na nakahawak sa aking manubela. Hahanapin ko ang kantang iyan.
Ang pagmamahal at panahon ay alay pa rin, sa kaniya.
Nakarating ako ng condo na halos sobrang pagod. Ito nanaman tayo sa pahirapan matulog, hindi ko alam kung ako lang ba iyong hindi makatulog sa tuwing may problema.
Nakaiga lamang ako sa aking kama at nakatingin sa itaas.
“Please, ‘wag mo naman akong iwan ng ganito.” niyakap niya ako mula sa aking likod, “Pwede ba? Layuan mo na ako? Sinabi ko naman na sa ‘yo na ayoko na sa ‘yo, ‘di ba?” pinilit ko siyang ilayo sa akin, kinalas ko ang kaniyang pagkakayap sa akin.
“Shore, ano ba talaga ang problema? Please, sabihin mo! Babaguhin ko ang ugali ko, babaguhin ko ang sarili ko!” tumulo nanaman ang kaniyang mga luha, kasabay no’n ang paglaglag ng kaniyang dalang bulaklak.
Nadudurog ang puso ko na makita siyang ganiyan, ngunit ano ang magagawa ko? Kailangan ko, para iyon sa ‘yo.
“H-hindi na nga kita mahal. Sinabi ko naman sa ‘yo na hindi na kita mahal!” pinigilan ko ang huwag maiyak, hindi pwede dahil alam kong paghihinalaan niya ang sinabi ko. “Hindi ako susuko, alam kong mahal mo ako! Wensy, kung may problema tayo ay pag-usapan natin. ‘Wag tayong maghiwalay-”
“Ang problema kasi dito ay hindi na kita mahal at pinipilit mo pa ang sarili mo sa akin!” hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaluha. Bakit ba kasi hindi na lang siya magalit sa akin at layuan niya na lang ako?
“Alam mo ba ‘yon? Naiintindihan mo ba, Gav? Hindi na kita mahal!” sigaw ko pa sa kaniyang mukha. Marami ang nakarinig, dahil narito lang naman kami sa labas ng bar.
“’Wag mo na sana akong kulitin pa, hindi na kita gusto. Ayoko na sa ‘yo, naiintindihan mo ba?” sunod ko pang tanong sa kaniya, kahit ang puso ko ay durog na durog na. “Masyado mong pinipilit ang sarili mo sa akin. Ilang beses ko pa ‘bang ipapamukha sa ‘yo?”
Nakayuko lamang siya.
“Hindi ako titigil, Shore.” nabigla ako, kahit ano na ang sabihin ko sa kaniya para masaktan siya at lubayan na ako ay hindi pa rin siya titigil? “Naalala ko kasi ‘yung isang babae na kahit ano sabi ko na hindi ko siya gusto at hindi ko siya mahal, kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na layuan niya na ako..” nakatingin lamang ako sa kaniya, dahil alam ko kung ano ang sinasabi niya.
“Hindi pa rin niya ako tinigilan, hindi niya ako tinigilan hanggang sa mapalambot niya ang puso ko. Hanggang sa masabi ko ang totoong nararamdaman ko, alam kong gano’n ka rin, Wensy-”
“Hindi iyon gano’n! hindi ako katulad nang nasa-isip mo! Ang totoo kong nararamamdaman ay sinabi ko na sa iyo, hindi na kita mahal at sana ay respetuhin mo iyon.” pigil ko sa kaniya, ngunit umiwas lamang ito ng tingin.
“Bahala ka, kukulitin pa rin kita.” please, Gav! ‘Wag! Hindi pwede at baka malaman pa ito ni lola. “Hindi na kita mahal, bahala ka sa kung ano ang gusto mong gawin.” tinalikuran ko siya at doon tumulo ang mga luha ko.
I’m so sorry, Gav..
“Tanginang mga luha ‘to!” sigaw ko sa aking kwarto nang maalaala ko muli ang lahat, hindi pa rin mawala sa akin ang ala-ala na taon na ang lumipas. Parang kahapon lang ‘yung sakit, para akong pinapatay.
Ang hirap na mag-isa ka lang na lumalaban sa problema. Hindi ko malabas sa mga kaibigan ko, dahil ayokong makita nila akong problemado.
“Nakakainis! Merde!” f-ck! Ayoko na! Hindi ako pinapatulog ng punyetang nakaraan ko. Bakit ba kasi minalas pa ako? Akala ko ay happy ending na kaming dalawa.
Agad akong tumayo, kanina pa ako nakahiga. Ngunit hindi pa rin ako makatulog, kahit naggatas na ako ay hindi pa rin ako makatulog.
Gusto ko sanang uminom ng sleeping pills, ngunit nakakatakot naman.
“Oo nga ‘no?” parang bright idea ang naisip ko, sleeping pills? Bakit hindi natin subukan, baka ito na ang sagot sa gabi-gabi kong pahirapan matulog kakaiyak sa mga nangyari.
Nagsuot lamang ako ng pantaklob, naka-short shorts lamang ako at yellow saka ang aking mahabang pantaklob na puti.
