Chapter 10

1507 Words
Chapter 10   Mahigpit ang hawak ko sa dalawang papar bag. Sinusundan niya ba ako? Nilingon ko ang kotseng nasa likod ko patungo sa Villion Tower.   Binilisan ko ang paglakad ko lalo, siraulo ka, Gav! Hindi ko lang masigaw at baka murahin niya ako, pero t-ngina niya pa rin.   “Bakit niya ba ako sinusundan?” tanong ko sa aking sarili, mas lalo ko nang binilisan pa muli ang aking lakad. “Nakakaba na siya, ah!” nang makapasok ako sa loob ng VT ay gano’n na lamang ang paggaan ng aking paghinga, wala na siya sa likod ko, kahit ang kaniyang sasakyan.   “Gabi na Ma’am, ah!” bati sa akin ng guard, “Ay,opo nga po. Bumili ako ng pampatulog, ‘di kasi ako makatulog.” ngumiti pa ako sa kaniya. Noon ay hindi ako ganito makipag-usap, feeling ko lahat ng lalaki ay kinakausap lamang ako, dahil gusto nila ako.   Gano’n ako ka-feeling!   “Ito, Kuya!” inilapag ko ang isang paper bag sa sahig at agad siyang binigyan ng alak. “Nako, Ma’am! Bawal po sa amin ‘ya-”   “Hindi na! Sige na, kunin mo na ito. Inumin mo na lang sa bahay niyo, kung gusto mo.” kamot-kamot niya ang kaniyang batok. Mukhang nahihiya siya na hindi niya ito kunin. “Sige na, Kuya! Minsan lang naman ‘to, kunin mo na!” dali-dali niya iyong inabot, “Basta, Ma’am! Kung sakaling sabihan man ako ay ikaw ang ituturo ko, ah!”   “Oo naman, ipakita mo ‘yung cctv. Sabihin mo kamo galing kay Wensy Shore Cervantes.” tumungo pa ako, masaya rin maging mabait paminsan-minsan. Aminado naman kasi talaga akong hindi ako naging mabait kahit minsan, I mean.. slight.   “Ang ganda niyo, Ma’am at ang bait niyo pa. Pagpalain po kayo.” binigyan lang ng alak, pagpalain na agad? “Maraming salamat, Kuya.” syempre, for keeping us safe.   Kinuha ko na muli ang paper bag sa sahig at agad na sumakay ng elevator. Ako lamang ang sakay nito ngayon, kaya napag-isipan kong kuning ang isang bote at laklakin iyon.   Panigurado pag-akyat ko ay aantukin na rin ako.   Nang mabuksan ko iyon ay agad kong tinungga. Pasara na ang pinto ng elevator nang uminom ako. Pinikit ko pa ang aking mga mata, kaya naman nang idilat ko ang aking mga mata ay gano’n na lamang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko.   Hawak-hawak niya ang gitna ng elevator.   Wala akong makitang emosyon sa kaniyang mga mata at nang tignan niya ang dala kong alak ay tumaas ang kaniyang kilay.   Merde!   Kinuha ko ang nasa lapag na paper bag at tila lalabas ulit nang pindutin niya ang close, sh-t!   Hirap na hirap ako sa paglunok ngayon, ramdam ko ang titig niya sa likod ko. Kitang-kita ko ang replekyon niya sa salamin mula sa aking harap. Nakasuot ang kanyang dalawang kamay sa bulsa nito, ano na ang gagawin ko!   Pinindot ko na lamang ang floor ko, hindi ba siya pipindot? Sinusundan niya ba ako? Bakit siya narito?   “H-hindi ka pipindot?” nilakasan ko ang aking loob na tanungin siya, ngunit wala akong narinig na sagot sa kaniya. Suplado, balibhasa ay may bago ng girl friend, kaya hindi na ako pinapansin.   “A-ah..” kahit wala naman akong narinig na sagot ay nagpanggap na lamang ako na may narinig. Sumikip ang dibdib ko, kahit kabado ay parang nagdurugo ang puso ko. Nagulat ako nang may narinig akong isang ringtone, kakapain ko sana ang bulsa ko nang mapagtanto kong, hindi ko nga pala dala ang cell phone ko.   “Yes, Babe?” natikom ko ang aking bibig. Babe.. iyon pala ang tawagan nilang dalawa, “Yes, okay. I love you.” humigpit ang hawak ko sa aking dalang alak. Gusto ko nang umiyak sa sakit, t-nginang buhay ‘to.   Agad kong tinungga ang dala kong alak, hindi ko na pinansin kung may tao pa sa likod ko. Pumikit pa ako, hard drinks? Walang chaser? No problem.   Kahit ano’ng pait pa nito ay aking tiniis. Mabuti na lamang at bumukas agad ang elevator. Pinunasan ko ang aking labi, gamit ang likod ng aking palad.   Kinuha ko na rin ang nasa lapag na alak at agad na naglakad.   I love you? Babe?   Parang dati lang ay ako pa ang sinasabihan niya ng I love you, ngayon ay hindi na. Naglakad ako nang masama ang loob, wala na akong pakialam kung saan man siya pupunta. Alam ko naman na hindi niya ako susundan, baka dito lang rin nakatira ang fiance niya at pupuntahan niya.   