“Alam ko ay may malapit na bilihan dito.” sarado na kasi ang mga malls, kaya bibili na lang ako sa mga drug stores or kahit anong pwedeng pagbilhan. Dala-dala ko lamang ang aking susi at wallet.
Iniwan ko na ang cell phone ko at wala namang kwenta, wala kang ka-text at katawagan.
Nang makalabas ako ng aking pinto ay agad kong nakita si Danica, bakit siya narito? Nakatalikod na siya nang makita ko at tumungo sa elevator. Hindi niya ako napansin, siguro ay mayroon rin siyang unit dito sa Villion Tower.
Kahit masakit isipin na siya na talaga ang end game ni Gav ay inilayo ko na lamang ang aking isipan sa kanilang dalawa. Ayokong isipin at nai-stress lamang ako, hindi ako papayag na maging ganito na lamang ako sa buong buhay ko.
Hindi ko feel ang sumakay, kaya naglakad na lamang ako. Masayang maglakad nang mag-isa, nakakawala ng problema. Nakakapag-isip ako ng tama, “T-nginang buhay ‘yan, panay problema.” inis kong sabi.
Nagsisisi ako na gusto ko pang maglakad. Ang layo pa pala nang lalakarin ko para makapunta sa mga drugstores!
“May sleeping pills kayo?” agad kong tanong nang makarating ako, “Yes, Ma’am. Ilang pieces po?” lumunok muna ako at napaisip. “Mga.. mga sampung box.” tumingin siya sa akin nang parang nagtataka, ngunit binigay niya pa rin naman iyon sa akin.
“Thank you,” saka ako nagbayad. Hawak-hawak ko ang paper bag na naroon ang mga sleeping pills. Pwede ba mag-take ng ilang piraso? Kaso baka hindi naman na ako magising nito, malalagot ako kay mommy.
Sunod kong pinuntahan ang tabing store nito. Mabilis kong kinuha ang bote ng hard drinks, kailangan ko rin ito para sure ball na makakatulog talaga ako.
“Lahat na po ito, Ma’am?” ngumiti na lamang ako at tumungo. Ilang bote ang binili ko, halos lima. Ngayon ay ibinigay niya iyon sa akin ng nasa paper bag, hindi kaya ito mabutas?
Magsasalita na sana ako, ngunit may nag-aantay na sa likod ko na susunod na magbabayad. Suminghap na lamang ako, mukhang malas talaga ako.
“Ang ganda talaga ng buhay ko!” sambit ko sa aking sarili, habang naglalakad pabalik sa Villion Tower. “Kung hindi ako malas sa pag-ibig, malas sa pera, malas sa negosyo, malas sa lahat! All in!” panay ang rant ko, wala naman kasing nakikinig sa akin ngayon.
Nang feeling ko ay mahuhulog na ang mga binili kong alak sa paper bag ay agad ko iyong hinawakan ng dalawang kamay ko, ngunit nahulog ang paper bag ko ng mga sleeping pills.
“Sh-t!” sigaw ko, kukunin ko na sana iyon nang dumaan ang isang kotse at nagulungan ang isang box ng sleeping pills ko na nakakalat. “Ays! Ano ba ‘yan!” galit na galit na ako, sobrang malas ko naman talaga!
Hindi ko na pinansin ang sasakyan na iyon, basta ang alam ko ay huminto siya.
Pinulot ko ang mga nakakalat na sleeping pills na box, saka ko inilagay muli sa paper bag. “Sobrang malas talaga!” asar na asar ako.
Nang tumalikod ako habang nagpupulot para kunin pa ang isang box ay may kumuha na n’yon. Inangat ko ang aking paningin nang saka nanlaki ang aking mga mata.
Mabilis akong napatayo, mabuti na lamang at napulot ko na ang lahat, mabilan lamang sa box na hawak niya. Ang isang box kasi ay nasagasaan niya na.
“Sleeping pills?” tumaas ang kaniyang kilay nang itanong niya iyon sa akin. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong paperbag na may mga sleeping pills, saka naman niya sinilayan ang nasa tabi niya lamang na isang paper bag rin na napupuno ng hard drinks.
“Tss..” hirap akong lumunok, nilakasan ko na lamang ang aking loob at agad na kinuha sa kaniya ang box. Ngunit agad niyang itinaas ang kaniyang kamay, hindi ko na tuloy abot!
“A-akin na!” nauutal ko pang sabi, “Sleeping pills? For what?”
“A-akin na sabi-Hoy! Akin na ‘yan!” hindi ko namalayan ang kaniyang bilis nang kunin niya ang dala kong paper bag na may mga sleeping pills box, “Akin na nga ‘yan!”
“Bunch of sleeping pills? Para saan ito, Wensy?” kumalabog ang aking dibdib, bakit ba ganiyan siya? Pwede ‘bang huwag niya na lang ako pansinin? “W-wala kang pakialam! Akin na nga iyan, Gav!” saka ko hinila ang paper bag na kaniyang hawak, sunod naman ay ang paper bag ng bote ng mga alak na binili ko.
Hindi ko na kinuha pa ang box na hawak niya. Sa kaniya na lang iyon, kung gusto niya. Para saan iyon? Para sa kaniya! Para makatulog ako sa sakit na nararadaman ko para sa kaniya!