Nakita ko kanina si Danica dito, baka doon siya pupunta.   Tutungain ko na sana muli nang may humawak sa bote ng alak na hawak ko.   Nahinto ako sa paglalakad at agad na tignan kung sino iyon.   “B-bitaw!” ngunit mas lalong humigpit ang kaniyang hawak sa bote. “What are you doing?” diin niyang tanong, “Wala kang pakialam.” diin kong sagot at pinanlakihan pa siya ng mata.   “Para saan ‘yang mga sleeping pills na ‘yan?” sunod niya pang tanong sa akin, “Ano ba ang pakialam mo?” umuwi ka na sa Danica mo! “F-cking answer, Shore!” napapikit ako sa kaniyang sigaw. “Its Wensy! ‘Wag mo akong tawaging Shore!” tawagin mo lang akong Shore, kung ako na muli ang mahal mo!   Pumikit siya ng mariin, dinilaan niya ang kaniyang labi at agad na inimulat muli ang mga mata.   “Ano ba!? bitaw!” ngunit hidi niya pa rin talaga binibitawan. “Fine! Sa ‘yo na ‘yan!” binitawan ko ang alak at agad na naglakad, kung gusto niya ‘yan, saksak niya sa baga niya. “Magpapakamatay ka ba?” nahinto ako sa paglalakad, mukha ba akong magpapakamatay?   Tumalikod ako at tumingin sa kaniya.   “Ano naman ngayon kung oo?” kahit hindi naman talaga ako magpapakamatay. “Why are you doing this?” tinignan ko lamang siya, ngunit tumalikod na lamang ako. Binuksan ko ang aking pinto at hindi na siya pinansin pa sa likod ko.   Inilapag ko sa mesa ang mga binili ko, saka ako humiga sa kama.   Naramdaman ko kaagad ang hilo, ngunit hindi pa rin ako makatulog. Tumulo ang mga luha ko, habang nakatingin lamang sa itaas. Ano ba ang meron sa akin at parang ang malas-malas kong tao?   “T-ngina naman, ganito ba ako kawalang kwenta? Para mabuhay ng ganito?” simula nang makawala ako kay lola, dahil nawala na rin siya ay nakalaya kaming dalawa ni mommy. Hindi namin kinuha ang mga pamanang ibinigay niya sa amin, dahil hindi ko gusto ang pera na galing lamang sa kaniya.   Mas gusto ko pang magsikap, kaysa kunin ang kaniyang pera.   Ininom ko ang alak na isa pa at iyon ang ginawang tubig nang inumin ko ang isang sleeping pill. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko o pwede ba ito. Bahala na siya sa buhay niya.   “Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin. Sa kaniya pa rin sasaya, bulong ng puso ko..” kanta ko, habang kumurap-kurap at tila inaantok. Para akong sabog na ngumiti, mukhang natalab nga ang ginawa ko, “Kung buhay pa ang ala-ala ng ating nakara-” hindi ko na iyon natuloy nang tuluyan nang maipikit ang aking mga mata.   Isang sampal ang aking naramdaman nang makauwi ako ng bahay ni lola.   “Ano itong narinig ko na nakipagkita ka sa batang Rejanjo na iyon!” nanlalaki ang kaniyang mga mata nang tanungin niya ako n’yon, “Ang kaibigan niya ay kaibigan ko rin. Hindi ko alam na naroon siya!” ngunit isang sampal nanaman ang aking inabot sa kaniya.   “’Wag mo akong sagutin na parang alam mo na ang lahat, Wensy! Manang-mana ka sa ina mo, walang kwenta! Kung hindi dahil sa pag-ibig na ‘yan ay ‘di sana limpak-limpak na ang salapi ng iyong ina!” nakatagilid lamang ang mukha ko, saka tumulo ang mga luha ko.   Hindi na ako makapagsalita pa sa sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit, kahit saktan pa nila ako ng physical ay kulang pa rin iyon sa nararamdaman ng puso ko.   “Hindi ka na natuto! Sinabi ko naman sa ‘yo na ‘wag ang lalaking ‘yan! Sige, kung ganiyan pa rin ang ugali mo at hindi mo ako susundin ay bukas na bukas pupunta ka na ng France!” nanlaki agad ang aking mga mata, hindi pwede!   “Lola! Narito ang buhay ko-”   “Wala dito ang buhay mo, Wensy. Hayaan mo at ipapakilala ko sa ‘yo ang magiging buhay mo.” agad akong kinabahan, bakit parang may ibang ibig sabihin si lola? “Ano ang ibig mong sabihin?”   “Huwag kang magmadali, Hija. Ipapakilala ko naman siya sa ‘yo, kaya ‘wag ka nang mag-alala.” ipapakilala?   Ngunit nang maisip ko ang isang dahilan ay agad akong umiling, hindi pwede! Ayoko! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD